ONESHOT

10 0 0
                                        


"Okay, you may take your lunch."

At sa wakas, lunch na rin. Naglakad ako patungo sa snack bag area ng classroom namin. Ano pa bang gagawin ko? Kinuha ko ang aking lunch box at water bottle tapos sinalubong ko ang aking mga kaibigan.

"Ang bagal ah, kukunin lang pagkain."

"Ikaw gumawa, tutal Flash ka naman." Pabiro kong sinabi sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang ibinaon sa'kin ng aking nanay para sa araw na 'to. Bahala na sila. Ang alam ko, ulam ko kahapon ay tapa. Ayos lang naman. Curious naman ako kung ano ulam ko ngayon.

Habang naglalakad papunta sa cafeteria kasama ang aking mga kaibigan, natawa ako bigla. Naalala ko nalang kasi bigla 'yung Tocino story, sa tingin ko classmate ko 'yung gumawa no'n eh. Well, obvious naman. Binatukan ako ng katabi ko nang tumawa ako.

"Hoy, nababaliw ka na ba? Tatawa ka nang mag-isa d'yan."

Tinignan ko siya.. "Naalala ko lang kasi 'yung Tocino story na nabasa ko sa Wattpad."

"Ahhh, 'yun."

Parang ang tagal at ang layo ng aming nilakaran pero mula third floor hanggang first floor lang naman.

"Hoy, hanap na kayo upuan." Utos ng isa naming kaibigan.

"Oo na. Bossy naman nito."

Pumila na ang mga bibili at ako naman ay umupo sa pwestong nahanap namin. Binuksan ko ang lunch box ko at–at—

"Yes!" Hindi ko napigilang sumigaw nang makita ko ang ulam ko. Hindi rin maialis ang ngiti sa'king labi.

Naramdaman kong tinignan ako ng mga kaibigan kong nasa pila.

"Problema mo?" Binasa ko ang labi ng kaibigan kong naglalakad na papunta sa'kin at may hawak-hawak na tray.

"Tignan mo kasi 'yung baon ko!" Nasasabik kong sinabi.

Tinignan niya ang baunan ko at pagkatapos no'n ay binatukan niya.

"Gaga," sabi niya. "Kainin mo na nga 'yan! 'Wag mo sabihing sisinghutin mo pa 'yan."

Sunod-sunod na dumating ang iba kong mga kaibigan at may kani-kanilang dala na tray.

"Baliw ka, ba't ka sumigaw nang malakas kanina?"

"'Yung ulam ko kasi," sagot ko. "Tignan ninyo!"

"Baliw talaga. Kainin mo na 'yan!"

Excited kong nilabas ang kutsara't tinidor ko. Tinusok ko ang tinidor sa unang hotdog, syempre hindi mawawala ang ketsup. Ginamit ko ang kutsara para kumuha ng kanin at isinubo na.

Napapikit ako at binatukan ako ng katabi ko.

"Mukha kang tanga, 'wag ka pumikit habang kumakain ng hotdog, kadiri."

Inikot ko ang mata ko. Bahala sila, gan'to ako kumain, eh.

Kumain na lamang ako in silence.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOTDOGWhere stories live. Discover now