Magpakailanman

11 3 2
                                        

Magpakailanman
———————
Date written:   May.29.2017
Time: 4:11pm – 4:38pm
———————
Poem by Darjopa.
DJP

Ang Saya!
Ako na yata ang pinaka-masayang
tao sa mundong ito,
dahil ang mahal ko ay
Mahal rin pala ako.

Ang Saya!
Ang sarap sa pakiramdam
na minahal ka ng taong mahal
mo.

Nung nalaman kong mahal niya ako
At nung naging kami na,
Ang saya-saya ko!
Sa tingin ko wala ng ibang tao na
Makapagpasaya sakin ng ganito
Kung 'di, siya lang.....

Pero......

'Sa tingin' ko lang naman pala
Iyon.

Kasi ngayon...

Iniwan na niya ako...

Ang sakit!
Ang sakit kasi yung taong pinasaya
ka , ay kaya kang
Saktan!

Ang sakit!
Ang sakit sa pakiramdam
Na yung taong
MAHAL mo,
Na pinahahalagahan ka
NOON
Ay binalewala ka nalang
NGAYON.

Ang Sakit!
Kasi hindi ko inakalang magagawa
mong iwan ako, kasi
Sabi mo,
'Mahal mo 'ko'
'Na tayo lang para sa isa't isa'
Pinangako mo pa nga eh.

Pero ang pinakamasakit
Sa lahat ay,,,,

Yung nalaman ko na ginawa
mo lang pala yun dahil
Hindi mo kayang makita
Ko'ng mawawala ka na pala...

Hindi mo kayang makita akong
Mahihirapan
Sa
Kalagayan mo.

PERO!
Mahal, pwede naman tayong
Lumaban ng sabay!

Kasi!
Hindi ko rin kayang makita
Kang nahihirapan,
Nang dahil sa akin at sa kalagayan mo!

At kailanman hindi ako mahihirapan
Nang dahil sayo!
Kasi,
MAHAL NGA KITA!

Pero ano nang magagawa ko?

Huli na ang lahat...
Wala ka na..

Kaya ang
Maipapangako
Ko lang sayo
Mahal, ay ang mahalin kita
Ng panghabang buhay..

Kasi alam kong kahit wala
Ka na,
ay patuloy mo parin
Akong mamahalin..

Kaya mahal,

Kahit wala ka na,

Mananatili ka
Sa puso ko...

Magpakailanman


















Magpakailanman Where stories live. Discover now