dating tayo

626 56 87
                                        

A verkwan one shot
Dedicated to verxwan (miss u pukhaye sorry natagalan to)



"Kumusta na?"

Ito, nalulungkot, naguguluhan, nasasaktan, sobrang nasasaktan.

Pinilit kong ngumiti, "ayos lang! Ikaw?" Tanong ko kaya nakita ko siyang ngumiti pabalik.

Inaantay ko siyang sumagot pero ang tangi niya lang na ginawa ay ngumiti. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Nakangiti siya pero parang sumasalungat ang mga mata niya; ang lungkot ng malalim niyang mga mata. Ang lungkot lungkot.

"Namiss kita."

Natigilan ako sa pagpilit ng ngiti nang sambitin niya ang mga salitang 'yon. Ngayon, gaya ng mga mata niya, hindi ko na nagawang itago ang lungkot. Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang mga luha sa pagtulo.

"Namiss mo pala ako." Bahagya akong natawa habang sinasabi 'yon. "Siguro kung hindi mo sinabi, hindi ko malalaman." Ngumiti ako, "Hindi ko kasi maramdaman." Pag-amin ko.

"I'm sorry." Yumuko si Hansol. Ito nanaman ako at ang konsensya kong nagsasabing dapat hindi ko na sinabi yun. Dapat hindi ko na pinamukhang siya ang may kasalanan sa lahat. Dapat hindi ko pinamukhang siya dapat ang sinisisi ko kaya hindi ayos ang lahat ngayon, kaya hindi kami ayos ngayon.

"Sorry rin, wag mo na pansinin yung sinabi ko." Sabi ko saka umupo na sa bench dito sa park kung saan kami nagkita. Nakita kong tumabi siya sakin.

Sa totoo lang, ngayong nasa tabi ko siya, mas lalo ko siyang namiss. Mas lalo kong namimiss si Hansol na laging masaya kapag kasama ako. Mas lalo kong namimiss kami. Yung dating kami.

Ginagala ko lang ang paningin ko sa park. Walang nagsasalita saamin. Ang awkward. Ang lungkot. Bakit naging ganito kami? Parang dati, pati pagtulog ng langgam nagiging topic namin.

"Ikaw, musta?" Pagbasag ko sa katahimikan.

Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya nilingon ko siya. Nakayuko nanaman siya. "Ewan," sagot niya saka inangat ang ulo at tumingin sakin. "Hindi ko alam." Sagot niya uli.

"Pagod ba?" Kaswal kong tanong. "Sabi ko naman kasi sayong mag resign ka na. Marami namang tatanggap sayong ibang kompanya. Ikaw pa ba e ang galing galing mo." Nginitian ko siya, gaya ng dati kong ginagawa.

Pero hindi siya ngumiti pabalik, hindi gaya ng dati niyang ginagawa.

"Ikaw, pagod ka na ba?" Tanong niya.

"Marami namang klase ng pagod, hansol." Sagot ko. "Pero siguro, hindi, hindi pa."

"Pero mapapagod ka rin?" Tumango ako.

"Lahat naman tayo mapapagod din." Ngumiti ako, "napapagod ka na?'

Katahimikan. Nanatili lang akong nakatitig sakanya habang inaantay siyang sumagot. Kinakabahan ako, haha. Paano kung napagod na nga talaga siya? Paano kung ako nalang tong namimilit na ipagpatuloy to?

Nakayuko parin siya habang pinaglalaruan ang kamay. Ang tahimik lang namin. Hindi yung tulad dati na kapag may isang natahimik pareho na kaming tatawa.

"Seungkwan," naramdaman kong bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko, "mahal kita." aniya. "Mahal na mahal kita."

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o susumbatan. Hindi ko alam kung sasabihin kong mahal ko rin siya o tatanungin kung bakit hindi ko na maramdaman ang mga sinasabi niya. Gustong gusto kong itanong kung ano nang nangyari samin pero may parte saking nag sasabing 'wag kong sabihin yun. Siguro pananahimik nalang ang choice ko.

"Mahal na mahal na mahal kita." Nagulat ako nang inangat niya bigla ang ulo niya at tinitigan ako sa mga mata. "Pero,"

Ayan, pero nanaman. Lagi nalanh may pero. Nakakatakot na yang pero na yan. Ang daming nasisira dahil pero na yan e. Mahal niya ko pero may pero.

"Pero pagod ka na?" Diretso kong tanong. Hindi siya sumagot. Katanggap tanggap ba ngayon ang silence means yes? Hindi ko kasi tanggap kung oo ang sagot niya.

"Mahal kita," sagot niya nanaman.

"Ang layo ng sagot mo." Nagpilit ako ng tawa. "Pero kung mahal mo ko, diba dapat walang dahilan para mapagod ka?" Hindi siya sumagot. "Baka gusto mo lang ulit ng pahinga? Baka gusto mo lang ng konting space? Bibigyan naman kita e. Cool off, gaya ng dati?"

Tinignan ko siya at nakitang nakatingin na rin pala siya sakin. Sobrang lungkot ng mga mata niya. Malungkot ba siya kasi nakikita niya kong nagkakaganito nanaman o malungkot kasi nakikita niya pa ko?

Pagod na ba talaga siya? Ayaw niya na ba talaga?

"I'm sorry." Aniya.

"Ang gulo mo, bakit ka ba sorry ng sorry? Sabihin mo, napapagod ka na ba sa sistema natin? Ayaw mo na ba? Sumusuko ka na b-" natigil ako nang makita ang unti unti niyang pagtango. Napalunok ako ng sariling laway. Tango lang ang ginawa niya, pero masakit.

Ang sakit malamang sumusuko na siya. Wala na ba talaga?

"Hindi na tayo masaya, kwan. Hindi na tayo gaya ng dati. At hindi na natin kaya pang ibalik ang dati. I'm sorry. Mahal kita pero hindi ko na kaya," yumuko nanaman siya, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko pero hindi naman ako nasasaktan. Mas nasasaktan akong marinig siya ngayon. Mas nasasaktan akong malamang napapagod na siya at sumusuko na.

Inangat niya ang tingin sakin at huminga ng malalim, "I'm, I'm sorry." Saka siya umalis, iniwan akong nakaupo ang nakatitig habang unti unti siyang lumayo sakin.

Nakatingin lang ako habang pinoproseso sa utak ko ang pagsuko niya, ang pagbitaw niya. Akala ko, maaayos ko pa. Turns out, ayaw niya nang ayusin ko pa.

Kaya ngayon, ito, wala na talaga. Sa bawat hakbang niya, unti unti nang nagiging seungkwan at vernon ang salitang kami. Wala na, wala na yung salitang tayo saming dalawa.

-end-
Weh ang lame WhaHHHahhaahahHhayahahahayahayHayayHyaahYHyahayahahahahayahahaHhahahHYayyahaYHhahahHa sensya na wala akong hugot e

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

dating tayoWhere stories live. Discover now