Kwento ng Isang BH

Magsimula sa umpisa
                                    

Friend: Pauline alam mo na ba? Pero wait diba break na kayo?

Ako: break? Hindi, wala pang nakikipagbreak. Bakit?

Friend: Baliw ka? May girlfriend na daw siya. May niligawan siyang babae ng 2 araw lang daw at sinagot na siya. WAIT! So it means na nanligaw siya kahit kayo pa?

Sinira niya ang gabi ko. Ang gabing dapat masaya, ang gabing isa sa pinakamagandang memory ng high school ay nabahiran ng lungkot. Naloko ako, pagkatapos niyang gawin yun sakin lolokohin lang pala niya ako.

Summer bago ako mag 4th year, may classmate akong nanligaw sakin, si Tom, pero sabi ko sakanya ayoko muna, tinanggap niya yung sinabi ko at nanatiling kaibigan ko hanggang sa nahulog ang loob ko sakanya. Naging mag-MU kami, nagsasabihang “I like you”, nagtatawagan, parang kay Kysler lang pero walang commitment, at hindi niya ko hinahayaang gawin ang mga bagay na ayaw ko. Pero isa lang ang mali sakanya, masyado siyang naging obsess sakin. Kahit saan ako magpunta susunod siya, kahit saan ako nakatingin titingin din siya. Lahat ng kaibigan ko tinatanungan niya. Naramdaman ko sakanya yung “sakal” sa isang relasyon at hindi nagtagal tinigil ko na. Same year din ng ligawan ako ng bestfriend niya, si Chris, ayoko sakanya sa una palang, dahil katulad ng kaibigan niya obsess din siya sa mga nililigawan niya. Binusted ko siya pero hindi niya parin ako tinigilan hanggang sa napuno ako, at binusted ko siya sa harap ng mga kaibigan niya. Alam kong nasaktan siya pero kung hindi ko yun ginawa ako ang mahihirapan. Senior’s prom ng manligaw sakin ang isa sa mga kabatchmate ko na si Ron, sinabi niya sakin na nahulog ang loob niya sakin, pinagbigyan ko siyang manligaw at pagkatapos ng halos dalawang buwan, sinagot ko siya. Naging kami ni Ron ng halos 4 na buwan pero habang tumatagal nagiging paranoid siya, hindi ko lang siya mareplyan, magagalit na siya, sasabihan na niya akong malandi at iisipin pa niyang pinagpalit ko siya sa iba tumatagal yung mga ganyang away namin ng halos 3 araw pero hindi ko na kinaya, napagod din ako sakanya, at nakipagbreak ako.

Nung 1st year college ako wala masyadong umaaligid, natuwa ako kasi naenjoy ko ang unang sem ng pagiging isang 1st year tourism student. Second sem ng muling magparamdam si cupido sakin. January ng sabihan ako ng isang lalaki sa ibang school na mahal niya ko, nagulat ako at hindi ko alam ang sasabihin ko nun. Kaibigan ko siya, si Rey, nagkakilala kami sa isang social networking site. Pero hindi kami ganung nagchachat nung una siguro naging close lang kami nung tanungin ko siya about sa library nila sa school nila, nung panahon na yun may ginagawa kaming research at kailangan naming mag hanap hanap sa mga iba-t-ibang library. Simula nun lagi na kaming nagtetext pero hindi kami madalas nagchachat. Nagkaroon kami ng mga kaibigan ko ng tinatawag na girls night out at nung mga oras na yun, nandun din si Rey pero pinilit kong hindi kami magkita sa kadahilanang natatakot ako, dahil hindi ko alam kung anong iisipin niya sakin or anong magiging reaction niya sakin, pinangunahan ako ng kaba pero nung nakauwi na ko bigla naman akong tinamaan ng panghihinayang, hindi ko alam pero parang nagsisisi ako na hindi kami nagkita. Nung mismong araw na yun, nagtapat siya sakin, sabi niya gusto niya ko, hindi ako naniwala sa kadahilanang hindi pa kami nagkikita, hindi ko pa siya nakakausap ng personal, ni hindi ko pa nga alam ang tono ng boses niya. Dalawang araw pagkatapos nun, sinabi ko sakanyang gusto ko na rin siya, naniwala naman agad siya, pero ang hindi niya alam pinaglalaruan ko lang siya. Dumating yung mga araw na unti-unting nasasanay na ko sa panloloko sa kanya, sinasakyan ko yung bawat “I love you” niya sa text, pero narealize niya na parang minamadali namin lahat ng mga nangyayari samin, humingi siya sakin ng permiso para maging friends nalang kami, pinagbigyan ko siya pero may kung anong kirot akong naramdaman nun, 3 araw din kami hindi nagtetext sa isa’t-isa pero hindi niya ako natiis at tinext niya ko, nagsimula nanaman siyang magsabi ng “I love you” sakin at sa ikalawang pagkakataon sinakyan ko ulit yung larong ito. Hindi ko namalayan na lahat ng kasinungalingan sinasabi ko sakanya ay nagkakatotoo at aaminin kong natalo ako sa larong ito dahil sa huli bumigay din ako. Nagsimula na kaming magchat sa social networking site kung saan ko siya unang nakilala, nung una ang lambing lambing niya sakin, kung ano-anong sweet words ang sinasabi niya sakin na kinatuwa ko naman, pero nagulat ako ng bigla niya akong i-block, hindi ko mapuntahan ang site niya, hindi ko siya machat. Kwinento ko lahat ng to sa kaibigan ko, natauhan ako sa lahat ng sinabi niya sakin…

Kaibigan: Naniwala ka naman?

Ako: Oo, sinabi niya sakin yung magic word eh.

Kaibigan: Ate..ewan ko ba sayo.. ang dali mo kasing mag-assume eh..hindi ko akalain na ganyan ka pala katanga… dahil diyan sa pagaassume mo, naloko ka niya.

Sinumulan ko siyang kalimutan, pero wala pang isang linggo, nakatanggap na ako ng friend request mula sakanya. Sinabi ko yun sa kaibigan ko, at sabi niya sakin na wag ko daw i-accept, sinunod ko yung sinabi niya pero hindi ko natiis, inaccept ko siya after 3 days nung inadd niya ako, hindi ko sinabi yun sa kaibigan ko dahil alam kong pagsasabihan lang ako nun, tinext ko si Rey, tinanong ko siya kung bakit niya ako blinock pero wala akong natanggap na reply ni isa. Nakikita kong online siya sa chat pero hindi niya ako pinipm at ganun din ako pero hindi niya ako natiis at nagpm siya sakin. Nagsorry siya sakin at sinabi niya yung dahilan kung bakit niya ako blinock..

Siya: natatakot kasi ako na baka wala ring patutunguhan to.

Naiintindihan ko yung dahilan niya kaya pinatawad ko siya, pero hindi ako magpapakatanga ulit para lang sakanya, tama na yung minsang naging tanga ako ng dahil sakanya. Sisimulan ko ulit yung laro ko sakanya, titignan ko kung hanggang saan siya tatagal.

Ngayon mag sesecond year college na ko, pero pinangako ko sa sarili ko na hindi ko muna iisipin ang mga bagay bagay about sa love, magfofocus muna ako sa pag-aaral ko pero nagdududa parin ako sa sarili ko. Kaya ko kayang tuparin lahat ng pinangako ko sa sarili ko? Sabi nga nila, lahat ng bagay dumarating sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Sana sa pagkakataong ito makilala ko na ang lalaking hindi ako sasaktan at lolokohin. At sana, mahanap ko na ang katapat ko.  

Kwento ng Isang BHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon