Flashback...
Nina : Hoy! tabachingching alam mo ba na upuan ko iyang inuupuan mo ha? ( naka ismid niyang pag sita sa kaklaseng tahimik na nagbabasa nang libro )
Paolo : ( Hinarap ang nakasimangot na kaklase ) Ganun ba? Sorry Nina akala ko kasi bakante itong upuan ( agad niyang niligpit ang gamit )
Charina : Wow! first name basis na pala ang tawag ng loser na to' sa iyo? ( binalingan si Nina )
Nina : ( matalim na tiningnan ang pobreng kaklase ) Excuse me lang chunky, wag mo nang ulit mababanggit yung pangalan ko ha! Please lang. Kinikilabutan kasi ako. ( tinulak niya ito palayo at inayos ang sarili sa kinauupuan niya )
Paolo was always the “ bullied boy “, simula noong nasa elementary and highschool years niya . Palagi siyang pinagkakatuwaan ng mga kaklase. Lahat na yata nang mga panlalait na maisip ng mga ito ay narinig na niya : tabachingching, chunky, dumbo...Muntik na siyang huminto sa pag- aaral noon, mabuti na lang at pinatitibay ng mga magulang ang loob niya sa mga panahong iyon. He took each day as a challenge during those awful years. Tiniyak niya na hindi na niya pagdaraanan ang mapait na karanasang natamo niya ng mga panahong iyon. Pag tuntong niya sa collegio ay nagpursige siyang e improve ang sarili physically. Halos pinagsasabay niya ang pag aaral at pag ggym araw araw. Hindi naman niya nabigo ang sarili, he had succeeded in achieving his goals. Nagkakandarapa ang mga babae sa campus niya just for him to notice them.
Shane : Hello there handsome ( umupo ito sa tabi niya habang naghihintay for his next class to resume )
Paolo : Hi. ( sagot niya habang hindi inaalis ang atensyon sa binabasang business management book )
Shane : So, I was thinking... would you like to go out with me? ( she asked flirtatiously ) Here's my number if you're interested.
Paolo : ( binalingan si Shane ) Some other time ( tipid niya itong nginitian pagkatapos ay tumayo na siya at umalis )
Palagi niyang nirereject ang mga babaeng katulad ni Shane. He despises people who treats other people like garbage. People who turn down other people just because they think na mas may karapatan silang kawawain ang iba dahil lang sa kaanyuan nito. After he graduated from college, he took over their company as CEO of Mondragon Enterprises. Nag migrate ang pamilya niya sa US after taking over his father's position . According to his father he can handle everything on his own with his skills and dedication.
Paolo : What's this? A resignation letter ? ( nakakunot noong tanong niya sa kanyang secretarya for five years na si Sharon )
Sharon : Yes sir. Napagpasyahan ko ho kasi na after kong manganak eh, maging stay at home mother na lang po ako.
Paolo : It's a big loss for me na mawalan ng competent at trust worthy na secretary na kagaya mo Ms. Lopez, but if this is what you want. I have to let you go. ( nakangitin baling niya dito ).
Sharon : Naku sir, pinaiiyak mo naman ako. Don't worry sir, I have made the move na magpa job interview para sa posisyong ma iiwan ko. Nasa table ko po yung mga application folders ng mga applicants. Ipapasok ko na lang ho dito sa office niyo mamaya. Next week pa ho naman ako ma rerelieve sa position kaya may time ho kayong kilitisin yung mga nag aapply. ( sagot nito habang hinihimas ang lumulubo na nitong tiyan. Almost eight months pregnant na ito sa kanyang tantsa ).
Nang hapong ding iyon ay nasa desk na ni Paolo ang files ng mga nag aapply. Isa isa niyang binasa ang mga ito. Dapat hindi siya ang gumagawa ng mga interviews kaso gusto niya na siya mismo ang mag conduct nito dahil sa gusto niyang matiyak na competent and qualified ang magiging susunod niyang secretarya. Nina Therese Tuazon...he read as he was looking into one of the applicants files. How can he forget that name. Nina was his crush way back elementary and highschool years niya. Akala niya iba ito, nagkamali siya... ito mismo ang nagparamdam sa kanya kung gaano siya kaliit sa mundong ginagalawan nila noon.
Flashback...
Araw ng prom night kaso wala pa ring ka date si Paolo. Alam niyang walang magkaka interes sa kanya kaya nga hindi na siya nag abalang humanap ng magiging ka date. Balak sana niya na huwag umatend sa event kaso ay niyaya siya ng ultimate crush niya... si Nina. Nilapitan siya nito kinahapunan pagkatapos ng klase nila.
Nina : ( kinawayan si Paolo at lumapit dito ) Hello Paolo, alam mo naman siguro na ngayong gabi yung prom natin di ba? I was hoping that you could be my date. ( she said smiling )
Paolo : ( nagulat sa sinabi ng una ) Are you sure? I mean marami naman diyang nagyayaya sa iyo ba't ako pa iyong napili mo?
Nina : I just want to make friends with you. Napansin ko kasing hindi maganda yung trato ko sa iyo simula pa noong mga bata pa tayo. Na realize ko na ito na iyong pinakamagandang time para magsimula tayo ng friendship natin di ba? ( she said smiling ) So ano? Payag ka nang ikaw ang maging date ko sa prom? Please...
Paolo : ( hindi mapigilan ang sarili na ngumiti sa sinabi ng dalaga ) Payag na ako, magkita na lang tayo sa venue kung okay lang sa iyo.
Nina : Okay lang. Sige I have to go. Magkita na lang tayo dun.
Kanina pa hindi mapakali si Paolo sa mesang kinauupuan niya. Kanina pa kasi niyang hinihintay ang ka date niyang si Nina. Halos hindi magkarinigan ang lahat sa loob ng venue dahil sa lakas ng musika. May mga nagsasayawan, ang iba naman ay busy sa pakikipag usap sa kani kanilang date. Napadako ang tingin niya sa entrance ng venue. Kakapasok lang ng ka date niya at mga kaibigan nito. Agad niyang nilapitan ang mga ito.
Paolo : Hello Nina. ( he smiled at her )
Nina : Oh, hello there... ( she smirked )
Charina : And what brought you here loser? ( she said habang tinitigan ito head to toe )
Paolo : Nina's my date ( sabi niya habang tinitigan ang ka date )
Janine : What? And you actually believe na gusto ka niya talagang maging ka date ? Sorry to say mattress boy, pero you were just part of our little bet. ( natatawang saad nito )
Charina : Charles is Nina's date. ( ang sinasabing Charles ay ang star player ng basketball team sa school nila ) Kaya kong ako sa iyo, I'll just go home and wallow in embarassment.
Nina : Thank you for coming though. I just knew na hindi mo ako bibiguin, without your help hindi ako mananalo sa pustahan namin. ( she said with a big grin on her face ) Kaya mga girls pay up ( baling nito sa mga kaibigan )
Tumakbong papalabas si Paolo nang gabing iyon, hindi niya akalain na magagawa ni Nina na ipa mukha sa kanya kung gaano siya ka worthless. Nasaktan siya ng labis, and until now he can't get over the fact na nagpaloko siya dito. Nagpadala siya sa mga sinabi nito at ang mas masakit ay pinag pustahan lang pala siya ng huli at ng mga kaibigan nito.
Nanumbalik ang ulirat ni Paolo nang may kumatok sa kanyang pintuan. Pumasok si Sharon, dala dala ang tambak na mga files na papa pirmahan sa kanya.
Sharon : I see that you're already scanning through some of our applicants files sir. May nagustuhan na po ba kayo na ipapalit sa akin? ( binaba nito ang mga files sa kanyang mesa ).
Paolo : Actually, I have... I want you to contact this person and schedule an interview as soon as possible ( binigay sa secretarya ang folder na hawak hawak niya )
Sharon : I'll see to it sir ( kinuha ang folder at agad ding lumabas )
Habang pumipirma sa mga papeles ay hindi maalis ni Paolo ang nagbabadyang ngiti sa labi. He stopped for a moment and cupped his head to both of his hands and thought of how things would turn kung papasa ang bago niyang secretary sa job interview. A dark thought entered his mind : Oh, I will make sure na papasa ka sa interview Nina and I'll make sure that you'll regret your decision na magtrabaho dito, sa companya ko.
YOU ARE READING
My Bully, My Love. ( Tagalog ) Ongoing series
RomanceMagtagumpay kaya si Paolo sa plano niyang paghihiganti kay Nina, ang taong nagpa mukha sa kanya kung gaaano siya ka walang kwenta noon?.
