HAPPY MONTHSARY :)

1.5K 2 0
                                    


HAPPY 6th MONTHSARY MiSTERKO <3

Nung una alam mong alanganin ako sayo
Kasi nga sa dami ng mga nabalitaan ko at nalaman  tungkol sa nakaraan mo
Kahit alam ko na mahirap, pinagbigyan ko kagustuhan ng puso�t isipan ko,
Na ikaw ay mahalin at sakaling iwan ang mga bagay na nakasanayan mo
Aaminin ko nung una sadyang mahirap magtiwala,
At mapaniwala ang sarili na makakaya mapagbago ka.

Marami ang nangyare sa paglipas ng ilang buwan
Andyan na ang away, tampuhan at nauuwi minsan sa hiwalayan
Pero kahit ganon pa man ang naging sitwasyon naten,
Atin pa rin na inayos ang dapat ayusin,
Alisin ang mga bagay na dapat alisin
Hintayin ang mga bagay na dapat hintayin.

Marami na ring pagkakamali ang ating naitama
Mga pagkakamaling sinubok saten ng tadhana,
Mga simpleng bagay na ating pinagtatalunan
At mga mababaw na dahilan na pinag aawayan,
Mga pangyayareng ito na akala nila tayo�y patitibag
Di nagpadala bagkus lalo pang nagmahalan at naging matatag.

Di man perpekto ang relasyong nabuo,
Puno naman ito ng pagmamahalang totoo
At naririto dalawang taong marunong makuntento,
Alam kong madami pa tayong pagsubok na pagdadaanan
Pero sinisiguro ko sayo na hindi ito magiging dahilan
Upang ating relasyon ay wakasan.

Gusto kong magpasalamat sayo
Dahil sa kabila ng pagiging topakin ko,
Andyan ka pa din hindi sumusuko.
Iniintindi kahit may mga luhang tumutulo
Sa mga mata mo, na pilit mong tinatago.
ASAWAKO, MiSTERKO, DADAKO SALAMAT SAYO! <3

Patawad sa lahat ng aking nagawa, sa minsang pambabalewala
Sa iyong mga pinapakita at minsan ding pagkawala ng tiwala,
Alam kong marami akong dapat itama,
Mga simpleng bagay lamang nilalagyan ko ng malisya
Utak ko na bigla na lang nagwawala
Sa sandaling di ko madama ang iyong prisensya.

Patawad sa mga salitang aking nabitawan
Sa panahon na lagi tayong may pinagtatalunan
Mga salitang nabigkas dahilan kung bakit ka nasasaktan
Ngunit kahit ganun pa man , andyan ka pa din at di ako binibitawan,
�Mahal kita� ang katagang nais kong iyong pakatandaan
Kahit kailanman, sa puso ko di ka mapapalitan <3

#admin Me
ashumerangchicks27

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HAPPY MONTHSARY :)Where stories live. Discover now