INTRODUCTION ko^_^

4 0 0
                                        

BEHIND THAT BOY

BTB

written by: Ancient Angel_029 "AA"

copyright@2017allrightsreserve

MARCH 29, 2017 9:44PM

-------------------------------------------------------------------------------------------

INTRO

(COLT POV)

*BoggooGsssshhhing*

Ang ingay naman nun?!

ano ba yun?!

napasilip ako sa mga halaman na nasa likod ng inuupuan ko, at tinignan kung ano ang malakas na ingay na bumagsak.

-_-

kung makabagsak lang naman ng bike yung taong naka jacket ng itim na nakatayo sa harap ng tindahan at kausap si uncle. May inaabot siyang supot kay Uncle, pero hindi ko makita kung ano yun. Hindi ko rin makita yung muka kasi naka sombrero tapos nakasuot pa ang hood at may taklob pang scraf ang ilong.

tss..

bumalik na ko sa pag lalaro ng color switch habang nakataas ang paa sa upuan.

Nakuu.. kung magbebenta ang taong yun ng product diba dapat tanggalin ang panyo sa ilong at ibaba ang hood at alisin ang sumbrero? para naman presintable at hindi siya pagkakamalang goons ng mga bebentahan niya. Pero kung isa yun sa mga lalaki ni uncle na nag bigay sa kaniya ng kung ano ehh di wow.

Yes ... si uncle ay Auntie narin ^_^V

Ako nga pala si Colt Hayde as in HAYD not HAY-DE, pinatapon sa province dito sa Laguna para "DAW" matuto ako ngayong summer vacation if i know paparusahan lang nila ako. Kaya heto dito ako naka stay sa bahay ni tito, malaki naman ang bahay niya, at may sari-sari store dun sa bandang unahan ng bahay niya bago lumabas ng gate, para daw may araw-araw na income siya aside sa kinikita niya dun sa lupain niya na may taniman ng buko.

"my dear pamangkin... sa isang araw kana babalik sa manila and yet wala kaman lang nasunod sa sinabi ng dad mo." ay oo nga pala para daw matuto pa ako ng mga bagay-bagay, mag trabaho daw ako muna dito kay tito.

"tito shine--" -__- dipa nga ako tapos mag salita ehh nauuna nanaman ang bunganga niya.

"ikaw na poging bubwit ka, tinawag mo pa ko sa pangalan ko na pang babae tapos tatawagin mo rin pala akong tito?!!"

"eeehh tito naman ehh.. ano bang gusto mo? Tita Ceasar??" >:)

"YUCKKK!! dont call me that way nga ah! pinapayagan na nga kitang tawagin akong shine ehh .. kahit ang dapat ay SUNSHINE CRUZ!"

"ewww.. tito ahh! baka kamo ikaw yung asawa ni sunshine cruz >:) CEASAR??? hahhaha!"

haha ceasar cruz kasi ang true name niya.

"IKAW!!!! pumunta kana nga dun sa bukuhan! mag inventory ka dali!!! sinisira mo ang beauty ko!!!"

"haha oo na po.. bye tito shine ^_^"

Sumakay na nga ako ng sasakyan papunta dun sa bukiran ni tito. At mukang nag kokopras na sila .ililista ko lang naman ang mga nagtrabaho ngayong araw na ito, tapos ilan ang nakopra nila, then yung total ng lahat-lahat. basta ayun na yun. Kala mo alam na alam ko no? ehh ngayon nga lang ako pumunta dito sa loob ng isang bwan kong bakasyon.Ang boring nga ehh pero ang kadalasan kong pinagkakalibangan ay mag bike every morning i love bikes kasi.

at dahil wala naman talaga akong alam sa bagay na ito aside sa nakakatamad gawin, tumawag nalang ako ng isang trabahador.

"psst" lumapit naman agad siya."ikaw na maglista ng ipapasang report kay tito"

"ahh opo sir.." kinuha naman niya yung folder na dala ko at siya na ang gumawa ng trabaho ko. Nung matapos na ay kinuha ko na yun at sumakay na uli ng sasakyan, para makabalik na sa bahay.

Habang umaandar na ang sasakyan napansin kong mahangin sa labas kaya binuksan ko yung bintana ng sasakyan sa kaliwang side ko.

"ahh manong driver, pakibagalan ang andar ng sasakyan, gusto ko ma feel ang ambiance ng nature" sabi ko sa driver ko

"ahhh yes po young master" at binagalan naman niya.

pero ang totoo niyan ay para matagal pakaming makauwi, dahil mahahalata ni tito na hindi talaga ako nag trabaho.

*BoggooGsssshhhing*

ayun nanaman ang tunog na yun?! ~_~

napasilip ako sa labas at nakita ko nanaman yung nakajacket na itim at binagsak sa gilid ng tindahan yung bike na gamit niya! Nakakaawa yung bike T_T

May inabot nanaman siyang kung ano dun sa nag babantay ng tindahan. Ahh baka nga nag bebenta siya ng kung ano, pero swear ang pangit ng strategies niya sa sales. Buti pa ko, kahit pasaway ako naman ang BEST ENTREPRENEUR sa senior high noh .

  +++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++=

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++=

AA is here...


please comment and vote po huh ^_^ 


support niyo ko guys. 


at pagagandahin ko pa toh lalo hihi ^_^V

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind That BoyStories to obsess over. Discover now