JASMINE POV
"JASS! C'mon, faster! Mag breakfast ka na dito, may pasok ka pa."
I heard mom's shouting.
"Wait, eto na."-sagot ko naman.
Tumungo na ako sa dining table para magbreakfast na rin.
Bawal akong ma late kasi first day ko sa bago kong university.
"Don't forget to give this sa dean's office okay?" -paalala ni mommy sakin
Tumango na lamang ako bilang sagot.
Napatingin naman ako sa wrist watch ko, malapit na akong ma late.
"Mom, I need to go na. I'll see you later. Love you."-paalam ko kay mommy sabay kiss sa pisngi niya.
Bago tuluyang umalis na.
Agad akong nagmadaling sumakay ng bus, papasok..
Hindi pa pala ako nagpapakilala, by the way..
I'm JASMINE ACOSTA. 23 years old. Graduating college student. I'm taking up tourism. I'm living with my mom. Kami na lang ni mommy, matagal ng patay si daddy. Siguro nung elementary pa ako nun. Lumipat ako ng university dahil na relocate din si mommy dahil sa work niya. Kaya eto kami, alsa balutan na din. Pero okay lang naman, I support mom sa lahat ng ginagawa niya. Ganyan ko siya kamahal.
Ngayon, lumipat ako sa isang sosyal na university kung saan pagmamay-ari ng boyfriend ni mommy. Yes, may lovelife ang mommy ko. It's fine with me, as long as she's happy. Mabait naman si Harold eh. Anyway, engaged na pala sila. At soon daw, bet na nilang magpakasal.
So, I'm happy for them naman.
About me naman, I'm just simple, NBSB ako. Di naman sa pinagyayabang ko, pero wala lang gusto ko lang sabihin, eh sa yun naman ang totoo eh. Hehe. Ayun nga, basta di ako tulad ng iba na pa sosyal, maarte, ma-kikay. Iba ako sa kanila.
*eeeeekkkk...
Napatingin naman ako sa bintana.
Oh shoot!
"PARA po!"-sigaw ko.
Muntik na akong lumagpas.
Agad akong tumayo at nagmadaling bumaba na ng bus.
Napahinto ako ng very light, para pagmasdan ang bagong university na papasukan ko.
Hays, panibagong pakikisama na naman ito.
"Kaya mo yan, Jasmine!"-pabulong kong sabi
Agad na akong tumungo papasok na ng university.
It's PARSONS UNIVERSITY.
Agad kong hinanap ang dean's office.
YOU ARE READING
THAT DEVIL BESIDE ME
RomanceLove can be so complicated. You will do everything for THE ONE you LOVE. Whatever it takes. Hanggang kelan kaya nila maipaglalaban ang kanilang pagmamahal. Lalo na kung iba at masama ang pagtingin ng mga tao sa relasyon niyong ibinubuo. Pa...
