(A/N: paki batukan nga po si ate Lysa)

"wag muna" sabi ni Lysa "madami pa kasi akong kailangan tapusin sa office"

"sure ka? You need a break, and I know you deserve to have one" sabi naman ni Jay.

"tagal ko ngang nawala sa office eh, okay na yun ayoko din kasing isipin nila na masyado kong inaabuso ang pagkakaibigan namin ng boss"

"pero---"

"saka nalang kapag maluwag na ang schedule ko"

...tsaka kapag napagtanto ko na hindi na talaga siya babalik at paniniwalaan ko ang lahat ng sakit na binigay niya

"sige, sabi mo" sabi ni Jay

"thank you"

After nila mag-coffe.

"babalik na kita sa office?" tanong ni Jay.

"Jay?"

"hmm?"

O.O < Jay

Bigla kasi siyang inakap ni Lysa

"b...bakit?" nauutal si Jay 

"thank you" pabulong na sabi ni Lysa.

"hah? para san?"

"kasi hindi mo pa rin ako iniwan" sabi ni Lysa.

Kumalas ito at nagsimula ng maglakad.

"Uy TEKA!" sigaw ni Jay.

"Salamat sa coffee, ingat sa pagda-drive" mabilis na tumakbo si Lysa.

At sa pagliko niya, sumandal siya sa isang wall.

Hinawakan ang dibdib niya sa my tapat ng puso.

...bakit ba ang hirap mong turuan? bakit kahit na nasasaktan na ako bakit patuloy ka pa ring lumalaban? 

Sunod-sunod ng tumulo ang mga luha niya.

...natatakot lang akong lumapit ulit ang loob sayo, ayoko na, sawang sawa na ako

Pagkatapos mahimasmasan ng sarili ay bumalik na siya sa office pero bago pa nito ay nadaan siya sa isang mall.

Napalingon siya ng di sinasadya.

"guni-guni ko lang siguro"

...masyado ko kasi siyang iniisip

Pagdating niya sa office.

"ma'am?" tawag ng secretary niya "may nagpapabigay po"

O.o

"saakin?"

Kinuha ni Lysa ang sobrang laking bouquet ng flowers.

"kanino galing?"

"saakin" sabi ng lalaki sa likod.

"sir" bati ng secretary ni Lysa.

"Rapha?" 

"may I come in?" tanong niya kay Lysa.

"sure, Joan pahanda ng makakain ah?" utos niya dito "thank you"

"bat nababa ka ata dito?" pabirong tanong ni Lysa.

"bakit? masama bang bumisita sa aking COO? tsaka, paano ako uuwi kung hindi ako bababa dito?"

"loko ka talaga, so what's with the flowers?" tanong ni Lysa putting the flowers on her table.

"wala lang, naisip ko lang. Nagkasakit ka ni hindi man lang kita nadalaw tapos pumunta man ako wala pa akong kadala-dala" paliwanag ni Raphael

"ikaw talaga, well thank you for this" sabi ni Lysa.

PA-FALL GUY (FAN-FIC) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon