Introduction

26 0 0
                                        

Feirow Azel
Si feirow azel ay isang tahimik at seryosong bata.Baguhan sa paaralan,kaya napagbuntungan ng mga kaklase kaya lagi itong kinakantsyawan na mangkukulam dahil sa lagi itong seryoso at walang kinakausap.Pero magbabago ang lahat dahil sa paglipat nga sa school ng charm o tinatawag na"CHARM ACADEMY "mas mababago at malalaki ang darating na pagsubok sa kanyang buhay.At doon nya matutuklasan ang hiwaga sa kanyang buhay.
Aisha Gomez
Si Aisha naman ay masayahing bata,makulit,at minsan ay palabiro.Minsan na din syang dumaan sa isang hirap at malaking pagsubok ng mawala ang kanyang ina.Kaya ang tatay na nya ang bumubuhay sa kanya,pero mas susubukin pa ang kanyang katatagan sa pagpasok sa school of charms.Dahil doon mas mailalabas na nya ang kanyang kakayahan na matagal na nyang nililihim sa kanyang mga magulang,maging sa kanyang kapwa.At sya din ang magiging dahilan ng pagkikita-kita nilang apat na mga itinakda.

Faye Hensely
Half American half pilipino
isang tamad,madaldal,maarte,pero friendly na bata.Hindi nga lang mabait hahaha,TOP MODEL sa Toronto Canada pero pinapunta sa pilipinas upang magsilbing parusa sa kanya.Sapagkat kakaibang pangyayari na di maipaliwanag ang nangyari sa buhay nya,kumbaga parang isang mahika o milagro ang nangyari pero isang pagkakamali iyon.Kaya ipapapunta sya sa isang paaralan ng kanyang mga magulang sa pinas na hindi alam ng kanyang mga magulang na isang misteryoso at puno ng hiwaga ang paaralan na yon.Iyon ay ang CHARM ACADEMY.Magampanan kaya nya ang tungkuling naghihintay sa kanyang buhay?

Kristel Aorah
Pinakahuli naman ay si Kristel,isang mabait at masunuring anak.Nagmula lamang sa simpleng pamilya pero may kaya naman kahit papano.Dahil sa kanyang lubos na kabaitan ay isang babaeng matalik na kaibigan ng kanyang ina ang magpapasok sa kanya sa paaralan ng Charm School kaya naman kakaibang ganap at hamon sa buhay ang mangyayari kay kristel.

Ano-ano kaya ang pangyayaring dapat abangan sa kanilang apat?Matutuklasan kaya ni Feirow ang kanyang kakaibang lakas sa charm academy? O kaya naman mahahanap ba ni Aisha ang kanyang buhay sa charm academy?O di naman kaya mas maiintindihan ba ni Faye at kristel ang pagpasok sa charm academy?Subaybayan ang mga pinakagitnang story ng apat sa CHARM ACADEMY

CHARM ACADEMY(School of charms&Powers)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora