NUMERO

8 1 3
                                        

Isa
Ika-isa nang disyembreng magpapasko,naaalala ko pa. 

Nang malamig na gabi ay umalis si ina para magsamba.

Dalawa
Dalawang magkapatong na damit aking naisipang isuot. 

Dahil sa gabing mayroong maginaw na hanging,

sa balat ay nanunuot.

Tatlo
Tatlong hakbang na lamang papunta sa aking higaan. 

Nang marinig kitang ako'y tinawag mo, "dito nenang"

Apat
Apat na magaganda at kapani-paniwalang pangako ay iyong sinambit. 

Na aking walang kamuang-muang at kabataang isip ay naakit.

Lima
Limang taong gulang bata pa lamang ako noon.

Na nakaranas ng isang malagim na bangungot na di alam,

kung kailan makakabangon.

Anim
Anim na beses akong nanalangin sa ating puong may kapal.

Dahil sa sakit na aking natatamo na parang ako ay sinasakal.

Pito
Pitong luha ang dumampi sa aking pisngi na nagsisimbolo nang dalangin na sana itong pangyayaring nagaganap ay kaagad matapos. 

Ngunit sabi sa sarili ay ayos lang, basta ikaw ay makaraos.

Walo
Walong taong nakalipas, dala dala ko padin hanggang dito.

Isang ala-ala na tumanggal ng aking dignidad at sumira sa aking pagkatao.

Balik sa Isa
Isang tanong sa aking buhay na hanggang ngayon ay aking pilit na inaalam pa.
Kung bakit iyong nagawa sa akin ito,

AKING MAHAL NA AMA? 😢

⭕️⭕️⭕️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnsaidWhere stories live. Discover now