Epilogue

3 0 0
                                        

"Minahal kita! Mahal kita! Mahal pa rin kita!.

Pero bakit mo nagawa yon? Bakit mo ko iniwan?

Binigay ko naman sayo lahat ah! 

Pinaglaban kita, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko... dahil mahal kita.

Gano'n nalang 'yon? Itatapon mo lang ang 5 years nang ganon-ganon?

Ano ba? Please bumalik kana... Hihintayin kita. Hihintayin parin kita."


'Yun ang last message na si-nend ko sa iyo 1 year ago, pero hanggang ngayon wala parin akong reply na natanggap galing sa'yo. 

Akala ko kasi kailangan mo lang nang space, nang break... na kailangan mo lang huminga nang wala ako.

Pero wala eh! Tila ba iniwan mo nalang ako nang tuluyan.

Naniwala ako sa mga matamis mong salita, sa forever na pinangako mo.

1 taon na ang nakalipas pero 'tila ba sariwa parin ang sugat na ginawa mo...


July 23, 2016...

Maaga akong gumising kasi napaka-special ang araw na 'to para sa akin.

It's my birthday, 19 na ako...

Naligo muna at nag-ayos ako.

Bukod sa kaarawan ko ay 5 years anniversary 'din namin nang Babe ko.

 Sinagot ko kasi siya sa birthday ko. Kinikilig parin ako tuwing naaalala ang panahon na sinagot ko siya.

"Alexsha Kate! Para kang timang", si mama, naabutan akong naka-smile sa harap nang salamin ko.

"Mama naman, KJ! Ano bang kailangan mo?", habang nagsusuklay sa mahaba kung buhok.

"Ang aga mo yata, di'ba wala kayong pasok? Sabado ngayon," tanghali na kasi ako nagigising pag-sabado at linggo.

"Mama naman, wala bang happy birthday dyan? May lakad kami nang mga friends ko", pagsisinungaling ko.

"Edi! Happy birthday... Friends ka dyan, ang sabihin mo kasama mo na naman ang boyfriend mong adik!", ang harsh nya kay Babe.

"Hindi po siya adik, cool lang po!", patatanggol ko kay Kurt. Mukha kasing bad boy ang dating ni Kurt, may banda kasi siya - siya ang lead vocalist.

"Pinagtatanggol mo pa talaga ang ungas na 'yon. Bumaba kana ang kakain na tayo", hindi tanggap ni mama at papa si Kurt, eh mabait naman siya.

"Opo!", at umalis na siya sa silid ko. 

Hindi ko pa pala nachecheck ang phone ko. 

Sigurado akong puno na naman iyon nang greetings nang mga friend ko.

 I grab my phone habang nakasandal sa sofa ng silid ko, at hindi ako nagkakamali ang daming text messages... Puro happy birthday chu-chu...

 Pero isang digits lang ang hinanap ko. Bakit wala? Babe naman eh!

Binuksan ko ang Facebook account ko, baka sakaling 'dun sya nag-message...

And I was right... 'dun nga sya nag-message.

Then my tears starts to fall from my eyes just like the rain that falls from the clouds.

Tears of joy? 

No... 

I can feel that my heart starts to broke into pieces.

5 years... 

Hundreths wonderful memories with you... 

Thousands cheesy words from you..

But you choose to throw it all...

 Bakit? May nagawa ba ako?

Kung meron man, patawarin mo ko Babe! 

Please don't leave me... Joke lang ba to?

Babe, sumagot ka? 

I've tried to contact you many times pero busy yung number mo.

Ilang messages na ang na-send ko, pero wala parin.

 Babe naman eh! Wag mo naman akong pahirapan. 

Hindi ko kaya kung wala ka.

Tatlong salita ang sinabi mo nung maging tayo... 

"I LOVE YOU!"

at tatlong salita 'din ang iniwan mo sa akin...

"Maghiwalay na tayo!" 😢

_dazzlier10

3 wordsStories to obsess over. Discover now