* Evo's POV *
"Both of you! In the guidance office! Now!!!" Ang kupal na guidance counselor nanaman. Magkikita nanaman ba kami ngayon? Tambay na nga ko dun sa office niya e.
Haay. Ang epal. Ang saya-saya ko na e. Mas maganda pala siya lalo sa malapitan.
May silbi rin pala yung pagkakakagat sakin ng langgam. Dahil dun, nalaglag siya sakin. Napapatong pa. Sh*t heaven pre.
Tiningnan ko naman yung reaksyon ni Charlene sa nangyari samin. Nakayuko lang siya at parang namumula? Kinikilig kaya siya? Hay. Siguro naman. Ang swerte na niya ah. Siguradong maraming babae nanaman ang maiinggit lalo sa kanya nyan. Kanina kinausap ko siya tapos ngayon sh*t talaga. Konti nalang oh. Hahahaha! Epal talaga to si Corpuz e.
Andito na kami sa may guidance office ni epal. Hanggang ngayon nakayuko parin siya.
"Now, explain to me what happened? Bakit kayo nandun at bakit nasa ganung posisyon kayo?"
"Ma'am sorry po. Siya po kasi may kasalanan e!!!" Tinuro niya ko. Oo nga pulang-pula siya. Pero hindi sa kilig, para siyang demonyong nagagalit. Parang anytime e sasakmalin niya ko. Ay gusto ko yan. Hahahaha!
"Ha? Anong ako? E ikaw pumatong sakin dyan e. Kasalanan ko ba yun?"
"E kung hindi mo ko binuhat hindi ako malalaglag at... Ughhhh!!! Hindi ako mapapapatong sayo!!!"
"Kasalanan ko bang kinagat ako ng langgam at mabitawan kita at mapapatong ka sakin?" P*ta usapang patungan pala to e. Hahahaha!
"Shut up! Okay Ms. Bautista anong nangyari?"
"Ma'am bakit naman siya ang tatanungin niyo? Bakit hindi ako? Mas accurate ako magkwento."
"Tumahimik ka Uy! Wala akong tiwala sayo. Puro kalokohan lang naman ang alam mo...
...Okay Ms. Bautista?"
Napaismid nalang ako. Dapat ako nalang magkwento para mas sensational e.
"Ma'am kasi ganto po yun. Nakain po ako sa canteen nun tapos bigla pong dumating tong lalaking to tapos hinatak ako bigla. Magcutting daw kami."
"Ma'am tinext niya ko kagabi sabi niya idate ko daw siya e naawa naman ako. Wag kayong maniwala dyan Ma'am."
"Kapal mo!!!" Namula siya lalo sa galit. Hahaha. Ang cute niya lalo.
"Bakit totoo naman ah? Wag na ideny. Hahaha!"
"Evo Dale Uy!!! Proceed Charlene." Sumigaw si Corpuz octopus. Yari tatahimik na ko. Hahahaha.
"Ma'am seryoso hindi po talaga. Hindi ko nga po kaibigan yan e. Tapos ayun nga po. Andun kami sa likod kasi dun daw kami aakyat. Binuhat niya nalang ako bigla."
"Oy! Sabi mo bigyan kita ng sample ng pagbuhat ng groom sa bride e. Sabi mo kasi gusto mong ako na yung groom mo kaya sabi mo magpractice tayo dun. Ayaw ko pa nga sana kaso..."
"Ang kapal-kapal mo talaga!!!"
"EVOOO!!!" Corpuz the devil shouts again. Brrrr.
"Tapos ayun po ma'am may kumagat sa kanya ata tapos na-out of balance siya at nabitawan ako kaya nahulog ako sa kanya."
"Matagal ka na namang hulog sakin e. Planado mo paglaglag mo. Alam ko yun. Hahahaha! Sabihin mo kung gusto mo kong ikiss pagbibigyan naman kita."
"Ughhh!!! Feeler ka masyado!!"
"At least gwapo..."
"Ang yabang mo!!!"
"At least crush mo..."
"Hindi kita crush!!! Kapal mo!"
"E ano? Mahal?"
"Dati yun!"
"Paki-ulit? Ma'am narinig niyo yun? Hahahaha!" Sabi na e. I knew it.
"Enough!!!! Okay you two! Out! Palalagpasin ko to since first offense to ni Ms. Bautista. Pero ikaw Uy namumuro ka na sakin. I'll keep my eye on both of you!"
YOU ARE READING
The Devil Meets the Angel
RomanceSi Evo ay isang larawan ng isang badboy, di takot sa basag-ulo, loko-loko kung loko-loko, at once in a blue moon makuntento sa relasyon palibhasa gwapo. Samantalang si Charlene naman ay ang kanyang total opposite. Isang huwarang mag-aaral, honor stu...
