Chapter 12: Welcome To Neverland Academy

Start from the beginning
                                    

“Punta na tayo ng dorm..” sabi ni Chanyeol.. I just nodded..

Nadaanan na namin ang Soccer field and it really amazed me sa sobrang lawak! Bumaba naman doon ang lalaking mukhang babae, mukha siyang babae pero sinabi kong lalaki siya kasi may adams apple eh, kaso color pink ang kulay ng hair.. >.< yun na ba ang uso ngayon?

DORM..

Bumaba na kami, pero bago ako makababa ay may bumangga muna sa akin.. sino ang hangal na bumangga sa akin? Grrrr…. Tumingin ako sa likod ko at nakakita ng isang Pandang taong nakangisi.. tss.. ang sama niya!

Napatigil ako at napaharap sa Dorm na binabanggit ni Chanyeol.. tumingin ako sa kanya.. seryoso ba siya? Dorm ba talaga to? I mean Dorm LANG ba talaga? Eh parang mansion eh?

Naghintay muna kami, ibinababa pa kasi ang mga gamit namin.. ng maibaba na ay sakto namang nagpaalam si Chanyeol pero babalik din daw naman.. may lumapit sa amin na apat na babae at isang lalaki..

‘Di naman mukhang bully, in fact, mukha nga silang friendly eh..

“Annyeong Haseyo, Andre imnida.. transferee kayo hindi ba? Gusto sana namin kayong maging friends!” hmmm, masasabi kong Chanyeol type ang isang to.. Happy-Go-Lucky!

“I’m C-czuzy..” sabi ng cute na girl habang nakangiti sa amin, medyo nakayuko siya.. Shy type ang isang ‘to..

“And I’m Shin..” sabi naman ng magandang babae.. kaso Pokerface..

“Annyeong! I’m Starlet nga pala…” looks like mataray but at the same time mabait, she’s so pretty din..

“Gen is my name, and ohhh, I like your outfit..” >///< nagustuhan niya? Oh baka naman nagbibiro lang siya?.. I looked at her eyes, napangiti ako, sincere siya..

“Totoo sinasabi niya, ‘di yan marunong magsinungaling.. namumula siya pag nagsisinungaling. Hahah..” sabi ni Andre.. sinamaan naman siya ng tingin ni Gen.. napangiti na naman ako, ganun din kasi ako.. I turned red when I’m lying..

“I’m Zandra Infinity Buenaventura, just call me Zi..” and I flashed my sweetest smile..

“Nice name..” Starlet said while smiling..

“Angelic smile..” Andre murmured..

“I’m Dianne Castro, Dia for short..” sabi naman ni Dia..

“K.” that’s Shin, wearing her pokerface… pero mukha lang naman siyang nagbibiro..

“And I’m Laurence Loise Alcantara, Lulu is my nickname.. malayo ang Lulu sa real name ko pero----”

“Hindi naman kasi lahat ng nickname ay ibinebase sa tunay na pangalan.. mayroong mga nickname na inihahalintulad sa mga katangian ng isang tao at iba pa..” O_O si Czuzy.. omo! Shy type pero isa siyang henyo! Panigurado, magkakasundo sila ni Lulu..

“You got my point..” sabay ngiti ni Lulu kay Czuzy.. sabi na nga ba eh, magkakasundo ang dalawang yan..

“Lulu naman, naglagay ka na ng AND, ‘di pa kaya ako nakakapagpakilala..” pagtatampo ni Eunnie..

“She’s Wendy Sandoval, 22 years of existence, happy?” sarcastic na tanong ni Lulu kay Eunnie..

“Meron pa kaya.. tss.. Ako na nga.. uulitin ko.. I’m Wendy Sandoval, 22 years of existence, the youngest..” Eunnie..

Neverland AcademyWhere stories live. Discover now