BE BRAVE

66 5 14
                                        

"Mga gago kayo!!! Clean those walls!" inis na sigaw ko sa kanila.

Pero ang mga bwisit na tukmol, tinawanan lang ako.

"Ikaw na lang Prez!" isa sa kanila ang sumagot at nagsitakbuhan na .

Sa inis ko, nasipa ko ang isang maliit na bato. Umagang-umaga, nakakabadtrip!

"Shit!"

Hala! Nagsasalita na pala ang bato ngayon. Di lang ata mga demons ang nandito, may maligno pa. Napabuntong-hininga na lang ako. Nagsimula na akong maglakad papunta sa Student Council Room. Mamaya ko na lang ipapalinis sa mga members ang pader, syempre kasama ako.

Nakakailang-hakbang pa lamang ako nang biglang mabangga ang tuhod ko sa isang malaking kahoy. Kaya napaupo ako sa lupa. Ang sakit! Grabeng katangahan ito.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Sana walang nakakita. Dahan-dahan akong tumayo. Kitang-kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa sugat. Pinigilan kong sumuka.

"Need help?"
Tiningnan ko ang nagsalita.
Tall and slim body?
Messy brown hair?
Sleepy eyes ?

Napailing ako.

"Thanks but no thanks, kaya ko to."
Tumawa lang sya at biglang himawakan ang braso ko.

"Ano ba Ulap?! Wag mo akong hawakan! puno pa naman ng germs yang katawan mo!" singhal ko.

He just grinned, revealing his dimples.

"Hindi mo talaga ako bibitawan?" I glared at him.

Hinawakan ko ang kamay nya, mariin kong pinisil .

"Pu----, ang sakit!" sigaw nya .

Isang collector ng mga babae. I smirked. Inis ang umibabaw sa sakit na nararamdaman ko.
Paika-ika akong naglakad papunta sa aming school clinic.

"Gabi ka na makakarating sa clinic, let me carry you," sigaw ni Ulap. Hindi ko sya pinansin, patuloy lang akong naglakad.

"Hoy! Mellow!"

Lakas ng loob na tawagin ako sa pangalan ko.Tumigil ako sa paglalakad.

"O ano? Di mo na kaya?" tinaasan nya ako ng kilay. Itinaas ko ang kamay ko at sinuntok sya sa mukha. Napaatras sya at may tumulong dugo sa kanyang labi.

"Ako yung tipo ng tao na di sumusuko at mas mataas pa sa kilay at height mo ang pride ko! Listen Mr. Sotto! Tawagin mo pa ako sa pangalang yan, mapapaaga ang pagkawala mo sa mundong ito,"galit na sagot ko.

Tinalikuran ko na sya at nagsimulang maglakad ulit. Narinig kong humagalpak sya ng tawa. Umiinit na talaga ang ulo ko.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko.

"Minsan, kailangan mo ring ibaba ang pride mo at matutong humingi ng tulong, hindi ka mamatay kapag ginawa mo yun."

And the next thing I knew, we're heading to the clinic. At buhat-buhat nya ako. Pinigilan kong magmura at suntukin sya dahil maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin.Bakit ganito ang amoy nya? Ang bango.

"Easy lang sa pagsinghot, baka maubos ang amoy ko."
Hindi ako umimik. Mas sumakit pa ang sugat ko.

"Bukas ko na lang bibigyan ng punishment ang mga tukmol na yun,"
Sa wakas malinis na ang pader.Sumandal ako sa bench.

"Sige Prez, mauna na kami," paalam nila.

Pinagmasdan ko sila habang naglalakad papalayo. I'm alone now.
Tiningnan ko ang langit. Sabi nila masaya ang buhay kapag marami kang kaibigan. Pero bakit ako? Wala ako ni isa. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko na mag-isa at tahimik ang paligid ko.

BE BRAVE (Short story)Stories to obsess over. Discover now