-----42nd string-----

Start from the beginning
                                        

(Laters, dude.) – message sent.

HAHAHA kala ng tipaklong na to. Pinasama-sama nya ko kay Kevin tapos papauwiin nya ko ngayon? HUH. Jombagin ko sya e.

*tumunog ang phone*

Jeez. Natawag si Vano.

“Hel...”

(Go home) – Ivan

“Bat ba?”

(I said go home now.)

“Ano bang problema mo, ha?”

(YOU.GO.HOME.NOW.)

“YOU. MIND. YOUR. OWN. BUSINESS. ENJOY!!!” I hang up.

*tumunog ang phone*

Sa halip na sagutin,  pinatay ko na lang ang phone ko. Letseng yun.

“Problem?” sabi ni Kevin na may dalang tray ng... OMG. Cake, fries, Juice, Ice cream. <3

“Ah wala naman.” Sagot ko na nakatitig sa dala nya.

“I bet you’re hungry. Eat.”

At dahil masunurin akong bata, kumain naman ako.

ANG SARAAAAAAAAAAAAAAP!

Habang lumalamon ako, nakatingin lang sakin si Kevin, parang ang lalim ng iniisip nya.

Sa kin sya nakatingin, pero ramdam kong iba yung iniisip nya.

“Hoy, ayaw mo kumain?”

“Para sayo lang lahat yan.”

“Seriously!? Ang dami nito ah?”

“Alam kong kaya mo lahat yan.”

“HAHAHA buti alam mo. Uhm... pwedeng magtanong?”

“Kiss muna.”

“Sapak gusto mo?”

“What is it?”

“Gano katagal kayong naging MU ni BB?”

“Why do you call her BB?”

“Long story.”

“Hmm... 6months?”

“Ohh. Eh anyare?”

“How nosy.”

“Sige na, to naman oh parang wala tayong pinagsamahan.”

“Kiss muna.”

“Gusto mo magbarilan tayo in real life?”

“Anong klaseng barilan?” he said, then grinned.

“What?! May totoong baril ka dito?”

“Don’t be obtuse.” His voice went seductive. Yung tingin nya, nakakatunaw... WAIT.

“YOU PERV!”

“Hay salamat nagets mo din. Finish your food. I prefer to shoot you, not in real life.” He smirked.

Sinunod ko na lang sya. Kaming dalawa lang ang tao sa bahay nila ngayon. Baka mamaya rapin pa ko nito e. CHAROT. Feelingerang froglet. HAHAHA

Hindi rin kasi applicable ang ‘rape’ na term kung gwapo yung manggagahasa eh, agree? :3

*tumunog ang phone ni Kevin*

“Oh. How come Ivan’s calling me now? Dead bat ka?”

“Oh? Hindi ako lobat. Pinatay ko lang talaga yung phone ko.”

“I see. So now he’s bothering me?”

“Bakit daw ba?”

“I haven’t answered his call yet. Enjoy yourself. I’m just going to take this call.”

Gusto ko sana sundan si Kevin para mageavesdrop. Sobrang nacucurious na kasi ako sa kung anong meron talaga sa kanilang tatlo. Kaso, wag na nga lang. Baka mamaya may marinig pa kong hindi dapat marinig.

Napasandal na lang ako sa sofa at tumulala sa kisame.

Ano ba talagang meron sa kanilang tatlo?

Si Bella Blaire ba yung dahilan kung bakit kahit kelan hindi mapagsama yung dalawang hambugrao?

Bakit kelangan pati ako ilayo ni Vano kay Kevin?

Bakit...

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

.................................

Kinuha ko ang susi ng bahay sa bag ko at binuksan ang pinto.

Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at nagdere-deretso sa hagdan.

Papasok na sana ako ng kwarto nang may marinig na boses mula sa loob.

“No Kevin. Ayoko na please.”

“Please, Blaire. Give me one last chance.”

WHAT THE. Anong nangyayari?

Madali kong binuksan ang pinto at pumasok.

May isang babaeng nakatayo sa harap ng bintana. Si Kevin, nakayakap sa kanya mula sa likod.

At si Ivan... Si Ivan, nakaupo lang sa kama ko.

“No Kevin, We’ve had enough.” At kumalas sya sa pagkakayakap ni Kevin.

Dahan-dahan syang lumapit papunta sa kama ko, papunta kay Ivan.

“Do you... Do you still love me, Ivan?”

Dahan-dahang tumayo si Ivan at marahang hinawakan ang mukha ng babae.

“I have never fallen out of love with you, Blaire.”

Then they kissed.

“Leeanne.”

“Hmmmmmmm...”

“Leeanne, wake up.”

“djlaksjdiajslkdnjlasjkflknfdmldk”

“Hey.”

“Huh?” Bumungad sa’kin ang mukha ni Kevin. “Nasan ako?” Tanong ko sa kanya habang lumilingon-lingon ako sa paligid. Hindi ito ang kwarto ko.

“Nasa bahay ko. Nakatulog ka na sa sofa kanina.”

Nakatulog? AHH. Panaginip lang pala.

“Ah ganun ba? Sige.” Sagot ko sabay pikit. Inaantok pa ko e.

“Are you planning to sleep again?”

“Mmmmm”

“Are you going to wake up or are we going to make love?”

Napabalikwas naman ako at agad bumangon.

“WHAT THE HELL, Kev...”

“Nandito na sundo mo.”

I frowned. Sundo?

“Get up now before I get you undressed.” Then he smirked.

Kinuha ko agad ang bag ko na nasa bed side table.

Nagdere-deretso ako palabas ng kwarto, pababa sa living room, at palabas ng gate.

Napatigil na lang ako nang bumungad sakin ang gwapong kotse ni Ivan.

Dahan-dahang bumaba ang bintana at nakita ko ang POKER FACE ni Vano.

Napangiti na lang ako sa kanya at nag peace sign pero lumampas ang tingin nya sakin at naramdaman ko ang braso ni Kevin sa bewang ko. Kay Kevin sya nakatingin.

Lumingon ako kay Kevin para bigyan sya ng what-the-heck-are-you-doing look pero kay Ivan lang sya nakatingin.

Binalik ko ang tingin ko kay Ivan pero sa halip na sa kanya, lumampas ang tingin ko at nakita ang isang magandang babae sa passenger seat.

A moment of silence.

“It’s been a while, Bella.” – Kevin

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now