Meet the Bionic Jovy

Start from the beginning
                                    

Inayos nito ang mga gamit sa table niya bago bitbitin palabas ng classroom.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Muntik ka na dun." inakbayan ako nito pagkatapos sukbitin yung bag nya.

Nakangiti lang ako ng ipalupot sa may bewang niya yung kamay ko. Sabay kaming naglakad palabas ng classroom hanggang sa marating namin yung hallway. Ganto talaga kami kaclose ng best friend ko. Sanggang dikit na parang magkapatid.

"Salamat pala sa notes. Hayaan mo magbabasa na ako next time."

"Saan na naman ba kasi lumipad yung isip mo?"

Sasagot na sana ako ng biglang may tatlong babae na humarang sa dinaraanan namin. Napahinto tuloy kami sa paglalakad.

"Well well well, if it isn't Miss Jovelyn Gonzaga and Mika Aereen Reyes."

Nakasimangot na tumingin ako dito. Ano namang problema ng babaeng to at talagang binuong banggitin yun pangalan namin?

Mahigpit na humawak sa balikat ko si Mika. Tiningnan ko siya. Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.

"What do you want? You're wasting our time." pagsusungit ko. Exaggerated na napasinghap yung dalawang alipores niyang mukhang kumakain na yata ng makeup sa sobrang kapal.

"Oh my gosh. She did not just talk to you that way Yoanna." maarteng wika nung isa.

Hindi ako interesadong kausapin siya at yung mga alipores niya, kaya lang nakaharang kasi sila sa daraanan namin. Hindi kami makaalis.

Si Yoanna Salvador lang naman ang Queen B ng school na to. Queen B as in, queen bee, queen bitch and queen bully. Pardon my languange. Pero sa lahat talaga ng tao dito sa school, siya ang pinakahuling taong gusto mong kaibiganin at kausapin. Oo, sikat siya lalo na sa mga lalaki pero sobrang arogante niya at yabang. At tinatapakan niya lahat ng taong bumabangga sa kanya. Well, kahit di mo siya banggain, tatapakan at tatapakan ka niya oras na mapagdiskitahan ka niya.

Hay naku. Typical arrogant rich kid.

Sa pagkakaalam ko eh Tourism yung course niya at never pa nagkrus ang mga landas namin. Ano naman kayang kailangan ng buang na to? At tsaka teka, paano naman niya nalaman yung mga pangalan namin?

Yoanna smirked. Lalong napaarko yung mga kilay ko.

"I just came here to warn you. At isang beses ko lang to sasabihin." lumapit siya at tumingin sa mga mata ko. "Mind your own business and do not ever meddle with my own." lumipat muna ang tingin nito kay Mika bago lumayo.

"Ano bang sinasabi mo?" kunot-noong tanong ko.

Imbes na sagutin ako, nginitian lang ako nito ng mapakla at pagkatapos ay inirapan pa ako. Di naman nagtagal at umalis rin ito sa harap namin kasama yung mga alipores niya.

"Anong problema nun?" nakakunot-noo pa rin ako pagtingin ko kay Mika.

Napapikit ito at huminga ng malalim. She bit her lower lip and then her nails.

Kilala ko si Mika. Kapag ganitong nagne-nail biting na siya, alam kong may bumabagabag sa kanya.

Siguro ay may sasabihin siya sa akin. Pero ayoko naman siya pilitin. I know magsasabi naman siya kapag ready na siya. Hindi rin naman kasi siya yung tipo na naglilihim ng matagal, lalo na sa akin.

Being best friends is not about not keeping secrets to each other. It is about being open yet respecting each other's privacy.

I smiled and held her hand to make her feel at ease. Mukhang effective at medyo kumalma naman siya.

In Love With Miss Doctor (Gonzaquis)Where stories live. Discover now