Ang Langgam ay walang kapaguran. Walang tigil sa pag gawa. Sa pag imbak ng mga kailangan nila para sa paparating na tag ulan. Para sa paparating na kahirapan. Handa sila sa anu mang dumating sakanila, tila nakakainggit lang sila kung titignan natin. Nung una akala ko parang langgam tayo na handang harapin ang bawat hamon saatin. Tila nag tutulungan upang maitawid itong pag subok na ito. Sa ulan? Sa ulan na halos hindi tumitigil sa pag buhos. Sa ulan na halos tangayin na tayo at sa ulang nag dulot ng baha. Baha ng tumangay saatin at tayo nag kahiwalay at di na nag katagpo.
Ngunit may naimbak tayo. Naimbak na alaala. Alaalang hindi makakalimutan, ngunit pag binabalikan tila may kirot na raramdaman. Kasi alam kong wala na. Nag patangay tayo sa problema. Nag pa apekto tayo sa mga bagay na di naman dapat natin sinukuan. Na pagod lang tayo pero di ka dapat bumitaw. Handa akong gawin lahat ngunit nasaan ka nung lumalaban na ako? Nasaan ka nung sinasabi mong di mo ako iiwan? Nasaan ka nung sinabi mong nandyan ka lang sa tabi ko? Hindi ba nawala ka? Nag patangay ka sa pag subok. Nag patangay ka sa mga bagay na di naman dapat.
Akala ko langgam tayo na di sumusuko. Mali pala. Hindi nga pala. Dahil sa huli alam ko sumuko ka na. Pero kung babalik ka. Ayoko na. Ayoko na ulit maranasan iwanan ka, pero ganto ang mundo. Di mo hawak ang taong nasa paligid mo, na kahit anong pag susumikap mong wag silang mawala ay nasasakanila parin kung mananatili sila o aabusihin ka lang. Kaya kung babalik ka? Ayoko na. Tama na yung naimbak nating alaala na magagamit ko sa aking buhay na ito ay isang aral. Akala ko ikaw na, hindi pala isa ka lamang aral saakin. Aral na dapat tinatandaan. Kaya ngayon? Eto ako di parin sumusuko sa laban. Para din akong langgam. Di sumusuko at para sayo para lang din akong langgam, madaling apak apakan at durugin ng ganon na lang. Pero wala akong magagawa di ako susuko sa buhay. Na parang isang. Langgam
