MEMORY 8-EPILOGUE

Start from the beginning
                                    

KUMILOS ang isang lalaki upang hampasin si Aldrei. Mabilis naman siyang nag-slant ng katawan at yumuko upang umiwas. Gumanti siya ng suntok. Tinamaan ito at bumagsak sa buhangin.

“Sa likod mo!” tili ni Andrea.

Tumingin nga siya sa likuran at sinipa ang nagtangkang humampas sa kanya.

 Nang muli siyang tumalikod, isang suntok ang dumapo sa mukha nya. Hindi nya iyon ininda. Hinarap niya pa  rin ang nakatama sa kanya at inadyaan ng suntok. Sinundan niya pa iyon ng pagsipa sa tuhod nito.  Nasa gilid ng taong iyon ang leader, at gamit ang bilis niya, isinunod niya ng suntukin ang leader. Natumba ito ngunit agad ding tumayo. Marahil dahil sa galit kaya may hinugot na itong nakasukbit sa tagiliran. At parang hanging dumapo sa dibdib niya ang isang… bala ng Calibre 45.

 Hindi niya iyon inasahan. Hindi niya inakalang bukod sa batuta ay may dala rin pala itong baril.

 Nanlalaki ang mga matang napahawak siya sa dibdib at napaluho sa buhangin. May dugo ring lumabas mula sa bibig niya.

 Hindi... Kailangan niyang lumaban. Kailangan niyang lumaban para kay Andrea... Pero unti-unti nang nilalamon ng kadiliman ang kanyang kamalayan. Pilit niyang pinaglabanan ang pagpikit ng kanyang mga mata.

 “Sibat na tayo!”

 Hindi na niya narinig ang sinabi ng lider ng mga sanggano. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagpigil sa pagbulagta ng katawan. Hindi. Hindi pwede.

 He remembered all those memories. Mula nang araw na ipaubaya niya si Jelyn sa kaibigan. Noong pumunta siya sa park upang makalimot. Noong makita niya ang picture ni Andrea—the instance he fell for her. Ang paghihintay niya ng anim na taon bago makita ang babaeng minamahal. Ang lahat ng mga nagawa niya para mapaibig ito... Mga bagay na kahit sa hinagap ay hindi niya inakalang magagawa pala niya. Ang kasiyahang idinulot sa kanya ng nobya noong sinabi nitong, “Ikaw ang boyfriend ko.”

All those memories kept coming to him like a flash back. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Kailangan pa nilang dugtungan ang mga alaalang iyon. Kailangan niya pang mabuhay. Pero…

[Andrea]

ALDREI!

 Gusto niyang isigaw ang pangalan ng nobyo ngunit kasabay ng pagbagsak nito ang panunuyo ng kanyang lalamunan.

 Tigagal  si Andrea sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung paano dapat magbigay ng reaksyon. Nakatulala lang siya sa nobyo. Gusto niya itong lapitan pero pinanawan na siya ng lakas upang gawin iyon. Ni paghinga’y halos makalimutan na niyang gawin. Maging ang pangangarag ay nakabibingi na sa kanya.

  Someone was killed right before her eyes, at hindi lang iyon basta-bastang ‘someone.’ Fiance niya ang  someone na ‘yon. Fiance niya... At hindi niya alam kung paano haharapin ang katotohanan.

 Masakit para sa kanya ang lahat. May nangyayari sa kanya na hindi niya maintindihan. May taong mawawala sa kanya at natatakot siyang makalimutan ang bagay na iyon. Kung maari niya lang sanang hilahin pabalik ang oras o patigilin ito, gagawin niya. Sawa na siya. Sawa na siyang kalimutan si Aldrei. Sawa na siyang makalimutan ang lahat ng bagay na nangyayari sa nakalipas na oras. Bakit? Bakit ba hindi siya pwedeng gumaling? Bakit hindi siya gumagaling? Ilang ulit pa ba itong mangyayari sa kanya?!

 Bakit sa kanya pa? Bakit si Aldrei pa? Bakit sila pa? Mariin nyang ipinikit ang mga mata upang patayin ang mga nalalabing sandali ng huling oras ng pagkabuhay ng kasintahan. Sa pagpikit na iyon, hiniling niyang sana… sana siya na lang ang nabaril. Hindi na lang sana siya nakilala ni Aldrin. Sana…

EPILOGUE

[Nicole]

“ANO PONG nangyari kay Lola Andrea pagkatapos nun, Lola Nikkai?”

Matagal bago niya nasagot ang tanong ng apo, tila inaalala ang lahat ng mga nangyari higit apatnapung taon na ang nakararaan. Nasa sofa ang mag-lola at katatapos lang mag-kwento ni Lola Nikkai.

Katahimikan.

“Pagkatapos noon,” she broke the silence with those nostalgic words. She was staring at the floor as though reminiscing the pain that she felt when she saw Andrea crying by the shore. “Nagtapuan ni Ate Andrea ang sarili sa dalampasigan at nasa tapat ng isang patay na lalaki. Nung una, naisip niyang tumakbo dahil sa sobrang pagkagulat pero sa huli, nag-desisyon siyang lapitan ito. Naluha siya nang malapitan niya ang lalaki.

“Wala siyang maalala tungkol sa taong iyon pero sa mga sumunod na oras na nagdaan,” tumigil siya upang humugot ng malalim na hininga. At bago siya muling magsalita’y ipinatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ng apo. “Pero sigurado siyang naaalala niya si Aldrei.” Ginulo niya ang buhok ng apo.  “Masyado ka pang bata para maintindihan ang lahat.” Pagkawika niyon, tumayo na siya mula sa couch, napahawak sa tagiliran at nag-inat ng katawan. “Napagod ako sa pagkukwento, Andrei. Tena sa kuwarto mo nang makatulog ka na.”

            The child politely did as she said, at giniya na niya ang apo patungo sa kuwartong inu-okupa nito sa tuwing magbabakasyon galing Canada.

            Bago sila makarating ng kuwartong inu-okupa ni Andrei, isang kuwarto muna ang dinaanan nila. Pinihit niya ang seradura, binuksan ang pinto at kagaya ng inaasahan, nakahiga na naman sa kama ang kanyang Ate Andrea. Nakatuon ang tingin nito sa kisame, nakatitig sa isang kupas na poster… habang lumuluha. Tiyak niyang wala pa rin itong naaalala tungkol kay Aldrei... Ngunit hindi nakalilimot ng unang pag-ibig ang puso.

-WAKAS-

Sixty-Minute Memories of First LoveWhere stories live. Discover now