-----42nd string-----

Start from the beginning
                                        

“I will.” Kevin replied then smirked.

At walang sabi-sabing lumabas na ng room si Vano.

Okay. Sabi ko nga nagmamadali syang sunduin si BB.

“Let’s go?” aya ni Kevin.

Tumango na lang ako.

.........................

“Something’s bothering you?” biglang tanong ni Kevin

“Haa? Wala naman.” Sagot ko sabay subo ng maki.

Nandito kami ngayon sa Food Square chumichibog. Gusto sana ni Kevin sa Balinsasayaw kumain, eh ayoko nang lumayo kaya sa square ko na lang sya niyaya. Wala ko sa mood e.

“You look depressed. We’re done with the finals. Is there something stressing you out?”

“Ako? Depressed? Hindi ah. Sarap-sarap kumain e.”

“You’ve been idling since we got here. You barely touch your food. Very unusual of you, Leeanne.”

“Pag mahina ako kumain unusual agad? Ganun na ba ko katakaw?”

“Sort of.”

“Tse.”

Hinalo-halo ko ang juice ko gamit ang straw at humigop.

Bakit nga ba ako nagkakaganto? May problema nga ba ako?

“Tell me what’s bothering you.” Biglang sabi ni Kevin. Napatingin naman ako sa kanya.

He’s looking at me like I’ve done something wrong.

Words won’t come out of my mouth. Pano, hindi ko naman alam kung anong gusto nyang sabihin ko. Hindi ko nga kasi alam sa sarili ko kung bakit nga ako nagkakaganto e. Aish

“Tell me.” He said authoritatively.

Grrrrr. Hindi ko nga alam ang sasabihin ko. Ang kulit naman ng ulupong na to e.

“Nagtataka lang ako.”

“Nagtataka?”

“Kasi sabi ni Vano iw...” Naitakip ko na lang ang dalawang kamay ko sa bibig ko.

SHEEP naman Leeanne Faye. Tama bang sabihin kay Kevin na pinapaiwas ka ni Ivan sa kanya?

Aish natatanga na naman ako! >.<

Isip palusot...

“What did he say?”

“Uhm, sabi ni Vano, ang ganda ko daw.”

He frowned.

Okay ang tanga lang ng naisip ko.

Ah alam ko na!

“De joke lang. Ang totoo nyan, nagtataka ko kung bakit kilala mo si BB.”

“So you’ve been wondering about it since Ivan left? You could’ve just asked me right away.”

“E kasi nahihiya ko magtanong baka isipin mong chismax ako e.”

“Bella’s a good friend of mine.”

“Friend? As in friend? Close friend? Best friend? Girlfriend?”

“Good friend.”

“Eh! Ano nga?”

“You’re right.”

“Girlfriend!?”

“You’re right when you said you’re a chismax.”

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now