💠Chapter 26💠

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mom, it smells like something died in here." Saad naman nun batang babae.

Pakiramdam ko parang naaamoy ko rin o baka naman sarili ko lang yun. Pero ganito talaga ako, dalang dala sa movie. Nagsimula na naging nakakatakot ang palabas. Napapapikit na lang ako dahil sa buwiset na sound effects. Sound effects pa lang, kotang kota na ako!

Yuan was just sitting comfortably pero nakakunot ang noo nito habang nanonood. May bago ba dito? Trademark na niya yan. But I saw Luna just covered her face. Yung mga lalaki naman ay hindi man lang natinag at base sa mga mukha nila, parang nanonood lang ang mga ito ng balita.

I heard a clap clap game. Ako yung natatakot sa laro nila sa totoo lang. Then the movie goes on. Napatili na lang kami bigla doon sa may babaeng nakapatong sa cabinet. Nayugyog ko si Yuan at nahampas ko pa ng wala sa oras dahil sa gulat. Walanghiya, hindi ko iyon inasahan! Halos lumabas yung puso ko sa gulat. That was so scary! Kung may sakit pa ako sa puso ngayon ay baka namatay na ako.

"You're becoming into a violent woman." Puna naman sa akin ni Yuan pero hindi naman ito tumayo para umalis.

Inirapan ko naman ito. "Then why choose a horror movie?" Tanong ko.

Hindi na ito sumagot at itinuon na lang ang tingin nito sa screen. The plot was getting more scary so I clutch with Yuan's arm and tugging his sleeves. I even cover my face lalo na yung bumaba ang babae papuntang basement. People! Alam ng nakakatakot pupunta pa talaga sa basement na walang ilaw! Sentido komon!

The room was filled with screams. Feeling ko naubos na 'ata boses ko sa kakasigaw dahil sa takot at nalamog ko na ang braso ni Yuan. Pero hindi naman ito nagreklamo, relax lang itong nanonood na tila hindi natatakot kahit na konti. Bilib din ako rito.

"Aren't you scared with this film?" Nagtatakang tanong ko rito. Alam ko na may mga tao talaga na hindi natatakot sa mga ganito at hanggang ngayon isa pa rin talaga yang misteryo kung paano nilang nagagawang hindi matakot sa isang nakakatakot na pelikula.

"That was just an act. Prosthetics and stuffs, so there no reason from me to get scared." Sagot naman nito sa akin.

Kahit kailan, ang yabang talaga nito. Alam ko naman na prosthetic lang mga yan pero nakakatakot pa rin! Hindi ganoon katibay ang puso ko para hindi tablan ng takot.

"God, are you even human? You don't feel anything at all?" Tanong ko ulit.

"I felt something." Sagot naman nito.

"So what is it? Fear? Thrill? Suspense?" I wanted to know what he felt!

"I felt my muscle became tender because of your grabbing and tugging, while you were watching, violent woman." Sagot naman nito.

Gusto ko naman sampalin ito. Grabe talaga ang lalaking ito! Seryoso na ako rito at talagang nagawa pa nitong mamilosopo.

"You are no fun at all." Komento ko naman rito. Nakakainis talaga ang lalaking ito.

"Don't blame me for being a scaredy cat." Sagot naman nito.

Hindi na ako nagsalita dahil baka matadyakan ko lang ang lalaking ito. Nagpatuloy na lang ako sa panonood kahit mas madalas talaga na nakapikit ako dahil nakakatakot na doon sa basement.

Natapos naman ang palabas na hindi ko talaga nakita lahat dahil mas marami yung pikit ko kesa nood. Lumabas naman kami sa theatre room at hanggang ngayon ay na culture shock pa ako sa pinanood namin.

"We shouldn't watch those type of movies. It scares the hell out of me." Komento naman ni Luna.

"I know. Why do people in earth likes those type of film? Aren't they afraid of it?" Hindi din mapigilan ni Violet na magsalita.

"I even felt, my life years was deducted because of the movie." Komento ko rin.

"Girls." Saad naman ni Jin.

"And yes we are." Magkasabay pa talaga na saad namin. Mga pride ng lalaki, dapat hindi matakot manood ng horror movie. Ano naman ngayon kung aamin sila na natatakot sila? Ikakabawas ba nila sa pagiging lalaki iyon?

"Your highness, the scroll for tomorrow's task has arrived." Saad naman ni Gilbert na inabot naman nito ang isang scroll kay Yuan.

Napahinto naman kaming lahat at napatingin kami sa scroll. The scroll which contains the task for tomorrow, the third task. There are only four task, and the day after tomorrow will be the final day.

Lahat kami ay pumunta sa common room at binuksan ang scroll. Talo pa namin ang nanonood ng conjuring dahil sa kaba. I just wish that it would be easy and not a freaking too hard task again. Kasi konti na lang, iisipin ko na talaga na suicide ang tournament na ito.

"So what does it says?" Tanong naman ni Avis na tila hindi na rin nakatiis.

Yuan looked seriously as he read the scroll.

"The third task is Wipe out." Saad nito.

"Wipe out?" Inulit ko.

"It says here that we need to defeat the competitors to get the flag suspended in mid air." Sagot naman ni Yuan.

Napabuntong hininga naman ako dahil hindi naman ganoon kalala ang task. Akala ko ay pupunta na naman kami sa kung saang lupalop ng mundo at maghanap ng kung ano.

"Isn't that too easy? I can say, the second task feels like the final task based on the difficulty." Turan naman ni Luna. Kung ihahambing nga ay talagang walang panama ito sa second task.

"It's better this way, we are safer than the previous task." Saad naman ni Jin. He has a point, dahil napakadelikado talaga ng second task.

Pero base sa pangalan ng task, mukhang hindi pa rin ito magiging madali. We will be facing five groups with six people in each team. It won't be easy but we will do our best.

"We will win again tomorrow. We will dominate the knighthood." Saad ni Yuan at lahat kami ay tumango, simbolo ng pagsangayon namin.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon