Ako Yun

8 1 0
                                        


.
Mahal, naaalala mo pa ba ako?
Yung babaeng sobrang kinikilig kapag nginingitian mo,
Yung babaeng selos ng selos sa mga babaeng lumalandi sayo,
Yung babaeng ayaw na ayaw na pinagpapawisan ang likod mo,
Yung babaeng nagmamahal at nagpapahalaga sayo.
Ano mahal?
Naaalala mo na ba?
Sa tingin ko ay hindi pa,
Pero teka,
Marami pa akong ipapaalala,
Ako rin pala yung babaeng crush na crush ka noon,
Ako rin yung iniintay kang umuwi kahit abutin ng hapon,
Ako rin pala yung babaeng pupuntahan ka kahit anong panahon,
Ano mahal?
Naaalala mo na ba?
Sa tingin ko ay kinalimutan mo na ngang talaga,
Kinalimutan mo na ba akong talaga?
Kinalimutan mo na rin ba kung anong meron sating dalawa?
Oo nga pala,
Bakit mo nga namn ako aalalahanin pa,
Bakit mo nga namn pag-aaksayang isipin ang katulad kong basura?
Bakit mo nga namn ako iisipin eh may bago ka na nga pala.
Nakakagago,
Nakakagago nang sa isang iglap ay nabago mo ako,
Nang sa isang kurap ay naloko mo ako,
Napakahusay mo naman palang tarantado.
Mahal,ako nga pala yung babaeng nagmahal sayo ng totoo,
Pero sinuklian mo ng panloloko,
Ako rin yung babaeng nagpahalaga sayo,
Pero sinabihan mo pa din ng walang kwentang tao.
Oo,
Ako yung babaeng hindi ka iniwan kahit sobra na,
Ako yung babaeng iningatan ka kahit tinuring mong basura,
Ako rin yung babaeng minahal ka higit pa sa iyong inaakala,
Oo mahal,
Ako yung babaeng iniwan at niloko mo noon,
Na ngayon ay unti-unting bumabangon,
Mahal,iiwan ko na nga pala ang kahapon,
Kasi gusto ko ng harapin ang ngayon at mamuhay kasama ang taong mahal ko sa habang panahon..

PoetryWhere stories live. Discover now