“Uhmm.. Sige guys, mauna nalang muna ako sainyo. Punta lang ako dun kila Adrian” Sabi niya samin at agad naman siyang tumayo at lumakad palayo samin. Kung wala si Stephen, si Adrian parating nilalapit ni Kael. Napaisip ako na siguro na out-of-place siya saming dalawa ni Aubrey. Tong si Aubrey naman kasi, kahit saan inoopen palagi ang topic tungkol kay Stephen.

“Ok” Huminga ulit siya ng malalim. “Since tayong dalawa nalang ang natira dito, sige na aminin mo na sakin. Hinahanap mo siya no?” Pangungulit niya sakin. Alam ko na hindi siya titigil hangga’t hindi ko sinasabi ang totoo sakanya.

“Oo. Hinahanap ko siya. Bakit meron bang problema dun?” Seryosong sagot ko sakanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Naghintay pa ko ng ilang segundo bago siya nakasagot, mistulang statwa lang siya sa harapan ko habang nakangiti.

“Kung walang problema, pwede na ba tayong umuwi kasi naghihintay na ang barkada?” Sabi ko sakanya ulit. Nagising naman siya sa realidad.

“Wait, huwag muna tayong umalis. Makakapaghintay naman yung mga yun e. Pagusapan muna natin yung sainyo ni bestfriend.”

“Ano ba yung paguusapan natin tungkol sakanya? Naku Aubrey huwag mong nilalagyan ng kung ano-anong malisya ang pagkakaibigan namin ni Stephen ha!” Sabi ko sakanya. Napatawa naman siya sa sinabi ko.

“May sasabihin pa ko sa’yo.”

“Oh ano naman yun?”

“Yung hinahanap mo kanina, wala siya dito. Hindi siya makakasama ngayon satin. Nakita ko kasi siya kanina na hinatid niya si Alisa sakanilang bahay. Naku lumelevel-up na talaga ang relasyon nilang dalawa no?” Sabi sakin ni Aubrey. Napaisip ako na lumelevel-up na nga talaga ang relasyon nilang dalawa pero yung pagkakaibigan naming dalawa lumevel-down naman. Hindi. Ayokong sisihin si Alisa o si Stephen sa kadahilang wala na kaming oras para mag-usap o magkita man lang. Alam ko kung ano ang gusto ni Stephen at alam ko kung ano ang makakapagpasaya sakanya – at yun si Alisa. Alam ko kung saan ako dapat umubra, alam ko ang limitasyon ko. Ayokong sabihin kay Stephen ng harap-harapan na nawawalan na siya ng oras para saming dalawa, na palagi nalang sila ni Alisa ang magkasama kasi natatakot ako na baka sa ganyang punto, dun pa masira ang pagkakaibigan namin. Na baka sa kagustuhan kong bumalik ulit siya sakin, dun pa yung punto kung saan lalayo siya. Sa nakikita ko ngayon, masaya siya kay Alisa. At wala akong karapatan na sirain iyon.

“Oo. Lumelevel-up na nga silang dalawa at kailangan na nating umalis ngayon kasi eto na nagtetext na silang lahat sakin na kung nasaan na daw tayong dalawa ngayon.” Sabi ko sakanya at agad na inayos ang mga gamit ko at tumayo at naglakad. Sumunod naman siya sakin.

Habang naglalakad kami sa hallway, panay sabi ng kung ano-ano ni Aubrey sa tabi ko. Oo lang ako ng oo sakanya kahit hindi naman ako nakikinig sa kung ano ang mga sinasabi niya hanggang sa nakarating kami sa front ng school namin.

“Oh, give me a summary sa sinabi ko kanina.” Diretsahan niyang sabi sakin ng makarating kami sa harapan ng school. Yung mga barkada naman parang hindi mo makikita sakanila ang inip sa paghihintay samin ni Aubrey. Kung kami ni Aubrey meron din kaming sariling business namin sa pag-uusap, kaya pala hindi sila naiinip, kasi sila mismo meron ding sariling pinaguusapan.

“Aubrey naman eh…” Sagot ko sakanya Agad naman siyang nainis sa sinabi ko. Alam niya kasing hindi ako nakikinig sa sinabi niya kanina.

“Nica naman eh! Kanina pa ko salita ng salita sa tabi mo tapos hindi ka din pala nakikinig diyan!” Inis na sabi niya sakin

“Oh sige na, kwento mo nalang ulit sakin. Makikinig na ‘ko”

“Oh sige, habang naglalakad tayo kwento ko sayo ulit. Basta pramis mo na makikinig ka na sakin ha!” Sabi niya sakin. Umuoo nalang ako sakanya. Nagyaya si Kael na since kumpleto na daw kaming lahat maliban lang kay Stephen, na kung pwede magsimula na kaming maglakad. Umoo nalang kaming lahat kay Kael na parang walang reklamo. Busy nga talaga kaming lahat sa kanya-kanya naming paguusap.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now