Mahal Kita Pero Tama Na

40 0 0
                                        

Naranasan mo na ba mag mahal?

Magmahal ng taong di ka na mahal

At ikaw na lang ang bumubuhay sa inyong relasyon

Parang BubbleGum na kahit wala nang tamis nginunguya mo pa din

Kasi umaasa ka na mananatili pa siya sa yakap mo

Na kahit pilit man siyang bumitaw mahigpit pa din ang iyong kapit

Kasi umaasa ka na maayos pa ang lahat

Umaasa ka na bukas okay na ang lahat

At maibabalik yung dating tayo

Dating tayo na nag simula sa pagkakaibigan

Naalala ko pa nga nung unang beses akong sinabi sayo na gusto kita

Inamin ko sayo na hindi ako marunong manligaw

Pero kaya kong isigaw na ang mahal ko ay ikaw

Naalala ko pa nung sinabi mo na TAYO na

At naalala ko pa nung sinabi ko sayo na mahal kita

Pero mas naalala ko nung unang beses na sinabi mo na mahal din kita

At naalala ko pa nung mga panahong nahihiya ka pang hawakan ang kamay ko

Pero mas naalala ko na onti-onti ka nang lumalayo sa akin

Pero naalala ko pa nung unang beses mo kong niyakap

Pero naalala ko pa nung mas hinigpitan mo ung yakap

Kasi akala mo mawawala ako sa piling mo

Pero mas naalala ko na na onti onti nang lumuluwag ang yakap mo sa akin

Kasi alam mong lagi lang akong nandito sa tabi mo

Ang mga alalang ito ay nagsilbing isang anistisya

Na tila ilusyon ng relasyon na hindi maramdam-ramdaman

Dahil sa mga alala na ikaw ang maygawa

Na tila nagtatanong pa rin kahit alam na ang kasagutan

Nag mimistulang tanga kahit alam na ang kahahantungan

Nagbubulag bulagan kahit ang sakit sakit na

Sasabihing Okay lang kahit hirap na hirap na

Na kahit minsan gusto mo nang isuko ang alala niyong dalawa

Kase ang saki't sakit na

Dahil pilit mo parin inaayos ang dapat ng tapusin

Na kahit hirap na hirap ka na sa pagkapit sa kanya ayaw mo pa din bumitaw

Kasi iniisip mo maayos pa ang lahat.

Pero minsan ang salitang tayo ay mistulang turumpo na umiikot sa kapatagan

At patuloy na umiikot.

Pero pilit ko sinampal sa sarili ko ang salitang tama na at gumising sa reyalidad

Reyalidad na kung saan ang puso ko ay sinasabing

Oo mahal pa kita pero tama

Dahil sa araw araw na pagkunwari ko na masaya ako

Mas lalo lang akong nasasaktan kung pilit ko pa ring hahawakan ang alala

Oras na para maging masaya

At iwan ang salitang "MahalKita" na ikaw ang bumigkas

Tama na para kalimutan na ang lahat

At itama lahat ng pag kakamaling nagawa

Hayaan mong ialay ko sayo itong tula na ito

Pero hayaan mo ito na ang huling luha ko na ikaw ang may gawa

At ang aking hiling ay muli kang mahagkan at yakapin ng mahigpit

at sasabihing "Mahal Kita Pero Tama Na!"



















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal Kita Pero Tama NaStories to obsess over. Discover now