Enzo Pineda as Lhaki
Song of the Chapter: Despacito
Marahang binabagtas ng isang puting Hyundai Tucson ang tila walang katapusang zigzag road paakyat ng lungsod ng Baguio.
"Sige lang matatapos ka rin," wika ni Lhaki sa sarili habang tila ini-enjoy nya lang ang pagmamaneho. Nangangawit man ang paa at mga kamay sa pagmamaneho ng anim na oras, iniisip na lamang niya na malapit na siya sa patutunguhan. Kung kaya't kahit walang ka halili sa manibela, ayos lang. Paminsan-minsan, humihinto siya sa gilid ng daan para palihim na jumingle o di kaya'y magpahinga lang.
Nageenjoy naman talaga sya. Actually, ito yung pinaka gusto nyang ginagawa mula nang magkaroon siya ng sariling sasakyan. Magtravel. Magdrive. Kahit misan walang malinaw na destinasyon. Go lang.
Bakit? Sabi nga di ba, "You only live once!" Kaya bakit ka magdadalawang isip subukang gawin ang mga bagay na gusto mong gawin?
Despacito
Quiero respirar tu cuello despacito
Deja que te diga cosas al oído
Para que te acuerdes si no estás conmigo
Despacito
Quiero desnudarte a besos despacito
Firmo en las paredes de tu laberinto
Y hacer de tu cuerpo todo un manuscrito
Napapaindak pa si Lhaki habang binabagtas ang makitid at madulas na daan paakyat ng Baguio. Hindi naman siya fan ni Justin Bieber pero narealize niya lang lately na masarap pala sa tenga yung tunog ng Latin music kaya medyo nilakasan pa niya ng konti ang volume. Katamtaman para madinig nya ang busina ng nasa likod niya at katamtaman para ma-enjoy niya yung music.
Nakasara ang bintana ng tinted niyang sasakyan dahil umuulan ng mga sandaling iyon. Second week ng December noon kaya't damang dama na ang lamig ng hangin sa Benguet. Ang sarap —nagdadrive paakyat ng Baguio tapos umuulan nang bahagya. Tapos good music lang ganyan. Sana laging ganito.
Napatuon ang kaliwang kamay niya sa bintana ng kotse at hinahaplos ang noo habang nasa manibela naman ang kanan.
Mag-isa lang na umakyat ng Baguio si Lhaki. Gusto niyang mapagisa, lumayo muna sa ingay ng Maynila. Nakakapagod din ang araw araw na makipagsapalaran sa malaking syudad.
Aside from that, may hinahanap siya. Yung pakiramdam ng maging masaya ulet. Yung totoong ligaya. Hindi niya alam kung saan at paano niya mahahanap iyon pero he's just going with the flow. Lahat naman siguro tayo may kanya kanyang paraan para mahanap kung ano ang maliliit na bagay na makapagpapasaya sa atin. At paminsan-minsan, dumarating yung point na kating kati tayong hanapin kung ano ba ang mga iyon.
Baguio ang napili niyang destination kasi gusto niya ring makalanghap ng malamig at sariwang hangin. Gusto niya ng kakaibang klima. Natutuyot na ata ang balat nya. Wait, yung balat nya ba ang natutuyot o pati katawang lupa niya? Parehas. Walang kwenta ang buhay niya. Napapagod na siya sa kalakaran. Office, condo, office condo. Mula nang ma-promote siya bilang pinakabatang Director ng kumpanyang pinagtatrabahuhan, nawalan na siya ng social life.
Ewan ba niya. Baligtad ang nangyari. He was expecting na pag mataas na yung posisyon, mas malaking sahod, mas madalas ang fun and party. Pero for some reason, na stuck siya sa pagitan ng nakakalulang buhay niya at trabaho. Isa isa ding nangawala ang mga dating ka close na kaibigan niya. Ang pamilya naman niya, nasa probinsya sa Puerto Galera. Ang mga kapatid niyang babae na lahat matatanda sa kanya, may asawa na at kani-kaniyang buhay. Technically, magisa na lang sa buhay si Lhaki. So nahirapan din siyang lumabas kasi kadalasan wala siyang kasama or pagod na siyang magisa. Ilang daan beses na ba siyang nanuod ng sine magisa?
In a mega city like Metro Manila, talo ka pag wala kang breather. Talo ka kapag hindi ka marunong humithit ng pahinga. Talo ka pag di mo mahal ang sarili mo.
YOU ARE READING
Sierra Madre (boyxboy)
WerewolfWARNING: THIS STORY CONTAINS BOYXBOY ACTION. READ AT YOUR OWN RISK. Nag-umpisang maningkit ang mga mata ni Lhaki. Pinilit niyang labanan ang mga luhang makailang ulit na tinangkang magpumiglas palabas ng kanyang mga mata. Hindi. Paimpit niyang sin...
