Duh. Ano ako, aastang mayaman kahit di naman? May kaya pwede pa, pero mayaman? Nah Uh.

"Tanggalin mo nga yang braso mo na nakaakbay sakin darendenden, mabigat!" saway ko sa kanya. Ang totoo, kaya ko pinapatanggal dahil ayan na naman siya. Ang sweet niya parati sakin. Nahuhulog lang tuloy ako lalo.

Hindi naman niya tinanggal at mas binigatan pa to.

"Aish! Hoy Darreeeeen! tanggalin mo sabi eh!" sigaw ko sa kanya na nakakuha ng atensyon sa lahat ng tao dito sa library. Ow... Sorry.

Nag peace sign na lang ako sa librarian. Close naman kami kaya okay lang yan.

Tumingin naman ako kay Darren at sinamaan siya ng tingin. Sabi nga eh, makuha ka sa tingin.

Instead na matakot sa akin, ngumiti lang siya at kinurot ang magkabilang pisngi ko. Kahit kailan talaga tong darren na to...

Masyadong sweet kaya hindi imposibleng ma fall ako ng paulit-ulit sa kanya.

hay buhay nga naman oh. Serious na nga ulit. Focus sa pag-aaral CARLA!

Tinutusok tusok ni Darren ang pisngi ko kaya hindi rin ako makapag concentrate.

"Uy, Carly-babes, naboboring na ako dito. Kain na lang muna tayo sa canteen. Sige na please." sabi niya sakin na may puppy puppy eyes pang nalalaman.

"Nag-aaral pa ko. Kung nagugutom ka, pumunta ka na sa canteen. Sabay na lang tayo umuwi." seryosong sagot ko.

Paano ko naman siya iiwasan nang lagay na yan di ba? Pati pagpunta sa canteen, nakadepende siya sa akin.

"Ayokong pumunta dun kung hindi kita kasama." nagtatampo niyang sagot.

Kita niyo na. Nakadepende siya sa akin.

"Wala ka bang paa?" nakataas kilay kong tanong sa kanya. Mukha namang nainis siya dahil niligpit na niya ang gamit niya at saka lumabas ng library.

Tignan niyo yun. Napaka bipolar. Bukod pa dun.... Hay

Hayaan na nga. Bahala siya sa buhay niya. Hindi porket mahal ko siya eh palagi ko na lang siyang aaluin kapag nagtatampo siya.

Kaya namimihasa si kumag eh. Uto-uto din kasi ako.

Dahil sa mahal ko siya eh nagligpit na rin ako ng gamit ko at nagbalak na sundan siya.

Naghanap ako. Wala siya sa canteen. Nasaan kaya yun?

Punta naman ako sa garden at nandun nga ang kumag.

"Dar--" tatawagin ko na sana siya pero may lumapit sa kanyang babae.

Hmmm.. She looks familiar. San ko ba siya nakita. 

Nagtago ako sa likod ng pader at sumulyap sulyap sa kanila. Maririnig naman sa pwesto ko ang anumang pag-uusapan nila

Oo na, ako na ang eavesdropper. Masisisi niyo ba ko? Mahal ko yan eh.

"Cheska?" gulat na tanong ni Darren sa babae.

Cheska?! HOLY COW! Ex niya ba yan? Cheska Rodriguez? Yung babaeng iniwanan siya dahil mag-aaral ata sa America?

Shete! Otso! Nuebe! Lintek na! Eh halos iyakan niya yan nung 1st year high school kami eh!

Sana di na lang siya bumalik.

"Oo, Ren. Ako to." sagot ni Cheska.

"Wow. Ang ganda ganda mo." shet. Pinuri siya ni Darren.

Ahhh! Yung puso ko masakit. 

Sige na siya na ang maganda. Kayo na ang bagay.

Malamang sa malamang na makikipagbalikan lang si Cheska kay Darren at si Darren naman ay papayag dahil sa mahal niya pa si gaga kaya aalis na lang ako.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang bakanteng classroom.

Dito ko na lang iniyak ang lahat.

Hay buhay... Bat ba ang malas ko pagdating sa pag-ibig? NBSB ako dahil si Darren ang gusto kong maging first boyfriend. I know it's silly pero dahil sa importante sa akin ang lahat ng FIRST, gusto kong kay Darren mapupunta lahat ng first ko.

Malas lang kasi ayaw naman niya. Kainis lang di ba?

Di rin nagtagal ang pag-iyak ko. hmmm. 30 minutes lang ata. Naalala ko kasing may klase ako at fortunately, hindi ko classmate si Darren.

I sighed. Sakit pa rin talaga. Try ko na kaya mag move on at maghanap ng another boyfriend material? Marami naman siguro diyan.

I Love YouWhere stories live. Discover now