It Only Takes You [15]

1.8K 30 13
                                        


Chapter 15

(JAI’s POV)

At ito na nga po ang eksena pagtapos ako i-abduct ni Alec from the company of Tommylabs~

“Alec ano ba! Tumigil ka nga. Kung mahila mo ako para akong poddle a!”

“Hah! Poodle? Pug ka kaya. Tumigil ka nga!”

Nagpatuloy ako sa pagpupumiglas pero mas hinihigpitan nya ang hawak sa wrist ko. Ganito ang eksena hanggang makarating kami sa tapat ng main house.

“Tama na Alec! Nasasaktan na ako!” Reklamo ko sabay hila ng kamay ko from his grip. Binitiwan nga nya ang kamay ko.

“Gabing gabi na nasa labas ka pa? Pumasok ka na nga sa loob!” sigaw nya sabay galit na tinuro yung loob ng bahay.

Nagagalit sya dahil hindi pa ako umuuwi?

“E ano namang problema mo kung gabi na at nasa labas pa ako. Tatay ko nga hinahayaan lang ako e. Kung magalit ka dyan wagas lang?”

“E kasi.. Gabing gabi na! Nakikipagdate ka pa sa mestizong besugo nay un!”

Sinong mestizong besugo? Si Tom ba? Wooooow!

“Sinong mestizong bangus? Si Tom ba?!”

He rolled his eyes saying, “Sino pa ba?”

“Wow. Kung mestizong besugo si Tom ano ka na lang? Inihaw na Chinese dilis?!”

“Tumigil ka na nga! Sumasagot ka pa dyan. Pumasok ka na sa loob.”

“Ayoko nga e! Bakit ka ba nagagalit? Wala naming masama sa ginagawa namin ni Tom a! Nagkukwentuhan lang kami.”

“Kwentuhan?! Kwentuhan ba ‘ka mo? Kwentuhan ba o pakikipaglandian?!”

*PAAAAAAAAAAAAAK*

Pagkasigaw na pagkasigaw nya nung huling salita. Hindi ko alam pero parang sumabog na talaga ako. Bigla ko tuloy syang nasampal.

“Pakikipaglandian na ba ang pakikipag-usap?! Kung mapagsalitaan mo ako parang binili mo na ang buong pagkatao ko a?!” Naiiyak na talaga ako. Syet na tao ito.

“S-sorry!” Sabi lang nya.

“Sorry mong mukha mo!” Sigaw ko saka sinapa ang tuhod nya. Bwisit. Nakakainis na talaga sya!

Hindi ko na nilingon kung gumugulong na sya sa sakit o ano ba, pumasok na lang ako sa loob. Nakakabadtrip sya!

It Only Takes You (JaLec FanFic)Where stories live. Discover now