Kailan

33 0 0
                                        

Let me tell you a story: Once upon a time, may isang babaeng nagkagusto sa kaibigan ng kaibigan niya. (HAHAHAH! gets niyo ba?) Noong una, akala nong babae masungit yung lalaki dahil una, mukhang masungit ito at pangalawa mukhang mapilii sa kaibigan.


Ah basta! Basahin niyo na lang kung paano sila nagkakilala. :)









~*~

K A I L A N


"Hey! Where are you? I'm here at the library, 3rd floor." 



Kasalukuyan kong hinahanap si Red ngayon kaklase ko at ang loko naman ngayon lang nagtext. May usapan kasi kami ni Red na itetext niya ako kung saan kami tatambay ngayon since vacant namin pareho. At tamang-tama oras ko rin na gawin ang mga plates ko. 



"Wow ha! Ang aga mong nagtext!" sabay lapag ko agad ng mga gamit ko sa lamesa. Sarcasm sana yun kaso mukhang di ata na gets ng mokong.


"Kanina pa kaya yang text ko sa'yo! Baka late lang dumating?" sabay ngisi niya sa akin. Babatukan ko pa sana kaso biglang naka-iwas, sayang naman!


"Tss. Mukhang chill na chill ka ngayon ah? Wala kayong plates?" tanong ko sa kanya.


"Hmm, meron naman kaso tinatamad pa akong magplano."


"Ay ganun?"


Habang si Red ay petiks lang at walang pinoproblema, ako naman abala na ako sa pag-aayos ng mga drawing materials ko sa lamesa. Hays! Life of being an architecture student.


Nagsisimula na ako sa pag te-techpen sa mga plates ko ng may biglang tinawag si Red at mukhang kakilala or kaibigan niya ata. Since abala ako sa pagte-techpen at baka magkamali pa ako, hindi ko na nilingon kung sino yung lalaking tinawag ni Red at umupo na rin kung nasaan kami.


"Oy Red!" tapos ay nag high five pa silang dalawa. 'Saka lang ako napatingin doon sa lalaking kausap ni Red.


"Chelsea this is Rafael, Rafael this is Chelsea classmate ko." agad naman akong ngumiti sa kanya at ganon din siya sa akin. 


Tss, mukhang masungit! sabi ko sa sarili ko.


"Wala kang pasok Raf?"


"Wala pa, mamaya pang alas tres. Ikaw?"


"Haha! Same!" nakikinig lamang ako sa kanilang dalawa since masyadong nakaka-out of place silang dalawa.

KAILANWhere stories live. Discover now