Scorched 2: Explore

9 1 0
                                    

Chapter 2: Explore







Makalipas ang ilang minuto, mga iyakan at hagulgol na ang narinig ko mula sa mga mahal ko sa buhay. Oras na ng pag-alis ko. Andito pa rin ako sa sala ng ampunan at kitang-kita ko na ang itsura sa labas. Maging ako ay hindi maintidihan ang sarili ko. Maghalong lungkot at tuwa ang pagalis ko.

Simula nung bata pa ako, alam na nilang pinangarap ko na lumabas ng ampunan pero dahil sa takot ay hindi ko iyon magawa pero nalulungkot din ako dahil alam kong maiiwan ko sila ng pansamantala. Hindi ko nga mailitrato ang buhay ko ng wala sila Inay, Ethan, Grace, Lily, Biboy, Sep at lahat ng batang kasama ko mula sa paglaki.

"Anak, dalawin mo kami paminsan-minsan ah? Alam mo namang 'di kaya ni inay na hindi makita ang prinsesa niya" Umiiyak na saad ni inay. Niyakap ko ng napakahigpiti si inay bago sumagot

"Oo naman nay kayo pa ba? Di ko kaya kayang di makita sa isang buwan ang mga nangungulit sa'kin" Sa kabila ng lungkot, nakuha ko pa ring magbiro para kahit papano sumilay ang nga ngiti sa labi nila.

"Napakawaley ng biro mo Elaine. Sobrang nakakatawa na ewan" Bara ni Grace na ikanabatok ko sakaniya

"Napaka epal mo din"

Sa gitna ng iyakan at tawanan namin, bigla akong napahawak sa dibdib ko ng marinig na namin ang busina ng bus na sasakyan ko patungo sa kauna-una kong paaralan. Mas lalong lumakas ang iyakan ng mga taong nakapaligid sakin

"Ate El-el sama mo Biboy" Utal-utal na pagmamakaawa ni Biboy sakin.

"Kung pwede lang sana Biboy" Bulong ko. Niyakap ko ng mahigpit si biboy bago ayusin ang backpack sa likod ko.

"Wag ka ngang umiyak. Mas lalo kang pumapanget" Segundo ni Ethan kaya sinuntok ko sya ng pabiro sa dibdib niya

"Bwesit kang mokong ka! Aalis na nga yung tao nilalait mo pa!" Bulyaw ko na ikanatawa ng lahat. Pero ikinapula ng mukha ko ang sunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako ng napakahigpit na para bang pinipigilan niya akong umalis.

"Mamimiss kita.." bulong niya sa tenga ko

Mas lalong uminit ang mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha na ayaw tumigil sa pag-agos. Now I realized the pain for leaving them for a while.

"Drama mo!" Tsaka ko sya tinulak ng pabiro palayo sakik at tinakpang ang buong mukha ko gamit ng dalawa kong palad.

"Ang sabihin mo, mamimiss mo rin ako! Kunyari ka pa eh!" Narinig ko ang mahinang pagngisi niya kaya tinanggal ko ang dalawang palad na nakatakip sa mukha ko at tinignan sya ng masama.

"Sa susunod na 'yang paglalambingan niyo. Ako naman sunod na magpaalam kay Elaine pwede ba Ethan ha?" Iritadong paghihiwalay ni Grace saming dalawa.

If I know, nagseselos lang 'yan kasi may gusto kasi kay Ethan mokong. Pa-kunyari 'tong babaitang eto eh!

Deep inside sobrang tawa na ako sa istura na di mapinta kay Grace. Parang umuusok ang dalawang ilong sa galit. Eh kung umamin kaya sya kay Ethan? May pa-pakipot pa kasing nalalaman eh.

"Asus-" Itutuloy ko na sana ang pagkukuntyaw ko sakanya ng bigla akong kurutin ni Grace sa tagiliran kaya napangiwi naman ako habang pinipigil ang tawa ko.

"Heh! Isa ka pa! Mangiiwan ka na nga di ka pa magpapaalam sa'kin? Nakakagigil ka!" At pabiro niya akong sinapak

Tumawa lang ako ng tawa

"Anak, kailangan mo na talaga umalis. Nagmamadali ang bus driver" Malungkot na balita ni inay sa harapan namin.

Parang bumigat ang pakiramdam ko ng mawala sakanila ang kaninang nakangiting labi at napalitan ito ng kalungkotan. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan at malungkot ang mga mahal ko.

"Ano guys? Alis muna ako ha? Ingat kayo palagi. Mahal na mahal ko kayo" And my voice broke once again

Nagsigroup hug muna kami at niyakap ko naman ang mga batang pilit pa rin akong pinipigilan sa pag-alis. Nasa harap na ako ng pintuan palabas ng huminto ako sa harap nila Grace, Ethan, at inay. Niyakap ko silang tatlo.

"Nay wag masyadong pastress ha? Wala muna ako para palagi kang paalalahanan na palagi kang uminom ng gamot. Wag magpagod ng sobra dahil baka sumakit na naman ang ulo mo. Mahal kita nay" Bilin ko kay nanay bago kay Grace

"At ikaw naman Grace, bawas-bawasan mo nga yang pagmamaldita mo. Pati ako natatakot dyan sa kilay mong dinaig pa si Madam Losyang at wag ka naring manhid. May nagkakagusto sayo dito sa tabi-tabi lang" Tukoy ko Sep. Alam ko noon pa man na gusto na niya talaga si Grace. Sa pagsasalita pa lang nito sa harap ni Grace, halatang-halata na.

At ikaw Ethan naman. Ang mokong kong bestfriend "Than-than mokong, ingat ka palagi. Bantayan mo palagi si nanay at Lily. Tsaka hinay-hinay sa pagiging mayabang baka malipad mo kami tuluyan pagnagkataon" Sabi ko at umirap sakanya. Sasagot pa sana sya ng kurutin sya ni Grace sa tagiliran. Napakaamazona talaga!

"Puro ka paalala saamin anak, alam mo namang tulung-tulungan tayo dito. Pamilya na tayo. Pano na yang sarili mo nak? Alagaan mo din yang sarili mo ng mabuti. Tandaan mo ang sinabi ko sayo. Mahal na mahal na mahal ka ni nanay" Huling wika ni nanay bago ako halikan sa noo.

Bumusina ulit ang bus hudyat na kailangan na naming umalis. Dala-dala ko na ang luggage ko paglabas ng pintuan pero bago 'yun, kumaway muna ako sakanila at sinigurado kong niisa sakanila ay di ko kailanman makakalimutan. Paglabas ko, preskong simoy ng hangin agad ang sumalubong sakin. Pinahid ko muna ang mga luhang patuloy pa rin sa pagbagsak at minessy bun ang buhok ko bago ko sinuot ang sumbrero ko.



Hangga't maaari, ayaw ko munang may makakita sa buhok at mata ko kaya nagcontact lense ako kanina tsaka ako ng sumbrero ngayon. Bawat tapak ko sa mga hagdan ng bus, mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Ang sakit sakit na sa pakiramdam na kailangan ko muna silang iwanan. Pero babalik ako. Babalik ako pagkatapos kong libutin ang ganda ng mundo.





I know they'll wait for me.





---------------

Don't forget to vote, share and heart this story. If you have any suggestions or concers please feel free to comment bellow. Lovelots guysies! :3

Scorchers : Scorcher CityWhere stories live. Discover now