Andrea's POV
Tuktogaok!
"Hoy! Andrea! Gumising ka na! Tapos na kaming kumain dito tapos ikaw patulog tulog ka pa jan? Yung mga pinggan natin naghihintay nang hugasan mo sila!", aniyang mamu.
"Alam mo mamu mabuti pat mga pinggan nakakapaghintay pa, siya hindi na! Hindi na talagaaaa!", OA kong asta kay mamu ~ hay si mamu talaga hindi na nagbago kahit kailan ako talaga palagi niyang pinapahugasan nang mga pinggan. Bakit? Reyna ba ako ng mga pinggan? ~ " Ikaw talagang Andrea ka! Puro nalang pag-ibig na sa utak mo! Paano naman yung mga pinggan dun?" aniya mamu. "Mamu, may sumpa ba ako sa pinggan? Bat ako palagi mong pinapahugas? May buhay ba yung pinggan na gusto lang nila ay ako yung palaging pinapahugas?" arte kong sagot. "Tama na ang daldal Andrea! Bumangon ka nat manghugas nang pinggan at mamamalengke pa ako!"
Iyan si Androsa Emilia Lupangco MAMU for short. Siya ang aking nanay na walang ibang magawa kundi ipapahugas ako nng pinggan palagi. Hay! Kahit ganyan si mamu mahal na mahal ko talaga iyan. Siya nalang kasi ang bumubuhay saming 2 magkakapatid simula nung namatay si Carlos Lupangco ang gwapo kong tatay. Namatay si tatay noong 2003 dahil sa sakit na diabetes. I miss you na PAPU! Mayroon akong isang kapatid si Anicka Brinn Lupangco. Siya lang naman yung napakabait na ate ko. Hindi lang siya mabait kung di ay napakaganda pa. Habulin siya nang mga lalaki sa campus namin. Nag aaral kasi kami sa parehong campus ang MU.Hephep! Hindi yun Mutual Understanding wag kang ano! MABILLA UNIVERSITY yung meaning nang MU. Tsaka yung ate ko hindi lang siya maganda, sobrang talino pa. Tinutulungan niya ako sa mga pangangailangan ko. Katulad lang ng mga assignments ko sa Algebra. Hahah. Hirap kaya nun! Ay oo nga pala muntik ko na talagang makalimutan ako si Andrea Biel Lupangco, ako ay reyna ng mga pinggan! Joke lang, sa totoo lang hindi ako masyadong kagandahan pero may itsura naman hehehe! Hindi rin masyadong Matalino pero napakabuting anak ni mamu ahahah sorry ate! Hindi kami mahirap, hindi rin naman kami mayaman, yung may kaya lang. "Makapaghugas na nga nang pinggan baka sinturon abutin ko mamaya".
Pagkatapos kong maghugas ay agad naman akong kumain at nagbihis dahil papasok na ako kasama yung maganda kong ate. Teka, hindi naman dahil tinatawag ko siyang ate eh napakalayo na nang age gap namin, HINDI NOH! 2 years lang yung gap namin sa isa't isa.
Pagkatapos kong magbihis ay agad naman kaming pumara nang taxi para pumunta sa M.U.tulad nga rin ng nakasanayan.
END OF CHAPTER 1-PART A :)
Continue reading berries there's something real in next chapters. Para yumaman na kayo eh. Click nyo lng yung star 🌟 sa baba hehe joke lng.
YOU ARE READING
Nothing Can Tear Us Apart Ft. NamLee [ON GOING]
FanfictionNames of characters, places, events etc. is for fictional use ONLY. Always remember: PLAGIARISM IS A CRIME. Genre: Science Fiction / Teen Fiction Language: TagLish Description: Meet Andrea Biel Lupangco a grade 10 student, a not too pretty but with...
![Nothing Can Tear Us Apart Ft. NamLee [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/112736452-64-k48438.jpg)