"Ma, sigurado kayo na kaya niyong magdrive? Baka may masamang mangyari satin niyan?" Tanong ko kay Mama

"Wala ka bang tiwala kay Mama anak? Siyempre kayang-kaya to ni Mama." Full of confidence pa ang pagkasabi ni Mama. Kung sabagay, wala din naman akong magagawa niyan, gusto niyan ni Mama eh. Alam ko naman na meron siyang experience dati sa pagdadrive. Dati kasi nung nakaroon ng full-time na trabaho si Papa sakanilang kompanya, wala ibang tao ang makakapaghatid-sundo sakin sa school. I was around 11 years old at that time. Sinubukan ni Mama ihatid ako sa school at hopefully nahatid niya ko ng safe and sound. Sabi kasi sakin ni Mama noon, marunong na daw talaga siyang magdrive. Tinuruan kasi siya ng kanyang Papa kung pano. Kaya nga lang, hindi na siya nakakapagdrive nung naging sila ni Papa. Hindi daw kasi siya pinapayagan ni Papa.

Habang nasa biyahe, pinplay ko ang kantang No ordinary love ng MYMP. Napangiti naman ako nung nagsimula itong tumugtog. Hindi ko alam pero pag kanta ang pinag-uusapan, No Ordinary Love talaga ang pumapasok saking isipan. Kagaya ng ibang tao, nakakarelate sila sa kanta which is later on nagiging paborito na nila ito. At kapag lumipas ang mga panahon at hindi na sila makakarelate sa sinabing kanta, hindi na nila ito magiging paborito. Pero ako, relate man - wow relate haha - o hindi, isa ito sa mga paborito kong kanta.

"Paborito mo talaga ang kantang yan anak, 'no?" Tanong sakin ni Mama na may ngiti pagtapos niyang sabihin iyon

"Oo ma eh, hindi mapigilan" Pagbibiro ko naman kay Mama. Ngumiti lang siya sakin.

Gaya ng ginagawa ko pag nasa loob ako ng isang kotse o jip o bus man yan, palagi akong tumitingin sa bintana. Tinitignan ko lang ang bawat lugar na madadaanan namin habang kinakanta saking isipan ang kantang pinapatugtog.

"Anak, ano ba ang gusto mong kulay na gown?" Tanong sakin ni Mama. Napaharap naman ako sakanya. It takes a seconds para sumagot ako kay Mama. Nag-iisip din kasi ako.

"Meron po kasi kaming theme ma. Winterwonder Land po yung theme tapos sabi ng adviser namin , kailangan ang kulay ng mga ball gowns ng girls is either, skyblue or white lang." 

"So what do you think?" Sabi ni Mama. Nag-isip ako ng ilang segundo. Siguro magskaskyblue nalang para bagay din naman sakin yung kulay.

"Siguro Ma magskaskyblue nalang ako para maganda tignan sakin" Sabi ko kay Mama at ngumiti.

"Okay. Maghahanap tayo ng skyblue na ball gown mamaya"

Di katagalan, nakadating kami ni Mama sa paroroonan namin. Pumunta kami sa isang boutique. Actually, mukha siyang pangyaman.

Pumasok kami ni Mama at sinalubong kami ng isang babae. Around 20-25 yung edad niya. 

"Good afternoon maam, ano po sanang kailangan niyo?" Tanong samin ng babae. Nagtingin-tingin muna si Mama sa paligid bago magsalita. "Uhmm.. Meron ba kayong blue na ball gown dito?"

"Para kanina po maam?" Tanong ng babae

"Ah para sakanya" Sabi ni Mama sabay turo sakin.

"Sige po maam, titignan ko lang po" Sabi ng babae at agad na inalay ang kanyang kamay para kami'y maupo. "bago po niyan maam, maupo po muna kayo." Umupo naman kami ni Mama. Walang kumikibo saming dalawa. Si Mama, tinitignan ang paligid ng boutique at ako naman, umaasa na sana merong kulay skyblue na ball gown.

Maya-maya, dumating ang babae. Tumubo naman ng ngiti saking labi ng makita ko ang mga bitbit niyang gown. Apat na gown ang dala niya pero meron talaga isang gown na nagcaught ng attention ko. Hindi naman siya ganun kaarte, parang simpleng gown lang siya. And I think ganun yung babagay sakin.

"Maam, meron po kaming apat na skyblue na ball gown, papiliin niyo nalang po siya maam" Sabi ng babae.

Kahit na meron na kong napupusuan, finit ko nalang lahat ng mga ball gown baka sakaling magbago pa ang isip ko kapag mismong nasuot ko na talaga. Yung unang gown na sinuot ko, plain skyblue lang siya lahat tapos merong kumikinang na mga beeds sa lahat ng parte nito. Yung second gown, parang medyo naartehan lang ako kasi meron siyang cover banda sa kilikili ko tapos napakabigat pa. Yung third na gown na sinuot ko, okay din naman siya kung tignan, puro beeds sa ibabaw tapos sa baba plain skyblue lang siya tapos kumikinang din. At yung panghuli kong isinuot, which is yun din ang nagustuhan ko, see-through siya na long sleeve sa ibabaw na merong cover around my body. Medyo may pagkablue siya sa ibabaw tapos ang ilalim skyblue siya. 

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now