Chapter Forty-One: I Hate You

65 2 15
                                        

Note: third person po ulit ang gagamitin ko, mas madali po para sakin eh, sa next chapters nalang po ang POVS nila.

3rd person's pov

Lumipas ang dalawang linggo ng bakasyon, puro masasayang pangyayari lang ang nangyari sa bakasyon nina Ran at Steph.

Nasa condo silang dalawa ni Ran, pagod silang dalawa at gusto na nilang magpahinga, tanghali na at buti nalang busog pa sila, kaya naisipan na lang nilang matulog at gumising nalang mamaya para magdinner

Alam na rin ng parents nila na nakauwi na sila, di na sila pinilit na umuwi pa sa bahay dahil alam nilang pagod galing sa byahe ang dalawa

Magkatabi silang nakahiga ngayon sa kama ni Ran, sanay na rin sa Steph na makatabi si Ran kahit kasi dalawa ang kama doon sa hotel sa bora tumatabi pa rin sa kanya si Ran.

Ayaw naman niyang itaboy, gusto rin naman . Ahemmm ^_^

Nakapikit na si Steph ng biglang nagsalita si Ran,

"Tired?'' tumango nalang siya bilang tugon, napagod talaga siya sa byahe kaya wala na siyang ganang magsalita pa

Hinaplos naman ni Ran ang buhok niya, napangiti nalang si Steph

"Sleep well, I'll wake up later" pagkatapos iyon marinig ni Steph, pumikit na siya at natulog na sa tabi ni Ran

After two hours.....

Nagising si Steph dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ni Ran, text messages at missed calls. Nagkusot na muna siya ng mata bago abutin ang cellphone, tulog na tulog parin kasi si Ran, ayaw naman niya gisingin.

Hindi naman niya sana gagalawin yung cellphone pero naisip niya rin baga importante. Pero nagsisi siya kung bakit pa siya nangialam, puro missed calls at text lang naman ni Alexys, asking if how is he? kumain na ba siya? nakatulog ba siya ng maayos etc.

Nainis bigla si Steph, akala niya ba ni let go na ni Alexys si Ran, pero bakit nangungulit pa rin eto. Gusto niyang ibato ang phone pero ng mapansin niyang wala namang reply kahit isa napangiti siya, pero ng pabalik na siya sa paghiga napatitig siya kay Ran.

Naisip niya, baka idinelete ni Ran? Ang daming tumatakbo sa isip niya, kaya pagkatapos nun di na siya nakatulog pa nakatitig nalang siya sa kisame hanggang mag 6:00 na ng gabi.

Naramdaman niya ang paggalaw ni Ran kaya nagtulog-tulogan siya, nakita niya etong pumasok sa CR kaya dumilat siya. Babangon na sana siya ng bumukas ang pinto ng CR, kaya nagtulog-tulogan nalang siya ulit

Naramdaman niya ang paghaplos ni Ran sa pisngi niya, gusto niyang ngumiti pero pinigilan niya ang sarili baka mahuli siya nitong gising

Naramdaman niyang lumayo si Ran sa kanya at lumapit sa side table, nakita niyang chinecheck nito ang phone nia, kinabahan naman siya bigla dahil baka magtaka si Ran kung bakit bukas na ang messages na galing kay Alexys.

Gusto niyang magpanic pero ng makita niyang napa "tsk" lang si Ran at napailing di na siya nag abala pa

Pinikit niya ulit ang mata niya dahil lumingon si Ran sa pwesto niya, nakita niya etong nagbihis ng t-shirt at dahan-dahang pumunta palabas ng pinto.

Dun na siya nakahinga ng maayos ng maramdamang wala na talaga sa silid si Ran, naisip na naman niya ang text na nabasa galing kay Alexys, napailing nalang siya at lumabas na rin ng pinto kailangan na rin kasing maghanda ng dinner

Naabutan niya si Ran na nakaupo sa dinning table, kakagaling lang nito sa isang tawag nasa hagdan siya kaya di siya nito napansin

Napaisip siya at di niya maiwasang di magselos ,kung si Alexys ba ang kausap ni Ran. Napabatok naman siya sa sarili kung mas maaga sana siyang sumunod narinig niya sana diba?

My Childhood Enemy turns to be My Sweetheart Book 2 - A FrancElla FF (Completed)Where stories live. Discover now