Chapter 38 (under construction)

Start from the beginning
                                    

After tomorrow saan ulit kayo kukuha ng income niyo? Maghahanap na naman kayo ng trabaho. Let me go straight to the point... Do you want money? I'll give you the money doble pa ng ibibigay sa inyo ni mommy."

"Mom ano po ba ang gusto niyong gawin namin?"

Ngumiti ako sa nagtanong... "Everyone go back to the house na parang walang nangyari... Only 3 guards will come with me... At ikaw what's your name?" Pointing to the last guard who asked me.

"Jong po."

"Jong? Ok can you drive?"

"Opo ma'am." Mabilis niyang sagot.

"Drive me to Alexus... Hintayin niyo lang ako then we'll all go back to the mansion na parang walang nangyari."

"Opo ma'am."

"At sa mga maiiwan, make sure hindi mahahalata ni mommy na wala kaming apat malinaw?"

"Opo ma'am."

Madali naman palang kausap 'tong mga 'to nakipag-patintero pa 'ko kanina hayyy!

I'm so excited to see you Stanly, I will explain everything. I will tell you everything... Aalis ako pero just for a while at pagbalik ko? Let's have our happy ending.

Stanly's POV

I never thought mauubos ko ang isang bote ng alak sa unit ko. It's not natural for me to drink alcohol pero parang everyday, every hour...

Every minute and second na hindi ko nakikita si Angelie, parang nasanay na 'rin akong umubos ng ilang bote sa magdamagan.

It really feels great! Makakalimutan mo talaga ang lahat lahat kapag nakarami ka na. Pero paggising ko bukod sa ang sakit sakit ng ulo ko... Bumabalik din lahat ng sakit eh yun siguro ang dahilan kung bakit patuloy akong umiinom ng alak. Kasi tuwing nakakainom ako, nakakalimutan ko siya.

"Kuya you're not in your usual self ano ba!?" Said Tanya.

I was lying on the floor, my head's on the couch and holding a bottle of alcohol.

Ngumiti lang ako paglingon ko kay Tanya.

"Old maid!!! What are you doing here? Nasan pala yung kaskasero mong kuya?" I asked.

"Hibang ka na talaga!!!!" Tinadyakan ni tanya ang bunbunan ko.

Ahhhhhhhhhhhh!

"Gumising ka nga kuya! Hindi lang si Angelie ang nagpapaikot sa mundo mo for God's sake kuya!"

Nakakunot ang noo ko at tumayo sabay hawak sa braso ni Tanya.

"Kuya let go of me!!!"

"You know what? Get out of here old maid!!" Nilabas ko siya sa unit ko at sinaraduhan ng pinto.

Psss sagabal! She really can't understand me. I'm just having a good time! Sadyang di talaga kami close kagaya nila ni Slate. Hayyyy

Nakatulog na 'ko sa couch sa kalasingan.

Hanggang sa napadaan sa panaginip ko ang isang napakagandang babae na naging akin na, nawala pa. She's the reason kung bakit tinuon ko ang sarili ko sa trabaho. I thought that's just it, may dadating pa palang isang babae na mas mamahalin ko pero siya naman ngayon ang dahilan kung bakit ako tatandang lalake ngayon!

Hanggang sa magising ako gabi na at basang-basa ng pawis. Grabe ang inet! Nakalimutan ko buksan yung aircon bago matulog.

Teka bakit ako nandito?? Nalasing na naman ba 'ko?

Tumayo ako at mangilang ulit akong muntik matumba. Ang sakit ng ulo ko!!!

Ililigo ko nalang 'to.

Mysterious SoulmateWhere stories live. Discover now