Sa kaliwa o sa kanan
Di alam kung saan
Sobrang lakas na ng ulan
Ulan, sa ating munting pagitan
Na nagiging dahilan,
Upang di tayo magkakitaan.
Nasaan ka na ba?
Bakit ikaw ay wala?
Nais kong makita,
Makita ang magaganda mong mga mata
Mga mata na sa aki'y nagbibigay sigla.
Walang ideya kung anong nangyayari sayo
Miski na kung ano ang nararamdaman mo
Mag-ingat ka mahal ko,
Nandirito lang naman ako
Handang maghintay sa pagdating mo
Handang maghintay sayo.
- Juweng 💔
YOU ARE READING
Confession through SPOKEN Poetry ❤
PoetryOriginal & True to Life #HUGOT Poetry of the Author. #IMissYou #Asymmetricfeeling
