IAN.03

41 11 1
                                    

"Hay! Katakot talaga si Mr. Hwang! Kahit parang walang emosyong nakikita sa kanyang mukha, nakakatakot pa rin. Di mo malaman-laman kung galit ba sya o sadyang ganun talaga ang normal nyang pananalita. Makalabas nga lang muna ng kotse para makahinga.", lumabas ng kotse ang driver ni Mr. Hwang.

Habang naghihintay sya sa labas, naisipan nyang punas-punasan ang kotse. Pumunta rin sya sa likod ng sasakyan para walisin ang alikabok sa baggage. Pagkabukas nya ay bigla syang nagulat nung may tumalon galing sa loob.

"Hesus maryosep! Ano yun?!"

"meow..."

"Te-te-teka... Pu-pusa? Ba-bakit may pusa rito?"

Biglang may naalala sya. Naalala nyang kagabi ay inutusan sya ni Mr. Hwang na iuwi sa bahay ang pusa nyang si Snow White. Hindi nya napansin na sinundan pala sya ng pusa at habang naglalabas sya ng mga gamit para kay Snow White na pinamili ni Mr. Hwang ay tumalon pala ito sa loob at nasarhan nya. Buong gabi nasa loob si Snow White at sobrang uhaw at gutom na ito.

"meow....."

"S-s-snow White! Bumalik ka rito!", tumakbo ang pusa papalayo at tumakbo rin sya para sundan ito.

Hindi nya nahabol ang pusa. Nakita nalang nya itong pumasok sa may bakuran na likod ng coffee shop. Hindi na nya masundan kasi natatakot syang makasuhan ng trespassing.

"Snow White...huhuhu, patay ako nito kay Mr. Hwang.", hindi na sya mapakali at parang wala na sya sa kanyang sarili.

"Snow White naman eh! Bat ka naman kasi tumakbo?! Hindi naman ako yung utusan ng witch eh...huhuhu"



Sshh's POV

"Oi! Sshh! Di ba pang closing ka? Bat andito ka ng maaga? Naghuhugas ka pa dyan.", tugon ng isa sa mga kasamahan kong lalaki sa coffee shop.

"Oo nga eh. Medyo, di kasi okay ang mood ni Manager sakin kahapon kaya nagpapa-good shot ako. OT na rin para may dagdag sweldo."

"Hindi ka pa nasanay kay Manager. Banggitin mo lang sa kanya ang iyong pangalan para tumahimik agad sya."

"Loko-loko!"

"Tapos pag pinagalitan ka na naman, sabihin mong, nagpapakilala lang po ako sir kasi mali na naman ang pagbanggit mo ng pangalan ko.", pang-aasar nya sa akin.

"Langya to... Gusto mo lang naman akong ipahamak! Bumalik ka na nga sa pwesto mo..."

"Hahaha! Sige, iwan muna kita dyan."

Naiwan na lang akong mag-isa sa may kusina ng coffee shop. Naghugas ako ng mga platito't baso, nagpupunas ng mesa at nag-a-arrange. Nang matapos na ako sa lahat ng gawain, kinuha ko ang mga garbage bag para itapon sa likod. Medyo nahihirapan akong nagbuhat sa mga garbage bag dahil gusto kong isahan na lang. Hindi ko na pinansin ang baho ng mga basura dahil hindi pa naman ako haharap sa mga customers. Halos di ko makita ang daan dahil natatabunan ang aking mukha.

"Grabe! Hindi ko akalaing ang bibigat pala nito. Ayun! Malapit na ako. Kunting tiis na lang, Sshh.", habang naglalakad buhat-buhat ang mga garbage bag.

Isang hakbang na lang at mabibitawan ko na rin sa wakas ang mabahong mga garbage bag na ito nang bigla akong nagulat ng may sumigaw!

"MEEOOOWWWW!!!!!"

"AI! PUSANG BUTIKING PANGIT! ARAY! ARAY!", sabay saboy ng lahat ng mga garbage bag sa ere at ang pwet ko sa lupa na maputik.

Ang saklap-saklap ng nangyari sa akin. Hindi ako agad nakatayo. Nakatunganga pa ako habang inaamoy ang mabaho at mapait na nangyari sa akin.

I Am NamelessOnde histórias criam vida. Descubra agora