Aking Luha

34 1 0
                                        


Puno ng nararamdamang hindi maiwasan
Dahil sa bawat patak ng luha ay may storyang nilalaman
Mga luha na hindi alam ang dahilan
Mga damdaming hindi na kayang pigilan

Luha na puno ng ligaya
Ligaya habang kapiling siya
At naging luha dahil sa paglisan niya
Dahil sa bawat ligaya ay may kalungkutang dala

Daan upang mailabas ang sakit na naramdaman
Sa bawat pagtatakasil ng sino man
At pagpapakita na kaya mo pang lumaban
Sa pagsubok ng pagmamahalan

Sa bawat minuto'y natutulala
Sa mga pangyayaring dala
Dala ng nararamdamang hindi maanalisa
Kung kaya pa ba o magpapatalo na?

Ngunit sa gitna ng pagluha
Bigla kang dumating dala ang bawat alaala
Alaala na kasama ka
Alaala na lumalaban pa

Maibabalik paba ang nakaraan
O dapat na maging maligaya sa kasalukuyan?
Tanggapin na ang nakaraan
At planuhin na ang para sa kinabukasan

At kung makita kang masaya na
Dun rin ako sasaya
Dahil tanggap kong hanggang dito lang talaga
Ang pagmamahalan nating dalawa

Pagpawi ng luha'y iba na ang dahilan
Dahil na tanggap ko na ang aking kapalaran
Nakilala ko na ang aking kasintahan
Kasintahan at Kaligayahan

Ngayon lumuluha na naman ako
Hindi dahil sa pangyayaring dinala mo
Kung hindi dahil masaya na ako
Masaya na...Pero kulang ako

Lagi kang hinahanap hanap ng mata ko
Naging tanga ba ako?
O Nagmahal lang ng totoo
Sana'y mapatawad niya ako

Ikaw parin ang gusto ko
Kahit dinurog mo ang puso ko
Ikaw parin ang laman nito
Kaya sana'y balikan mo ako

Patawarin mo sana ang tulad ko
Ginawa kong panakip butas ang tulad mo
Inaamin ko mahal ko parin ang Ex ko
Kaya sana mapatawad mo ako

Luhaan siyang umalis mag-isa
Dahil hindi ko na kaya ang pangluluko ko sa kaniya
Akala ko wala na akong nararamdaman sa kaniya
Ngunit marami pa pala

Gusto kung balikan ang nakaraan
At luhaang iwanan ang kasalukuyan
Upang mga mali'y maitama ko ng lubusan
Dahil sa iyo lamang umibig ang pusong sugatan

Luhaan kong iniwanan ang mundo
Kasama ang lahat ng nararamdaman sa iyo
Sana'y sa kabilang buhay ay maging tayo
Dahil hahanap hanapin ko ang pagmamahal mo.

Hanggang dito na lang
Dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman
Kahit luha'y napagod na at ako'y iniwanan
Patawad kasama sa luhang pinuno ng pagmamahal

Luha (Tula)Where stories live. Discover now