Shan's POV
"Nicole, papatawarin ko sya kung katanggap tanggap ang dahilan nya, mahal ko sya e." sabi ko habang kausap si Nicole sa phone. Nagkaron nanaman kasi ng hindi pagkakaintindihan sa amin ni Maxine. Nililigawan ko si Maxine.
"Bakit ba ganyan ka? Ilang beses ka na ba nyang sinaktan? Hindi ka pa ba nadadala? Maawa ka naman sa sarili mo!!" Halatang napipikon na sabi nya. Naiintindihan ko naman sya, pero dahil mahal ko nga sya, ano pa ba magagawa ko kung hindi ang intindihin sya?
"Nicole, makinig ka sakin. Ayoko na sayangin ang pagkakataong ito. Pangako, last na to."
binabaan nya ako ng call.
NICOLE'S POV
Bakit ba ganyan? Bakit kahit na ilang beses na kayong sinasaktan ng taong mahal nyo, kumakapit pa din kayo? Sapat ba ang pagmamahal para makalimutan yung sakit na dinulot nila?
Hindi ko na alam ang sasabihin ko kay Shan dahil paulit-ulit na lang ang nangyayare sakanila ni Maxine. Si Maxine na ilang beses ng sinaktan, pinaasa, binalewala si Shan. Hindi ko alam kung san pa sya kumukuha ng lakas para kumapit sa gantong klase ng babae.
Napabuntong hininga na lang ako. Kailan man ay hindi na sya natuto sa ginagawa sakanya. Palagi nyang sinasabi na Mahal nga daw nya si Maxine.
Nagbasa na lang ako ng libro hanggang sa may nagtext sa phone ko. Hindi ko na pinansin ng makita kong si Shan lang yon. Ilang araw at linggo ang lumipas ay hindi pa din kami naguusap.
Hanggang sa isang araw ay nakabasa ako ng text galing sakanya.
Shan: Nic, may bag ka ng arnis?
Nicole: Oo bakit
Shan: Akin na lang or bilhin ko?
Nicole: sayo na ge
Shan: kailan ko kukunin?
Nicole: kailan mo ba kailangan?
Shan: Sa tuesday.
Nicole: edi kunin mo sa monday.
Shan: Okay sige, puntahan na lang kita sainyo.
Nicole: ge
Shan: bakit ganyan ka magreply?
Nicole: wala ako sa mood.
Shan: di ko na chinachat si max.
Nicole: Bakit naman?
Shan: Dikuna kinakausap. Dinarin naman nyako chinat e. Oh edi wala na syang pake kung ganun. kaya dikuna talaga sya kinausap. At hindi kuna sya kakausapin kahit sa pasukan.
Nicole: pano? bigla nanaman sya nagiging cold sayo tapos hindi ka kinakausap? hindi ka na kasi nadala, ilang beses ko na sinabi sayo yan. nakakasawa lang shan kung alam mo lang.
Shan: Di nya pinapansin chat ko kahit nakaonline sya. Inisip ko na lang kung talagang may pake sya sakin, kakausapin at kakausapin nya ako. pero di sya nagchat so it means na wala syang pake sakin.
Nicole: So wala syang reaction after nung hindi mo sya chinachat? baka naman may bago nanaman?
Shan: meron nga, si candice.
Nicole: ulol di nga?
Shan: ewan, siguro sawa na sya sakin.
Nicole: Sinabi ko naman na sayo na una pa lang wala na syang pake sayo diba? Bakit mo pa pinagpipilitan sarili mo? Bakit mo minamahal yung tao na di ka naman kaya mahalin? Matalino ka diba? Bakit nagiging tanga ka ngayon sa babae na yan? Know your worth!! Napakaswerte na nga nya at sya niligawan mo pero di nya pinahalagahan diba? Madami pang iba dyan na mas deserve ka, u are a good guy shan, u deserve the best.
Shan: Hindi ko na din alam, hindi ko na makilala sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganto pag dating sakanya.
