Chapter 2: Meeting them officially

Magsimula sa umpisa
                                    

“ Ano ka ba Miss? Nagtatanong lang yung tao sayo tapos manunulak ka pa. Ako tatawagin mong bastos, sa gwapo kong to ako bastos”, sabi nya habang tumatayo.

“ Sino ba naman kasing hindi magugulat sa ginawa mo. Alam mo naman na natutulog ako, tapos paggising ko ang lapit ng mukha mo sa akin. Hahalikan mo ko no aminin mo? Sabi ko sa kanya  ng nakataas ang kilay.

Kumunot ang noo nya, pero wala siyang wrinkles ang gwapo nya at ang tangkad pa.

“ hahahaha.. pinapatawa mo ba ko ha? Pinapatawa mo nga ako hahahahhahaha. Ikaw hahalikan ko? Never. Ni hindi ka nga pumasa sa criteria ko para sa type kong babae,tapos hahalikan kita. Nanaginip ka ata Miss.” Feeling ko nagmuka akong bulok na kamatis sa harap dahil sa hiya. Sapakin ko kaya ito. Yumuko muna ako at bumalik ang mataray kong mukha para harapin siya.

“ Wala kang pakielam kung nananaginip man ako atsaka sa susunod, WAG NA WAG MO KONG TITIGAN NANG MALAPITAN KUNG AYAW MONG,MAKAKITA NG ISANG MILYONG BITUIN SA PALIGID MO, NAIINTINDIHAN MO BA HA!!!!!!!!!!., pasigaw kong sabi sa kanya.

“ okay,okay. It will never happen again. Isa pa nakakasawa kasing titigan yang mukha mo eh.  Kaya ko lang ginawa yun kasi gigisingin kita para itanong kung ikaw si Ms.Shane Flores., sabi habang nginingitian ako. Nag-aasar ba tong baliw na ‘to.

“OO,AKO NGA SI SHANE FLORES. EH, ANO NGAYON? ANONG KAILANGAN MO SA AKIN”, tumayo na ako para harapin siya, tangkad nya.

“Miss Shane pwede ba wag  kang sumigaw, para kang armalite eh, daig mo pa yung kapitbahay namin”

“ paki mo” kumalma na din ako.

“ Kung ikaw nga si Ms. Shane Flores di ba dapat tinutour mo na yung mga transferees dito sa campus?”, nagulat ako sa sinabi nya. Lagot ako kay Ma’am principal nito.

“ Ayyyy, naku nkalimutan ko . waaaah sorry. Tara na sabi ko sa kanya”, sumunod naman siya sa akin. 10:15 na pala masyado pa man din akong sensitive pagdating sa time. Bakit kasi nakatulog ako eh.

Ryan’s POV

Ang tagal ko na din na nakatayo dito sa gilid hindi pa rin siya nagigising. 5 minutes na din ang nakakalipas ng umalis yung lalaking nagnakaw ng halik sa kanya. Sino kaya yun? Sa sobrang inip ko nilapitan ko siya ng malapitan,ilang minuto ko din siyang tinitigan.

Gumalaw siya ng bahagya, kaya nagsalita na ako..

““ Ui miss,ikaw ba si Ms. Shane Flores?” nakita ko ang pagkagulat niya,nang marealized nya na napakalapit ng mukha ko sa kanya. Sa totoo lang napakaganda nya. Hindi ko alam pero parang nagkita na kami dati. Yung curly nyang buhok, yung mahahaba nyang pilik mata, mamula-mulang pisngi; nakablush on ba to?at ang kulay rosas nyang labi na ang sarap halikan. Wow. Ito siguro yung dahilan kung bakit natukso yung lalaki kanina na halikan siya.

“ Ano ba lumayo ka nga sa akin ,bastos”, haha nahalata nya siguro. Pero hindi ko naman sinasadya na tingnan yung legs nya.

Sparks of Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon