Chapter 6

28.6K 464 7
                                    

Jasmine's POV

Kakatapos lang ng klase ng biglang tumunog yung phone ko. I fished out my phone in my pocket to check who messaged me.

1 message received

FROM: Nathan

Dinner later 6:30 pm. Magpahinga ka pag-uwi tapos susunduin nalang kita.
See ya later:)

-end-

Seryoso talaga siya dun sa dinner? Akala ko wala lang yun. 4:25 pa lang naman may oras pa ako. Dumeretsyo na ako papunta sa parking lot. Habang naglalakad ako may nararamdaman akong parang may sumusunod sakin. Napatigil ako sa paglakad at nilibot tingin ko sa paligid. Baka naman imagination ko lang?

Nagsimula ako maglakad ulet pero agad din napahinto. Meron talaga eh. Ramdam ko talaga na parang may nanunuod sakin. I shook my head to erase the thought. Baka napa-paranoid lang ako. Pinagpatuloy ko nalang paglalakad ko.

Nang makarating ako sa kotse ko napansin kong may naka-ipit sa wind-wiper ko. "Ano to?" kinuha ko yung papel at binuklat. "What the!" nanlaki mga mata ko ng mabasa ko kung ano nakasulat sa papel.

[Hi there princess. You don't know me but I know you. Ikaw lang naman ang asawa ni Nathan Carson, ang malas mo naman. If I were you, iiwanan ko na siya. Kung ayaw mo mapahamak at kung ayaw mong may masaktan na mahal mo sa buhay. Iwanan mo ang asawa mo.]

"A-ano to? B-bakit may ganito?" lumakas ang tibok ng puso ko at nilibot mata ko sa paligid. Is this some kind of a sick joke?!

Sino ba to at bakit gusto niyang iwanan ko si Nathan? Bakit alam niya ang about samin ni Nathan?

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung sino nagpadala ng sulat na to. Hindi ko alam kung seryoso ba tong nagsulat nito or na nanakot lang.

I crumpled the paper at pinasok sa loob ng bag ko. Pumasok na ako sa kotse at inistart. Huminga ako ng malaman tsaka pinaandar ang kotse ko pauwi ng bahay. Nang makarating ako sa bahay agad agad akong pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sinalubong ako ni Yaya. "Hi nak. Kamusta school?" I tried to smile. Ayokong mag-alala si yaya sakin.

"Okay lang po, yaya. Ah, yaya akyat na muna ako. Pagod po kasi ako eh." hindi ko na hinintay pa na sumagot si yaya at agad agad akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Pinatong ko yung bag ko sa sofa at kinuha yung letter at tinapon ko sa basurahan. Humiga ako sa kama at huminga ng malalim. Many thoughts came to my mind. I don't know the reason why that person wants me to stay away from Nathan. Ano ba ang nangyayari?

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Tumayo ako sa pagkakahiga at pumunta sa bag ko at kinuha ang phone ko.

Si Nathan tumatawag. Huminga ako ng malalim saka sinagot ang tawag niya.

"Hello?"

[Jasmine, nasa bahay ka na ba?]

"H-Huh? A-Ah, oo."

[Okay lang ba? Bat nags-stutter ka?]

"W-Wala. Okay lang ako. Pagod lang."

[Sige, magpahinga ka muna jan. Hinahanap ka pala ng mga kaibigan mo hindi mo daw sila tinawagan. Nandito lang ako kanila Carl. Mag-ready ka na maya maya alam ko namang matagal ka mag-ayos.]

Secretly Married To A Gangster (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon