(A/N: For those who are reading....thank you so Musch!!! :D)
_____CHAPTER 4_____
[ CODY ]
"What if something bad happens to her? God, Nash..what am I gonna do!?" halos mabaliw na ako sa kakaisip at pag-aalala kay Hyacinth. Kaninang umaga, nag-usap pa kami sa telepono. Tapos pinuntahan niya pa ako sa school. But just before I could reach to her, someone hit her behind her neck that made her pass out.
At wala man lang akong nagawa!
"Cody, calm down. Hinahanap na siya ng awtoridad ngayon. And they'll call us as soon as possible kung may resulta na.." sagot naman ni Nash.
Sinubukan ko silang sundan at hanapin kanina, pero sumapit nalang ang gabi, wala talaga akong napala.
"Cody, umupo ka nga!" mula sa pabalik-balik ko ng lakad sa sala ay bigla akong hinila ni Nash at pinaupo sa sofa. "Walang magagawa ang pagpa-panic mo. Hintayin nalang natin ang mga pulis."
"EH, BA'T ANG BABAGAL NILA? DAPAT AY KANINA PA SILA TUMAWAG!! Mga walang kwenta!" nasuntok ko pa ang center table ko. Hayun, nabiyak ang salamin na nasa pinaka-gitna nito.
"Ano ka ba naman, bro..wala ka bang tiwala kay Hyacinth? FYI, Cody, she's a former agent! She can manage herself."
Sa narinig ko'y nahupa ang damdamin ko, kahit paano. Nash is right. But though she is, the possibilities are still there. Bihag siya ng kung sinong demonyo, (na sa oras na makita ko'y tutustahin ko talaga), at sigurado akong wala siyang magagawa upang makatakas.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Pero dahil nga bihag si Cinth, pwedeng gawin ng hinayupak na demonyong iyon ang anumang naisin nito sa pinakamamahal ko. He could even kill her right away if that's what he really want!
Napayuko ako sa kinauupuan ko't mariing hinawakan ang buhok ko. "God, Nash..this is crazy! Aaargh!"
Hinagod-hagod naman ni Nash ang likod ko. "Maaayos din ang lahat, bro. Magtiwala ka."
Ilang saglit pa'y dumating si Kylie. At tulad ko, sobrang nag-aalala din siya.
"Maybe this has something to do with her job as an agent, Cody.."
Napabuntong-hininga ako sa naging opinyon ni Nash. And he's probably right again.
Isang taong may galit at gustong maghiganti kay Hyacinth lang pwedeng gumawa ng ganun sa kanya. At dahil sa kaisipang iyon ay mas umusbong pa ang nararamdaman kong pag-aalala.
Ilang sandali pa'y tumunog ang telepono. Halos tumalon ako sa kinauupuan ko't patakbong tinungo iyon.
"Hello?" sabi ko agad sa pagbabaka-sakaling iyon na ang tawag na hinihintay ko.
("Cody Esguerra?") anang isang malalim, malaki, at tila mabagal na boses sa kabilang linya.
"Yes, speaking. Tell me, did you found her?" I abruptly answered.
Ilang segundo rin ang lumipas bago sumagot ang nasa kabilang linya. ("Oh, yes, sir. I found her.")
Sobrang nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang pinakamagandang balita ng taon.
"Thank you so much, sir, for the wonderful news-"
("I won't give her back to you, Esguerra.")
Natigilan ako bigla. "What?"
("Hindi ko siya ibabalik sa'yo.")
Nang marinig ko ang sagot niya ay saka ko lang na-realize kung sino talaga ang kausap ko. At dahil doon ay dumilim na ang paningin ko't napatiim-bagang sa galit. "DAMMIT! Hurt her and you're DEAD!!!!"
("Wohw, wohw, wohw...easy there, tiger. Wala pa naman akong ginagawa sa pinakamamahal mong Hyacinth eh..")
"Don't you dare even lay a finger on my girl.." mahina, ngunit gigil kong sagot rito. "Cause if you do...I SWEAR I'LL KILL YOU!!"
("Talaga?") tumawa ito ng mahina. ("Kaso, ang laki ng atraso sa'kin ng babaeng 'to eh, alam mo ba yun?")
Hindi ako nakasagot dito.
("At ngayon, oras na para maningil ako sa kanya..")
"AAARGH!!" nasuntok ko ang pader sa harapan ko sa galit. "HUWAG MO SIYANG SASAKTAN!!!"
("And who are you to command me? Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin, Esguerra. HINDI MO NA SIYA MAKIKITA!")
Pinutol na nito ang linya.
At naiwan akong tulala doon sa kinatatayuan ko. Ang bigat ng mga paghinga ko. Halos bumaon na sa palad ko ang mga daliri ko sa sobrang pagkaka-kuyom ng kaliwang kamao ko. At sabay ng pagbaba ko ng telepono ay ang pagbaba rin ng mga luha ko.
"Who was it, Cody?"
"Anong sinabi?" nilapitan ako nina Kylie at Nash at halos sabay na tinanong.
Pero bago pa ako makasagot ay may biglang pumasok sa isip ko.
Habang kausap ko yung demonyong dumukot kay Cinth, pansin ko ang kakaibang ingay sa kabilang linya. Maingay talaga ang tunog na iyon at nakaka-agaw ng atensyon. At mukhang hindi yun ganun kalayo sa hinayupak.
'That sound's kinda familiar.
Parang makina ng kung ano.'
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko
at pinilit ko uling alalahanin ang tunog na yun sa isipan ko.
"Cody, are you okay?" hinawakan ako ni Kylie sa balikat. Ngunit hindi ko siya sinagot. My mind's on that sound.
'Chainsaw? No.
Train? Imposible.'
Pero parang makina ng kung anong malaking sasakyan. Like some heavy equipment.
Bulldozer?
Backhoe?
Pison?
Parang oo na parang hindi.
Maybe far more bigger than those.
Crane.
"Cody, anong nangyayari sa'yo-"
"Nash!" medyo nagulat pa siya nang bigla ko siyang sunggaban sa kwelyo ng damit niya. "May alam ka bang on-going construction ngayon sa Alps?"
Medyo naguluhan pa siya sa tinanong ko. Pero sumagot parin naman siya.
"I...I think there is. Sa St. Claire. Isang malaking mall ang pinaplanong itayo doon sa may-teka, Cody, sandali lang!"
Kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay pagkarinig ko sa lugar na sinabi ni Nash. Pinuntahan ko ang motor ko sa garahe't sinakyan agad yun.
"Cody wait!" agad akong sinundan ng dalawa.
"Sasama kami-"
"NO!!" matigas kong sabi sa kanila.
"Pero bro, mapanganib ang gagawin mo-"
"I DON'T CARE, NASH! My girl's in total danger here! I can't afford to just let her be in the hands of that..f*#@*ng BASTARD!!"
Pareho silang natigilan sa sinabi ko. Pero naisip kong mas makakatulong sila kung makahingi sila ng tulong.
"Call the cops, Nash. I think that sh?t bastard took her somewhere near that construction site you said." mabilis kong utos saka sinuot ang helmet ko.
Nakuha naman agad ni Nash ang sinabi ko saka agad na dinukot ang cellphone niya.
Tapos ay pinaharurot ko na ang motor ko't umalis na.
'Bastardong demonyo yun..humanda siya sa'kin sa oras na galawin niya si Hyacinth!'
*~*~*~*~*~*~*
Sa isang abandonadong gymnasium sa St. Claire ako napadpad, ilang kilometro rin ang layo mula sa sentro ng Alps. Actually, i've already been here years ago when I was still a gangster. Hindi ito kailanman nagamit dahil hindi na ito nagawang matapos sa hindi ko alam na dahilan. Kaya dito madalas nagkakaroon ng rambulan noon ang mga gang dahil nga abandonado, malayo-kayo sa kabihasnan, at malaki-laki ang lugar.
Pero hindi rin ito ganoon kalayo mula sa construction site na tinutukoy ni Nash. And from here, naririnig talaga ang ingay ng site. So this might be the right place.
And he's got to be here.
The horned moron who took my Hyacinth.
Hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob ng gym. At pagpasok ko...
Hindi nga ako nagkamali.
I finally found her.
Nasa isang basketball ring siya sa kabilang-dako nitong gym. Nakagapos ang dalawang kamay niya sa bakal na poste nito. At mukhang wala siyang malay.
Ngunit naalarma ako nang makita ko ang isang malaking lalaking may hawak na patalim at aktong sasaksakin na siya!
"HUWAAAAAAAGG!!!"
Umalingawngaw ng gusto sa buong gymnasium ang sigaw kong iyon kaya gulat na napatingin sa'kin yung lalaki. Brown coat, loose pants, black shades, face mask, gloves, at fedora hat. That's his get-up.
I'm pretty sure he's the monster caller. At halatang naalarma siya nang makita ako.
"Paano mo kami-"
Ngunit bago pa niya matapos ang tanong niya'y kinuyom ko na ang mga kamao ko't tiim-bagang sa gigil at galit na sumigaw ako't sinugod siya.
"PAPATAYIN KITAAA!!!"
Nanigas siya sa kinatatayuan niya. At sinamantala ko agad ang pagkakataong iyon. Ngunit bigla nalang may humarang sa daan ko na isang babae kaya natigilan ako sa pagtakbo.
Hindi ganun katangkad yung babae, katamtaman lang ang balat, naka-'boy-cut' ang buhok na kulay asul, bilugan ang mukha, malamlam ang mga mata nito, tangos na tangos ang ilong, at asul din ang mga labi, probably it's her lipstick. At kumakain pa ng bubble-gum na parang kung sinong siga. Naka-asul na sando din ito at shorts kaya kitang-kita ko ang body built nito.
Obviously she's a real fighter. Just like Hyacinth.
Nag-fighting pose ito kalaunan na tila nanghahamon sa'kin ng laban.
"Huwag mo siyang maliitin, Esguerra." nagsalita ulit yung demonyo na kumpyansang-kumpyansa sa bata niya. "Baka mapatay ka niyan.."
Tinitigan ko ng mabuti yung babae. Mukhang hindi nga ito basta-basta na kalaban.
Pero wala akong pakialam.
Kukunin ko si Hyacinth sa mga demonyong ito!
"YAAAAH!!!" hindi na ako nagdalawang-isip na sumugod. Kahit na babae siya, hindi ko siya pagbibigyan.
Ngunit bawat pagsuntok ko, nasasangga niya. Pati mga attempts ko ng pagsipa ay napipigilan din niya.
Nang mapaatras ako ng konti ay siya naman ang biglang sumugod. Kaya sa unang suntok niya ay tinamaan ako sa mukha. Ngunit agad kong tinaas ang dalawang braso ko upang sanggain ang mga susunod naman niyang mga suntok.
"YAAH!" bawat pagsugod niya, sumisigaw siya ng malakas. Ang nakakaasar, parang singlakas ng pagsigaw niya ang mga suntok niya.
At masakit talaga, nakapanghihina ng braso ang mga suntok niya.
Nang maka-tiyempo ng pagbantay ay nahuli ko ang kanang braso niya. Agad siyang naalarma sa ginawa ko. Ngunit bago pa siya makagawa ng paraan ay humakbang ako paatras, hila-hila ang kanang braso niya saka buong lakas na inangat iyon sa ere at binalibag ko siya.
Napasigaw siya sa sakit dulot ng pagbagsak niya sa sahig.
"Never knew you had it coming, huh?" ngiti kong sabi sa kanya habang tumatayo pa siya.
Ngunit hindi siya nagsalita. Sa halip ay nag-fighting pose ulit siya saka patakbong sinugod ako.
Bigla siyang tumalon na hindi ko inasahan saka sinipa ako gamit ang kaliwa niyang paa. At sa kanang bahagi ng mukha ko lang naman niya iyon pinatama.
At sa impact dala nu'n ay napasigaw ako sa sakit. At naduling talaga ako ng ilang segundo't muntik pang natumba. Buti at nakabawi naman agad ako ng tayo.
Ngunit kakatayo ko palang ng tuwid nang makita ko ulit ang kaliwang paa niya na palapit sa'kin!
At tinamaan na ulit ako sa parehong parte na siyang tuluyang nakapagpatumba sa'kin.
Sa ilang segundo ko sa sahig ay nanlabo ang paningin ko. Tingin ko nga, pati pandinig ko'y naapektuhan ng sipa na iyon. Ngunit pagkatapos kong kumurap ng ilang beses ay bumalik naman agad sa dati ang senses ko kaya tumayo na ulit ako.
Samantalang siya, ginalaw-galaw lang ang ulo na tila nagi-i-stretching lang, bw*#@t.
"Sinabi ko na sa'yo, bata.," nagsalita ulit ang hinayupak na higante. "Hindi mo yan ba-"
"TUMAHIMIK KA!!" Putol ko rito. "Pagkatapos ko sa l*#@*#ng babaeng 'to, humanda ka.." gigil kong sabi nang hindi inaalis ang tingin sa asul na babae.
Malakas na ito'y tumawa. "Maanghang kang magsalita, bata. Pero tingnan ko lang kung makakapagsalita ka pa pagkatapos kang patulugin ng bata ko."
I snorted. "Try me." tapos ay sumugod na ulit ako. "YAAAAHH!!!"
Sa una kong suntok ay umiwas lang pakaliwa yung babae saka sinipa ako sa likod ko gamit ng kaliwa niya ring binti. Muntikan pa akong masubsob sa ginawa niya. Pero ininda ko iyon. Hinarap ko ulit siya saka sinugod ulit siya ng suntok sa mukha. Agad niyang nabasa ang galaw ko kaya naitaas niya agad ang dalawang braso para sanggain yun.
Pero hindi ko iyon tinuloy.
Napadilat nalang siya nang sampolan ko siya ng pinakamalakas kong suntok sa sikmura niya kaya natumba agad siya. Sa lakas, ni hindi siya nakapag-salita.
Tinangka niyang tumayo ngunit nahihirapan na siya. Mukhang naagrabyado ko yata. Kaya napangiti ako.
Mula sa kinatatayuan ko'y lumingon ako sa likod ko kung nasaan sina Hyacinth at yung bastardo.
"Your turn.." Tiim-bagang at kuyom ang kamaong nilapitan ko ang kinaroroonan nila. Mabilis ngunit mabibigat na hakbang ang ginawa ko sa gigil na mabugbog at maturuan ng leksyon ang tantadong mamang sentro ng paningin ko ngayon.
Ilang hakbang nalang ako sa kanila nang may sumulpot ulit na lalaki sa harapan ko. Mukhang magkasing-tangkad kami, at medyo magkasing-laki ng katawan. Ngunit maputi ito kaysa sa'kin. Nakasuot ito ng itim na jacket, maong na pantalon, bonnet at shades. May mga hikaw sa ilong at tenga. And he's actually wearing lipstick. Itim naman ang kulay nito.
Pinatunog nito ang mga daliri sa parehong kamao saka sinuntok ng malakas ang isang palad at ginalaw-galaw din ang ulo. Tapos ay nagsimula na itong humakbang palapit sa'kin. He's obviously pinning for a fight. And if that's what he want, so be it.
Nilapitan ko rin ito saka sinugod ng suntok.
Ngunit sinalo lang niya gamit ng isang kamay niya ang suntok ko. Tapos ay winasiwas niya lang ng walang kahirap-hirap yung kamao ko't sinuntok naman ako sa panga ko kaya napaliyad ako't napaatras.
'Shoot, ang sakit!'
I growled in total anger and went forward again to attack him.
Suntok ako ng suntok. Pero tila hangin lang ang tinatamaan ko dahil sa swabe at galing ng pag-iwas niya sa bawat suntok ko.
Bwis*t.
Nasuntok niya ulit ako, sa kanang pisngi. Pero ininda ko ang sakit na dulot n'on at sumugod ulit. Ngunit maski mga tuhod at sipa ko'y hindi umuubra. Mas marami pa akong nabitawang pagsugod sa kanya ngunit mas marami naman siyang natatama sa'kin.
"AAAAAARGHH!!" hindi ko mapigilang umungol sa sobrang gigil, asar, at galit.
At mas lalo pa akong nagngitngit sa galit nang makita ko ang ngiti niya. Ni hindi ko nagawang mahulog ang suot niyang itim na salamin sa mata. Kaya pasigaw na sinugod ko ulit siya.
At habang sinusugod ko siya ay naka-tiyempo ako't natuhod ko siya sa tagiliran. Nang matinag siya roon ay agad ko siyang sinunggaban gamit ang buong lakas ko kaya naitulak ko siya at pareho kaming natumba sa sahig. Ngunit di ko inasahang matatantiya niya sa huling segundo ang plano ko. Kaya sa halip na siya, ay ako ang napailalim sa kanya.
Pagkatapos ay sinakal na niya ako. Sobrang higpit, hindi na ako makahinga.
Ngunit hindi ako sumuko.
Inipon ko ang lakas ko sa kanan kong kamao at sinuntok ang kaliwang pisngi niya. Natinag siya sa ginawa ko't naluwagan ang pagkakasakal niya sa'kin kaya nagawa kong hawiin ang mga braso niya sa leeg ko pagkatapos ay hinawakan ko naman siya sa magkabilang pisngi.
At isang napakalakas na headbutt ang binigay ko sa kanya.
Sa lakas ay napasigaw siya't napahawak sa noo niya kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at binalibag ko siya pakaliwa hanggang sa ako na ang nasa ibabaw niya. Dinagan ko agad ang mga binti ko sa mga braso niya upang masigurong hindi na siya makagalaw pa. At nang mangyari, inipon ko na ang lahat ng lakas ko sa kamao ko't tinaas ito ng maigi. "YAAAAAAAAAHH!!"
At sapul.
Tinamaan ko siya mismo sa mukha. Sa lakas ay nabasag ang suot niyang shades at mukhang nawalan na ng malay.
Hingal na hingal ako pagkatapos n'on. Ngunit nilunok ko lang iyon saka payukong tumayo, at nakakuyom parin ang mga kamay ko.
At mula sa sahig ay unti-unti kong inangat ang tingin ko sa lalaking target ko ngayon. Halos di ako makakurap sa talim ng tingin ko sa kanya. Nagngingitngit ako ngayon sa galit, sigurado akong kitang-kita na iyon sa buong mukha ko.
Ngunit sa isang iglap ay nawala bigla ang galit na iyon nang makita kong tinataas na ulit nung demonyong kidnapper ang hawak nitong kutsilyo at tinutok kay Hyacinth.
HINDI!
Agad akong tumakbo palapit sa kanila. Ngunit nang matantiya kong hindi ako aabot ay inipon ko lahat ng pwersa ko sa mga paa't tuhod ko saka tumalon ako ng sobrang lakas patungo sa kanila.
At bago pa nito masaksak si Hyacinth ay nagawa kong yakapin ito at ibigay rito lahat ng bigat ko sanhi upang matumba kami pareho.
Tila dumagundong ang buong gymnasium sa pagkakatumba naming iyon. Ngunit sa halip na isipin iyon ay pinuwesto ko agad ang sarili ko sa ibabaw ng hinayupak na demonyong kaharap ko saka tinaas ang dalawa kong mga kamay at pinagdaop ang mga iyon ng mabuti sa isang matigas na kamao at inipon na roon lahat-lahat ng meron ako.
"YAAAAAAAAA-"
"ESGUERRA!!!"
Ilang sentimetro nalang ang distansya ng mga kamay ko sa mukha niya nang biglang may sumigaw mula sa malayo. At paglingon ko, nakita kong nakatayo na yung babaeng asul.
Ngumiti siya sa'kin. Tapos ay bigla siyang bumunot ng baril at tinutok..
Sa direksyon ni Hyacinth!
"HUWAAAAAAAAAAAAAAAGG!!!"
Sa isang iglap ay nakatayo ako't humakbang patungo kay Hyacinth at hinarang ang sarili ko sa kanya. At wala na akong iba pang nagawa kundi ang pumikit ng mariin.
*BANG!*
*~*~*~*~*~*~*
Umalingawngaw ang putok ng baril na iyon sa buong lugar, halos mabingi ako. Ngunit sa kalagitnaan ng pagka-blangko sandali ng utak ko, isang pamilyar na tunog ang naririnig ko.
Sirena.
Thank God.
Ngunit nawala rin agad iyon sa isip ko nang unti-unti kong buksan ang mga mata ko.
At laking-tuwa ko nang makita ko si Cinth na unti-unti na ring nagigising, malamang dahil sa putok nung baril kanina.
At nang sandaling dumako ang tingin niya sa'kin, just like that, bigla nalang kumalma ang pakiramdam ko. I was so relieved.
Pero kasabay din ng pagkalma ng pakiramdam ko ang pagkawala bigla ng lakas ng mga tuhod ko. Kaya sa isang iglap ay napaluhod ako. Bumagsak ang mga balikat ko't napayuko ako.
"Cody!" sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses niya. She sounded so worried, but it was heaven hearing her call for me. Naririnig ko rin at the same time ang tunog na hatid ng attempts niya na makawala mula sa pagkakagapos ng mga kamay niya sa bakal na poste ng ring.
Ngunit ilang sandali pa'y natahimik bigla yung tunog na dulot ng pagtatangkang iyon.
"Aisha?" pagkuwa'y sabi niya. Obviously hindi ako ang tinatanong niya n'on. Pero napaangat parin ako ng tingin at tiningnan siya. At gulat na gulat talaga ang itsura niya.
"Hi, Cinth! Long time no see." anang isang boses sa may likuran ko. Tapos ay may naririnig na akong mahihinang yabag papalapit sa'min. Ilang saglit pa'y nilagpasan na ako nung...babaeng asul?
Nilapitan siya nito kaya naalarma ako. "HEY! Don't touch her!!" sigaw ko rito.
Kaya parehong natigilan sina Cinth at yung babaeng asul. Tila clueless ang mukha ni Cinth samantalang nakangiti naman yung babaeng asul ang mukha.
"Huwag kang mag-alala. Wala akong gagawin sa kanya." sabi nito habang ginagalaw yung mga kamay ni Cinth na nakagapos. Ngunit natigilan siya sandali saka binaba ang mga kamay at tiningnan ulit ako. "I think it's you who's supposed to do this.." ngiti niyang sabi sabay turo doon sa mga kamay ni Cinth na nakagapos.
Ako naman ngayon ang naging clueless. Bagaman agad akong tumayo at dali-daling tumungo doon sa kinalalagyan ni Cinth at kinalagan siya. At nang magawa ko na ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Are you okay? May masakit ba sa'yo? Please tell me..."
Niyakap niya rin ako't hinagod ang likod ko. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala.."
Nakahinga talaga ako ng husto n'on. "Oh, thank God." sabi ko saka hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
"My, what a scene.." napalingon ako sa likuran ko nang may nagsalita.
Yung maputing lalaki. Dumudugo na ang pagitan ng mga mata nito. At hawak-hawak pa ang noo na h-in-ead-butt ko kanina.
"Timmy?" dahan-dahang lumayo si Cinth sa'kin saka tinuro ito. "I-is that you?"
"Hi." tanging sagot naman nung maputing lalaki sabay saludo pa sa kanya.
Agad itong nilapitan ni Cinth. "Are you okay? What happened?" alala niyang tanong habang tinitingnan ang kalagayan nito.
"Hey! Why're you helping that bastard!?" hindi ko na napigilang itanong sa kanya.
Kunot-noo naman akong nilingon ni Cinth. "What do you mean?"
Gigil kong tinitigan ang bastardo. "Yang mga iyan lang naman ang nagtatangkang pumatay sa'yo!"
Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. Tapos ay mabilis ulit siyang bumaling doon sa lalaki. "Ano bang sinasabi niya, ha?"
Kamot-ulong napayuko yung lalaki. "Eh, kasi.."
"Ako ang may pakana."
Natahimik kaming lahat nang may biglang sumabat kung saan. At paglingon namin sa pinanggagalingan ng boses, napakuyom ang kamao ko sa bultong lumitaw.
Ang malaking lalaking siyang dumukot kay Cinth.
Nang tamaan ito ng liwanag, nakita kong hindi na ito naka-sumbrero, face mask, at shades. Kaya kitang-kita ko na ang pagmumukha nito.
"Lagot ka sa'king demonyo ka! HUMANDA KA NANG MAMA-"
"DADDY??"
Ngunit napa-preno ako bigla sa pagtakbo nang marinig ko ang sigaw ni Cinth sa mamang kidnapper. Tapos ay dahan-dahan akong lumingon kay Cinth, kunot ang noo ko. "D-daddy?"
At bigla nalang kumalampag ng bukas ang pinto ng gymnasium.
"APD! HUWAG KAYONG KIKILOS AT ITAAS N'YO ANG MGA KAMAY NINYONG LAHAT!!!!"
Mga pulis.
"Cody, andito na kami!!" at sina Nash.
-=-=-=-=-=-=-=-=-
YOU ARE READING
The Gangster and the Undercover (book 3)
RomanceThe retired agent turned to ordinary civilian woman, and the ex-gangster head turned into an attractive popular high-school teacher and college professor - That's Hyacinth and Cody now, both successful in their fields and life. And now that they're...
