"Wala namang masama ron, nag-uusap lang naman tayo."
"Sure ka talaga?" tanong niya
"Oo naman." Nginitian ko siya at ngumit rin siya sa akin.
"Chiina tara na! Masyado ka nanng nag-eenjoy diyan. Tinatawag na tayo!" biglang nagsalita itong si Zea.
"Ay. Hehe. Oh pa'no, tinatawag na kami eh. Next time na lang uli. Salamat ah! Bye!" nakangiti niyang sabi.
"Salamat din! Bye!" At bumalik na sila ni Zea sa grupo nila. Umuwi na rin kami ni Justin.
==================
Isa na namang kabagot-bagot na umaga ito para sa akin. Pero, para sa akin lang siguro iyon. Halaos lahat kasi ng tao sa school ngayon eh excited. Ngayon kasi ang field trip. At kaya ako tinatamad dahil hindi ako sasama. Hahaha. Pero hindi lang naman ako ang hindi kasama sa field trip na ito. Si Justin din hindi, pati yung isa naming classmate na babae. Pumasok pa rin kami kahit siguradong wala naman kaming class. Haha.
Nasa 3rd floor lang kaming tatlo at tinatanaw ang mga bus na nasa grounds pati na rin ang mga estudyanteng may mga dalang malalaking bag. Lahat sila super excited. May ilang todo picture taking, samanatalang kami, ito, nakatanaw lang. Hehe.
Maya-maya pa...
"Justin!"
Papalapit sa amin si Zea, at nasa likod niya si Chiina.
Ang sweet naman, kakausapin muna ni Zea si Justin bago siya umalis. Kasama sila ni Chii sa field trip eh. Nagkangitian lang kami ni Chii. Habang nag-uusap silang tatlo, tinatanaw ko pa rin yung mga nasa baba.
At nakita ko siya.
Kasama niya sila Marjorie. Hindi man lang niya ako sinabihang sasama siya sa field trip. Hindi rin niya ako tinanong kung sasama ako. Hay. Bagay na bagay sa kaniya yung suot niyang blouse. Gumaganda siya lalo kapag hindi siya naka-uniform. Maya-maya pa, lumapit sa kaniya yung mga classmates niyang boys. Nagkukulitan sila. Close rin pala siya sa mga iyon. Hindi ko pa rin talaga siya kilala.
Pumila na sila sa labas ng isang bus. Kasabay nun, nagpaalam na si Chii at Zea kay Justin. Nagngitian lang uli kami ni Chii habang pababa sila. Binalik ko na uli ang tingin ko sa ground floor para hanapin si Alex. Nakita ko siya, papasok na sa bus.
Isa-isa nang uymaalis ang mga bus nang makasakay na ang lahat ng mga estudyante. Susunod na yung bus kung saan nakasakay si Alex. Sinundan ko ito ng tingin. Pumunta pa nga ako sa pinakadulo ng building para makita yung palabas na bus. Nang makalabas ito, nakita ko si Alex sa may bintana. Napatingin siya sa akin, at bago pa man makalayo yung bus, ngumiti siya at kumaway sa akin.
Hanggang sa makaalis na ang lahat ng mga bus. Tahimik na ang buong school. Mas tahimik naman sa room namin. Naglinis na lang tuloy kami ng classroom, habang nagkukwentuhan.
"Aba, ang sipag niyo namang tatlo." Nakita namin si Ma'am Narcisso sa may pinto. "Bakit hindi kayo sumama?"
"Walang pera Ma'am eh. Hehe." Biro ni Justin. Wala raw pera. Haha. Hindi ko lang talaga naisip na sasama si Alex.
"Sus. Oh tara na, magka-klase ako sa section 2, sumali na kayo." sabi ni Ma'am. Siya lang ata ang magkaklase ngayon eh. Hahaha.
Ilan lang sumama sa section 2. Hindi ako nakikinig habang nagtuturo si Ma'am. Alam ko na kasi yun eh. Hahaha. Hindi ako nagyayabang, tinuro na kasi niya talaga yung lesson sa Enrichment class namin. Kung yung iba, hindi nakikinig sa klase namin na iyon, kaming coaching, siniseryoso namin iyon. Hehehe.
YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...
Chapter 30 - Optimism
Start from the beginning
