“Grabe ang arte mo naman. Hindi naman sa ganun, yung ibig ko lang namang sabihin, bakit andito ka ng ganito kaaga? Meron ba tayong pupuntahan na importante? Meron ba tayong mga projects na kailang tapusin? Kasi sa pagkakaalam ko, wala naman tayong mga to-do-list ngayong araw eh” Sabi ko sakanya habang nakaupo pa din saking kama.

“Tsk. Nakalimutan mo ba yung pinagusapan natin kahapon? Yung surpresa ko para kay Alisa?”

“Oo. Naalala ko. Bakit ngayon ba yun?”

“Oo. Tinawagan kita kahapon sa cellphone mo tapos tinext pa kita ng tinext pero hindi ka pa din sumasagot”

“Bakit anong oras ka ba nagtext at tumawag?”

Ngumiti siya ng nakakaloko “Mga 5AM.”

“5AM!? Edi tulog na ko niyan. Pero anyway, bumaba ka muna. Paguusapan nalang natin 'yan mamaya sa ilalim. Maghahanda muna ako.” Sabi ko sakanya at agad na tumayo.

“Yoko. Hintayin nalang kita dito.” Sabi niya sakin. Alam ko na mangungulit nanaman siya

“Stephen naman eh. Ang aga-aga mangungulit ka dito sakin. Sige na, labas labas! Shu shu!” Sabi ko sakanya habang hinihila ko siya palabas ng pintuan.

“Sige na. Dito lang ako. Magtatalikod lang ako kapag nagbibihis ka na” Sabi niya sakin habang nasa labas na siya ng pintuan.

“Heh. Magtatalikod ka diyan. Sige na dun ka nalang sa baba. Shu! Shu!” Sabi ko sakanya at malakas kong sinarado ang pinto. Narinig ko naman siyang napaaray sa labas ng kwarto ko kaya agad ko itong binuksan. Mabilis akong lumapit sakanya para tignan kung anong nangyari. Hawak-hawak ng kanan niyang kamay ang kaliwa niyang kamay habang nakayuko. At hinihipan niya pa ito. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. Nakayuko pa din siya at hinihipan pa din niya ang kanyang dalawa kamay.

“Stephen, okay ka lang ba?” Tanong ko sakanya pero wala pa din siyang kibo. Nakayuko lang siya at hinhipan niya lang ang kanyang dalawang kamay. Tinanong ko siya ulit pero hindi pa din niya ko sinasagot.

“Stephen, sorry na” Sabi ko sakanya

“Ano bang nangyari sayo?” Tanong ko sakanya pero wala pa din siyang kibo.

“Uy, dumugo ba yung kamay mo?”

“Stephen naman eh”

Wala pa din siyang kibo sa sinasabi ko. Panay ihip niya lang ihip ng kamay niya. Hanggang sa napansin ko na ngumiti pala siya habang nakayuko.

“Hay naku, huwag mo kong niloloko diyan Stephen.” Sabi ko sakanya at agad na pumasok at sinirado ang pinto. Narinig ko naman ang malakas na tawa niya sa labas. Pumasok ako sa banyo at agad naligo. Pagkatapos maligo nagbihis kaagad ako at bumababa.

Pagkababa ko, nadatnan ko siyang kumakain ng sandwich habang nakalagay ang dalawang paa sa mesa. Aba, parang boss ata to ng bahay eh. Tutal, hindi naman niyan magagawa kapag nasa harapan niya si Mama at Papa. Nasa kusina pa kasi sila Mama at Papa.

“Lika na” Yaya ko sakanya habang kinakagat ang huling bahagi ng sandwich. May papahid-pahid pa siya ng tissue na nalalaman.

“Aalis na tayo?’ Tanong niya sakin.

“Bakit ayaw mo?”

“Ahh sabi ko aalis na nga tayo” Agad naman niyang binaba ang kanyang mga paa.

Sinabihan ko muna si Stephen na hintayin niya lang ako sa sala kasi magpapaalam muna ako kay Mama. Pero pagkabalik ko, nakaupo ulit siya sa sofa at nakapatong ang kanyang dalawang paa sa mesa at nakapikit pa ang kanyang mga mata. Ang aga-aga kasi pumunta dito tapos puyat naman pala. Ginsing ko siya. Nagulat naman siya sakin.

I Will Never Leave You [On-Hold]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt