Ikalawang Kabanata

115 5 6

Chris' POV

"Dude! Di ka maniniwala pero may commoner kanina na naglakas loob sumagot sa'kin, Siya na nga 'tong nambangga." Di ko maintindihan kasi parang di naman nagmamatch yung sinasabi niya sa expression ng mukha niya. 'Yan ang kaibigan kong si Xian. Siya lang naman ang Crown Prince ng bansa.

"Alam mo dude, ang weird mo. Binangga at sinagot ka na ngingisi-ngisi ka pa." sabi ko naman.

Nandito kami sa tambayan namin sa King Alexander University. Kumpleto ang gamit sa tambayan namin. Pag-aari kasi nila Xian etong school kaya naman pinaprioritize kami sa lahat ng bagay. May sarili kaming lugar dito sa school. Kumuha ako ng 3 can ng soda sa fridge at hinagis ko iyon kay Xian at Brian.

"De dude, nakakatuwa lang kasi yung babae. Ang lakas ng loob niyang sumagot sa akin na akala mo hindi niya ako kilala." ngingiti-ngiti pa rin ang loko.

"Ano naman nakakatuwa dun?" tanong ko. Umupo ako sa tabi ni Brian na parang walang pakialam sa mundo at text lang ng text. Sinilip ko kung sino ang ka-text niya.

"Oy dude! Ano ba?!" sabay hawi ni Brian sa mukha ko. Sa totoo lang di naman ako interesado kasi alam ko namang si Annika lang ang ka-text niya. Gusto ko lang maramdaman niya ang presensya namin.

"Wala lang, kakaiba lang siya. Di katulad ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin." sabi ni Xian.

"Whoa! Dude! Sa akin sila nagkakandarapa." taas noong sabi ko. Tinignan namanako ng masama ni Xian at Brian.

"What's with the look?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanila. Sabay talikod sa akin ng dalawa at sabay umling. Hala! Ano kaya problema nun? Hindi na nila ako kinausap.

Nagvibrate naman ang phone ko at nakareceive ako ng message sa secretary ni Dad. Pinapapunta niya ako sa TV station.

PIBC (Pangilinan International Broadcasting Company)

Yes, Ito ang company namin and I'm Christian Pangilinan. I'm the heir of the biggest broadcasting company in the Philippines. Di ko alam kung ano nanamang meron at pinapatawag ako ng dad ko. Agad akong umakyat sa 13th floor kung saan nandoon ang office ng Ama kong si Lucifer. Joke! Nasa 26th floor ang Dad ko. Doon ang office niya.

"Karla, Nandiyan si Dad?" tanong ko na may kasama pang kindat sa secretary ni Dad. Namula naman agad si Karla.

'You're just simply irresistable Chris' nasabi ko na lang sa sarili ko.

"Uhmmm.. K-kanina ka pa po inaantay ni Boss, Sir Chris." pagkasabi nun ay hinawi niya ang buhok nya para isabit sa likod ng kanyang tenga. Kitang -kita pa rin ang pamumula niya.

"Thanks Karla." kumindat akong muli bago tumalikod sa kanya. Dire-diretso akong pumasok sa opisina ni Dad at naabutan ko siyang nakaupo sa executive chair niya patalikod sa akin. Di maganda ang kutob ko sa dahilan ng pagpapapunta ni dad sa'kin pero hindi naman pwedeng hindi ko siya sundin.

"Dad?" tawag ko sa kanya. Humarap naman si dad at hinagis ang ilang newspaper sa harap ko.

"What do you think you're doing young man?" hindi ko alam kung anong pinagmamarakulyo ni Dad. Dinampot ko ang mga news paper sa harap ko.

PIBC's Future CEO Christian Pangilinan Spotted with Diana Medina

Heir to the Largest Broadcating Company is Diana Medina's Rumored Boyfriend

Christian Pangilinan and Diana Medina Together

Kalakip ng mga article na iyon ay ang picture ko kasama nga si Diana Medina. May mga kuha na magkasama kami sa bar, resto at sa concert ng sikat na singer na si Bruno Mars. Si Diana Medina ay dating may contract sa company namin. Napabalita din na si Diana ay gold digger at kabit ng mga senador.

I Have Runaway (Cinderella's No.1 Hater)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!