💠Chapter 5💠

Start from the beginning
                                    

"Don't mind them Kids, they are always like that." Saad naman ni Margaret sa amin at pilit na pinapakalma ang dalawa. "You two, mind your manners, we have visitors and the prince is here." Litanya na nito sa dalawa.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanila dahil comical ang nangyari. Kumalma naman ang dalawa at bumalik na sa pagkain. Kami naman ay nagpatuloy na rin pero konti na lang ang kinain ko dahil nabusog na ako sa eksenang nakita ko kanina.

Si Avis naman ay parang wala lang nangyari, maganang magana pa rin kumain at si Yuan, poise na poise pa rin. Hindi ko alam kung may mga pakiramdam ba ang mga ito o wala.

Natapos na kaming kumain at ang pag-uusap na yun ay hindi na rin nadugtungan.

•••

Parang nasa ibang mundo pa ang kaluluwa ko ng mga oras na ito. Ikaw ba naman ang gisingin ng ganito kaaga. Alas dos pa ng madaling araw at ginising na nila ako dahil pupunta daw kami sa lugar kung saan natagpuan yung survivor. Sa totoo lang, ako yung kinakabahan sa gagawin namin hindi dahil sa mission kundi dahil sa ganitong oras di ba naglalabasan yung mga aswang at multo?

Nakasuot ako ng makapal na makapal na white polar coat, mahahaba ang balahibo nito na tamang tama lang sa malamig na malamig na klima. Nakasuot din ako ng polar furry head warmer. At tsaka nakahigh cut boots ako pero nagmedyas ako ng tatlong layer.

"Bakit ba kailangan ngayong oras pa talaga? Hindi ba pwedeng mamayang umaga na lang?" Reklamo ko. Inaantok pa talaga ako sa totoo lang. Tsaka mas malamig sa oras na ito, base na rin sa sinabi ni Reginald kagabi.

"We have to. We need to reach the mountain by 6am." Sagot naman ni Jin.

6am? Ang layo-layo nun. Baka nga abutin pa kami ng bukas. "Are you sure we can reach the area, with this weather?" Tanong ko ulit. Sino ba ang baliw na susuong sa ganitong kalamig na panahon? Kami lang!

"We will reach the town by 6am and we will start hiking." Maikling sagot ni Jin.

Hiking he said, parang gusto ko ng umuwi dahil iniisip ko pa lang ay nagkakafrost bite na ako. Pero wala naman din akong magagawa dahil misyon namin ito at hindi pwedeng umatras. Pinangarap ko rin ang mga misyon tapos aayaw ako di ba?

Lumabas na kami ng mansyon ni Jin tapos may nakaabang na sa amin na malaking karwahe na may skii. First time ko na nakakita ng ganito, it is a snow white carriage which is so large at imbes na kabayo yung tagahila, it was 4 big polar bears. May kutsero din na nakasuot ng panlamig.

I feel like something is missing. Chineck ko ang sarili ko and crap, nakalimutan ko ang bag ko.

"I left my bag, wait." Saad ko at tumakbo ako pabalik sa loob ng masyon. Mukhang naiwan ko sa living roon yung bag ko dahil sa inaatok pa ako kanina. At yun nga, naiwan ko nga talaga sa sala kaya kinuha ko ulit ito.

Lumabas ako sa mansyon at tanging si Yuan na lang ang nasa labas ng karwahe. Nakapamulsa ito at mukhang naiinip.

"Bakit di ka pa pumasok?" Tanong ko rito habang patungo ako sa karwahe.

"They may think we are already complete. Baka maiwanan ka pa." Saad nito with the straight face.

Hindi ko alam kung concern ba ito o binubully ako. Ang hirap kasi basahin ng mamang ito.

Nauna na akong pumasok. Nakita ko na si Luna at Violet magkatabi. Si Jin naman at si Avis, magkatabi rin. May isang 2 seater na lang ang natira at nasa likuran ito. So that means? Holyshit, magkakatabi kami? Umupo na lang ako sa bakanteng upuan at walang pang isang segundo ay tumabi na nga sa akin si Yuan. Diyos ko po, mahal niyo po talaga ako no?

Agad na umandar ang karwahe. Yung karwahe sa loob ay para siyang tren, 3 pairs of seats, pero parang room type din, may division kaya kahit mag-usap ay hindi kayo magkakarinigan sa kabila. They really invested in this type of ride.

Madilim sa labas kaya bluish ang nakikita ko sa paligid. Ni walang bituin sa kalangitan dahil puro ulap yung nakikita ko.

"Wala bang tigil ang winter storm dito?" Tanong ko kay Yuan. Wala kasi akong ibang makausap.

"There is, they also have summer but it will only last a week. But now, seems like the weather is not good. Since we got here, the heavy falling flakes never ceased." Mahabang sagot nito.

Yun din ang napansin ko. Pagkarating namin kahapon ay buhos na ang snow at mapahanggang ngayon ay buhos pa rin. Hindi naman sa sobrang buhos na may kasamang malalakas na hangin pero wala lang tigil yung snow.

"When is the summer season?" Tanong ko naman rito. Hindi ko talaga maimagine ang summer sa lugar na ito. Feeling ko baka bumaha pag natunaw yung mga yelo.

"Last summer." Sagot naman nito.

Kasabay lang din pala sa summer ng Windervale. Pero isang linggo lang ang summer nila Jin which is back to winter part kaagad. Pero sa smooth na galaw ng karwahe hindi ko maiwasan na antukin ulit. Hindi naman siguro masama kung iidlip ako di ba? Reasonable naman kasi madaling araw ngayon.

"I'll just take a nap." Paalam ko rito.

Tumango naman ito. Ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang hindi ko na namalayang nilamon na pala ako ng antok.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Where stories live. Discover now