Memory - Chapter Two

Start from the beginning
                                        

Naliligo ng pool silang magpamilya.Nasa upuan muna si Paul at kinukuhanan ang mag-ina nya ng video.
Karga-karga ni Samantha ang anak na may suot na pambatang life vest.
Biglang may incoming call from unknown number sa cellphone na agad rin naman sinagot ni Paul.
"Hello."
Pinagmamasdan ni Samantha ang asawa habang nakikinig naman si Paul sa nagsasalita sa kabilang linya.
Nagulat si Samantha nang putulin ni Paul ang usapan sa cellphone at lumayo ito upang pumasok sa bahay.
"mahal?anong nangyari?"habol tawag ni Samantha rito.
Natigilan naman si Paul at bumalik sa kanila.Ini-off nito ang cellphone at inilagay sa mesa bago lumusong sa tubig.
"Sino 'yong tumawag?"
"Wala 'yon.Let's enjoy our day.May sasabihin din ako sa iyo."anitong kinuha si Paulo mula sa kanya.
"Ano yon?"napalitan ng ngiti na tanong ni Samantha dahil nabatid nyang good news ito.
"I won't be needing to go to the city everyday.I appointed someone to manage the firm while I'll stay here with you and do my works here.What ya think?"
Malaking ngiti ang sumilay sa labi ni Samantha at yumakap sa katipan.
"Sabi na't magandang balita yan,mahal!"tuwang-tuwa ito."Did you hear that baby?we'll see daddy all the time!"masayang baling naman niya sa anak at hinalikan ito sa pisngi.
"hahaha.ang saya ni mommy,baby,ano?"

Nasa balcony si Samantha ng gabing iyon.Nasa baba sina Paul at Paulo.Napansin nya sa mesita sa balcon ang cellphone ni Paul kaya't tinungo nya ito at ini-on.Hinanap nya ang numero na tumawag kanina sa log.Dinayal nya iyon upang malaman kung babae ba ang tumawag o hindi.
Natatakot syang malaman na babae ang tumawag sa asawa.Laging bumabagabag sa kanyang isipan na maaring may iba ng babae si Paul dahil sa sinabi ni Nelya'ng masama nyang trato dito dati.
"Paul."matigas na tugon ng kabilang linya.
Lalaki ang sumagot at sapat na iyon kay Samantha.Kaya bumuntong-hininga muna sya bago i-cut na sana ang tawag nang muli itong magsalita.
"Saan mo tinatago si Samantha?"
Napitda sya sa tanong nito.
"Sino ito?"nag-aalangan nyang tanong  rito.
"Sam?Is that you?Tell me ikaw yan.I know ikaw yan.Si Ben ito.Nasaan ka?Bakit di ka dumating sa hotel,Sam?"sunod-sunod nitong tanong.
Nagulohan at nagkunot-noo si Samantha.
"Sinong Ben?Yes,this is Samantha?How are you related to my husband?"
Natahimik sandali ang kabilang linya.
"What happened,Sam?Don't you remember me?"
"I'm sorry.I really don't know you."
Bumukas ang pinto ng kanilang kwarto at agad pinatay ni Samantha ang linya.Nadatnan sya ni Paul sa balcony nila na hawak ang kanyang cellphone.
Kinakabahang isinuli iyon ni Samantha sa mesa at di makatingin ng diritso sa asawa.
"Mahal..I'm sorry.I thought...I'm really sorry ginalaw ko 'to"
Lumapit si Paul at dinampot ang cellphone.May tinangnan ito sandali bago ibinalik ang atensyon sa kanya.
"You called him?"
Napapikit ng mata si Samantha at lumunok ng laway bago hinarap ng diritso si Paul.
"Mahal...please don't be angry.I really want to know kung sino ang tumawag sa'yo kanina.I thought..I thought nambababae ka na."gusto na nyang maiyak dahil sa pagiging blanko ng hitsura ni Paul.
Nandilat naman agad ang mga mata ng lalaki sa narinig.
"Mahal...please."sabi uli ni Samantha at yumakap sa beywang ni Paul.
Niyakap narin sya ni Paul.
"Don't ever think I can do that to you."pigil ang pagtawa habang sinasabi iyon ni Paul.
"Teka.Nakausap mo ba sya?"
Nag-isip sandali si Samantha at naalala ang mga tanong ni Ben.
"Mahal,sino si Ben?"
Nanlamig ang buong katawan ni Paul.
"Can we not talk about him for now?At the right time,maybe?"
Marahang tumango si Samantha.Sapat narin naman sa kanyang malaman na hindi babae ang tumawag sa asawa.
"Halika na nga pala sa silong at ready na daw dinner natin."

Habang tumatagal at lumilipas ang panahon,tila ba ayaw na nyang maalala pa ang kanyang nakaraan.Kapag kasama nya si Nelya ay kinukuwentuhan sya nito tungkol sa kanyang mga ginawa dati.Nalaman nya rin mula rito kung paano sya naging sakit sa ulo sa kanyang mga magulang ngunit dahil sa nag-iisang anak ay pinagbibigyan sya sa kanyang mga gusto.Nasaktan sya nang malaman iyon.Naawa sya sa mga ito lalo na sa kanyang ama na mabait magsalita sa kanya.
Binibisita parin sila ng kanyang ama't ina.Palagi itong mga dalang mga pasalubong lalo na para sa kanilang apo.Sa ibang bansa naman sya pinapasyal ni Paul.Pakiramdam nya sa ginagawa ng asawa ay ubod sya ng espisyal dito.Magkasama naman silang tatlo ni Nelya at ng anak sa pag go-grocery.Particular sya sa bawat bagay na binibili para sa bahay.Gustong-gusto nya ang buhay na mayroon siya.Nasa office room lang din ng kanilang bahay si Paul kaya agad nya itong nakakasama kung gusto nya.
Minsan nabanggit ni Nelya si Ben.Lagi daw sya nitong sinusundo dati sa bahay at gabing-gabi na kung ihatid pabalik.Nalaman nyang si Ben ay bestfriend ni Paul simula pa kolehiyo sila.Bumuo sila ng banda kaya nagkakilala silang tatlo.Ngunit si Ben di umano ang mas nangingibabaw sa apat na magkakabanda dahil ito ang leader at syang umaawit ng mga kumposisyon ni Paul.Guitarist naman at composer si Paul.Si Ben daw ang naging boyfriend ni Samantha at pumapasyal silang magnobyo sa bahay ni Paul dati.Minsan daw kapag naghahatid si Nelya ng meryinda sa kanila ay nakikita nito si Paul na nakatitig sa magkatabi at sweet na sina Ben at Samantha.Hindi na alam ni Nelya bakit sila ang nagkatuloyan ni Paul dahil sa ibang bansa sila nagpakasal.
Pilit iwinawaksi sa isipan ni Samantha ang mga natutuklasan.Parang nandidiri syang isipin na may iba syang katabing lalaki habang pinanonood ni Paul.
Inaasikaso nyang mabuti ang katipan.Gusto nyang opposite sa mga naririnig nya kay Nelya ang ginagawa nya ngayon sa asawa.

Author of the Story : Kaoru
Note:Please forgive the typo errors.

Watch out for the next chapter (^_^)

MemoryWhere stories live. Discover now