-------------
Hindi ko na muna sya nireplyan. Alam ko na kailangan nya ng oras para mag isa. Hindi nagtagal ay naging okay na din sya. Umaga hanggang gabi kami kung magusap. Palaging nakikinig sa anumang problema na meron ako. Palagi nya akong pinoprotektahan sa mga ibang lalaki na kakausap sakin. Palagi akong pinapagalitan sa suot kong damit. Palaging inaasar. Palaging binubully. Sya din ang kadalasang kumakausap sa mga lalaki na nagtatangka na kausapin o ichat ako. Sya pumoprotekta sakin kung kinakailangan. Palaging binabantayan ang oras ng aking pagkain. Palaging binibigyan ng oras sa pagbabasa ng mga pocketbooks. Sa buong bakasyon ay sya lang ang kausap ko. Hindi ko maiwasang mahulog. Hindi ko inaasahan, hindi ko alam kung papano nangyare. Hindi ko na din maintindihan kung bakit anaging ganto ako.
Dumating na lang yung araw na bigla na lang sya nagbabago. Bigla na lang akong di kinausap. Nawala na lang na parang bula. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag sya kausapin. Ayokong magmukhang kulang sa pansin.
Pinagsisihan ko na nahulog ako sakanya. Dahil akala ko ay may ibig sabihin na ang lahat ng ginagawa nya para sa akin. Akala ko ay may gusto na sya sakin? Tama pa bang magassume ng ganto? Umaasa ako sa bagay na alam kong imposible naman.
Isang araw bigla nya akong chinat.
Shan: Nicole.
Nicole: o?
Shan: Kinausap ko na si Maxine. Hindi ko matiis dahil alam ko ang pakiramdam ng mamatayan ng lolo.
Nicole: Mabuti naman, para hindi na kayo naiilang sa isat isa.
---
Pero sa loob loob ko ay natatakot ako, natatakot ako na mabalewala nanaman. NATATAKOT AKO DAHIL KAPAG NAGKAAYOS SILA AY AKO NAMAN ANG MAKALIMUTAN NYA. NATATAKOT AKONG MAGKAAYOS SILA DAHIL UMAASA PA DIN AKO NA AKO TALAGA ANG GUSTO NYA...
Natatakot ako na isang araw, hindi na nya ako kilala dahil si maxine na lang palagi ang nasa isip nya.
Hindi ko maiwasang maiyak sa sariling naisip. Dahil alam ko na ganun na nga ang mangyayare. Dahil sa twing nagkakaayos sila ni Max ay ako naman ang naiitsapwera.
Hindi ko alam kung san ako tatahakin ng paa ko. Hindi ko na din namalayan na pumapatak na pala ang malakas na ulan kasabay ng pagpatak ng aking luha. Nang tumigil ang ulan ay hindi na ako nagdalawang isip pa na ichat na sya.
"Kapag sinaktan ka nya ulit, tandaan mo nandito lang ako. Sana sa panahon na yon hindi pa huli ang lahat. Salamat sa pagpapakilig, na pang-kaibigang kilig lang pala. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa sakin to, o umasa lang ba talaga ako pero huli na, nahulog na ako sayo."
"Nagmahal ako ng tao na hindi ako kayang mahalin. Nagmahal ako ng tao na may mahal na iba.
Nagmahal ako ng tao na ang tingin lang pala sa akin ay kaibigan lang."
Shan just read my message, he doesn't say anything. It hurts to know that we are strangers all over again.
A/N : Hi everyone, This story is based on real life. I'm hurt, thats why i express my pain through this story. Can you please give me an advice? I am still inlove with him, while he is inlove with someone else. I really dont know what to do. I just wanna kill myself because I'm so tired with these bullshits in life. Its been 3 years, but the pain is still the same.
-av_jmn
ESTÁS LEYENDO
Strangers all over again
Romance"It hurts to know that were strangers all over again."
