TEASER

20 1 0
                                        

Once upon a time,Kem fell in love with Herold Israel. But the bastard broke her virgin heart.  At para makapaghiganti, nagsuot siya ng red-gown with matching wide-rim hat at sumugod sa kasal ni Herold or Lucas Roa in real life. At halos mabaliw siya ng malaman na hindi lang siya ang nagoyo ng lalaki dahil sa mismong kasal nito,lumitaw ang sampu pang babae na,tulad niya, ay naloko din ng lalaki. Nakamit niya ang inaasam na paghihiganti dahil hindi natuloy ang kasal nito. Dahil sa nangyaring eskandalo,ipinatawag sila ni Donya Eleonor-ang lola ni Herold. Nalaman nila ang nakakaantig na kwento ng matanda tungkol sa greatest love nito. Inusig sila ng konsensya. At para makabawi dahil sa ginawa nilang eskandalo na dahilan ng pagkakasugod nito sa ospital,nagpasya silang hanapin si Lolo Leon-ang one great love nito. At para ganahan sila sa paghahanap,may pabuya mula kay Lola Eleonor ang sinumang makakahanap dito at iyon ay isang gintong rosaryo. Ayos na sana ang lahat para kay Kem,dahil handa niyang galugarin ang buong Pilipinas para mahanap si Lolo Leon at syempre,para sa gintong rosaryo! Pero nasira ang lahat ng malaman niyang may makakasama siya sa paghahanap. Si Elwin Hagerty ang makakasama niya sa quest. Ito ang lalaking nagtilamsik sa kanya ng putik sa mukha at galit sa salitang 'sorry'. Ito rin ang lalaking nabuhusan niya ng frappe,dahilan para mawalan siya ng trabaho at higit sa lahat,pinsan ito ni Lucas Roa! Labag man sa kalooban,wala na siyang nagawa kung hindi ang isama ang halimaw na may asul na mata at ipinaglihi sa sama ng loob,alang-alang sa gintong rosaryo! Pero sa lahat ng halimaw,ito ang bukod tanging may perpektong abs. At sa araw-araw na nakakabangayan niya ang binata,hibdi pa rin niya napigilan ang sarili na mahulog dito. Akala niya maayos na ang lahat sa pagitan nila,pero natanso na naman siya ng lahi ni Herold o Lucas Roa.
Halos madurog ang puso niya ng makita itong kasama si Irish,ang ex-fiancee nito. At ang masakit,nalaman niya ang dahilan kung bakit siya nito nagustuhan. Dahil kamukhang-kamukha niya si Irish! Nakikita nito sa mukha niya ang babaeng una nitong minahal na ngayon ay nagbalik na. At iyon ang pinakamasakit sa lahat.

LOVE QUEST BOOK 7: FINALLY, I FOUND YOUHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora