29. Let it go, let it go

Magsimula sa umpisa
                                    

Our paired hearts. I bit my lower lip – harder this time. Tandang-tanda ko iyong moment na ito. We were younger, he wanted to make sure that I got the pair of his heart and I did. We both have our hearts in each other's hand tapos ay ibinigay niya iyon sa akin para ako na ang magtago. I remember the moment as if it only happened yesterday.

"I love him..." I said out loud. Tumulo nang tuluyan ang luha ko – as if on cue bumukas ang pinto ko at pumasok si Kuya Hector. Pinahid ko ang mga luhang iyon tapos ay itinago ko ang mga pusong hawak ko. I heard him sigh.

"Bumalik ka na, kiddo." He said to me.

"Huh? Hindi naman ako umalis." Pinilit kong ngumiti. Umupo siya sa kama ko.

"It could've been me." Mahinang wika niya. "Kung naging anak ako ni Dad, pinsan ko si Yza." Sabi niya bigla. Napangisi ako kahit mabigat ang nararamdaman ko.

"Kung ganoon ang sitwasyon, Kuya, anong gagawin mo?"

Matagal siyang hindi sumagot. Parang nag-iisip pa. Maya-maya ay tumingin siya sa akin. Nagkibit-balikat at saka ngumiti.

"Ganoon pa rin – minus the forced part." He cleared his throat. "I'd still fight for her. I love her. Ganoon dapat ang ginagawa kapag nagmamahal. When you love, giving up isn't a choice. You should always fight for the one you love."

"But love makes people weak..." Mahinang wika ko. Bumaling siya sa akin.

"Nagkikita ba kayo ni Baba kapag nasa Greece ka?" Kunot-noong tanong niya. Umiling ako. Alam kong ayaw ako ni Kuya na lumapit sa biological father niya. I just kept quiet.

"Don't ever say that." He took a deep breath. "Love, yes, it makes you weak but it can also be your strength. Love makes and breaks us – ikaw ang magdedesisyon if you will let love make or break you. In my case, I let love make me the person I am today and I am stronger."

He tapped the top of my head. "Bumaba ka na, nagluto ang ate mo." Kinindatan niya ako. Napanguso na lang ako. Kuya Helios – well I can't believe that he is making sense right now. Kung babalikan sobrang layo na niya doon sa Helios Demitri na nakilala ko and I guess he was right – he let love make him. Pero paano ko gagawin iyon kung ganito ang sitwasyon ko? I don't even know where Yllak is. Nag-aalala ako sa kanya pero wala akong magawa dahil pinipili kong gawin ang tama.

Bumaba ako. Hindi na ako nagpalit ng damit. I was still wearing my black zombie shirt my gray sweat pants. Hindi pa ako naliligo, magulo ang buhok ko. Biniro pa nga ako ni Kuya kaninang umaga noong una niya akong makita kung nagtooth brush ako, napilitan tuloy akong magsepilyo. Tamad na tamad kasi ako. Gusto ko lang mahiga buong araw at magmukmok.

Habang pababa ako ng hagdan ay may natanawan akong kung ano sa front door. Isang lalaking nakapamulsa. Kilalang-kilala ko kung sino iyon. Nanginginig ang boses na tinawag ko siya.

"Kuya Yvo..." I actually whispered his name. He looked back at me and smiled.

"Hey, baby. Come, aalis tayo." Walang abog na wika niya. Nang hindi ako gumalaw ay kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako palabas ng bahay. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Kuya. Hindi na kasi ako nakapalag. We rode his Bentley and he drove fast. Inaayos ko ang seatbelt ko nang magsalita siya.

"Hindi mo ba tatanungin kung saan tayo pupunta?" He asked me. Hindi ako sumagot. Somehow I already know where he's taking me and that was the same reason why I came with him. Alam kong alam niya kung nasaan si Yllak. Alam kong doon niya ako dadalhin.

"Why aren't you mad at me?" I asked him. He smiled. He chuckled a bit. Kuya Yvo has the same eyes as tatay pero kung titingnan siya – siya ang pinaka-kamukha ni Nanay sa lahat. Si Ate Yza kasi si Tita Laide ang kamukha, si Kuya Yto, si Tatay pati na rin si Yllak. Si Kuya Yvo, mata lang ang nakuha kay Tatay Sancho.

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon