Finding My Dreamboy

Magsimula sa umpisa
                                    

Sana.....

1:30 ang usapan namin, hintayan na lang sa tambayan. Umalis ako ng bahay ng mga 1:25, malapit lang naman sa'min iyon. Pagdating ko sa tambayan, nandoon na ang tatlo. As always, si Yanna na lang ang kulang.

Nang dumating si Yanna, umalis na kami.

Nagkayayaan muna na manuod ng sine. After manuod, kumain muna kami tapos pumunta ng Timezone.

Si Yanna at Era, naglalaro ng basketball. Kami namang tatlo, nandito sa karaoke.

Si Jewl ang kumakanta...

"Kaylee" tawag sa'kin ni Naomi

"hmm?" sabi ko sabay lingon kay Naomi

"Bakit ganoon ka kahapon? Bestfriend mo naman ako eh"

"Ah yun ba. Kasi napanaginipan ko na naman siya. Si 'Justine'"

"Sinong Justine?" Sabi ni Era.

Tapos na pala maglaro 'tong dalawang to. Si Jewl naman, hindi na tinuloy 'yung pagkanta nung marinig ang pinag-uusapan namin ni Naomi

"Sino nanalo sa inyo?" tanong ko kay Yanna at Era

"Syempre AKO! Pero wag mong ibahin ang usapan" Sabi ni Yanna

Sabi ko nga eh. Hindi ako makatatakas sa mga ito

Hinga ng malalim

"Ahmmm... Paano ko ba sasabihin 'to" Sabi ko habang nag-iisip

"SINO NGA 'YUN?" Sabay-sabay na sabi nung tatlo

"A-ano.. napapanaginipan ko siya pero hindi ko siya kilala"

"Huh?" sabay sabay na sabi nila

"Alam ko medyo weird pero totoo. Tatlong beses ko na siya napapanaginipan, pangatlo 'yung kahapon"

"Pero bakit alam mo 'yung pangalan niya?" tanong ni Era

"Nung napanaginipan ko siya, yung pangalawa, doon ko nalaman. Sa panaginip ko nun, tinawag ko siya ng Justine kaya ayun"

"Weird nga pero sa tingin ko bunga lang 'yan ng malawak mong imahinasyon at ng pagbabasa ng kung anu-anong story" Sagot ni Jewl

"Sa tingin ko hindi rin. Alam ko makikita ko siya. Mali, nakita ko na siya" Sagot ko

"TALAGA? SAAN? KELAN? PAANO?" Sunod sunod na tanong ni Yanna kaya pagkatapos nun hinihingal siya

"Ewan" sagot ko

"ANO?" Sagot nilang apat

"Ang gulo mo Girl!"

"Oo nga" sang-ayon ni Naomi kay Jewl

"Hay bahala nga kayo dyan. Kakanta na nga lang ako." Sabi ni Era

Kaya kumanta nga si Era tapos hindi na nila ako kinulit. Tinitignan na lang nila si Era habang kumakanta. Nung ako na 'yung kakanta. "I KNEW I LOVED YOU" ang kinanta ko. Alam ko gusto nila magtanong  pero siguro alam nila na hindi ko rin masasagot ang mga tanong nila.

Pagkatapos namin doon, umuwi na kami.

Last day na bukas ng summer.

Sunday, syempre nagsimba muna kami kasama ko family ko tapos ganoon din ang mga kabarkada ko, kasama ang mga family nila.

Nung hapon naman, tumambay ulit kami. Sinusulit na namin dahil bukas may pasok na. Hindi ko sila kapareho ng school pero si Naomi at Yanna pareho ng school na papasukan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding My DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon