You and I

3.5K 122 9
                                    

Whoever told you I was letting go.

Chrien Ross PoV

"Hindi ka ba muna papasok sa loob ng bahay?" Tanong ko kay Oah nung nasa harapan na kami ng bahay namin.

"Hindi na Ien. Baka lumakas pa ang ulan. Huwag ka na lumabas ng bahay ha. Text text tayo mamaya" ngiting sagot niya.

"Sige. Ingat ka. Eto gamitin mo muna" sabay hubad ko ng suot kong jacket.

"Salamat"

Nagsimula na siyang maglakad papalabas ng eskinita. Sinundan ko siya at napansin kong bigla siyang tumigil at lumingon uli sakin.

"Oh bakit? Lakad na baka abutan ka ng ulan" sita ko sa kanya.

"Eh ano pang ginagawa mo diyan? Lakad na sa loob! Baka ikaw ang abutan ng ulan diyan. Kaya ko na to. Pasok na!" Medyo malakas niyang sabi sakin.

"Antayin muna kita makasakay ng tricycle..." maamong sagot ko.

"Isa!" -Oah

"Eto lang naman ang bahay nam-"

"Dalawa!" -Oah

"Oo na! Eto na nga eh! Papasok na sa loob!" Mukhang tangang sabi ko at pumasok na ako sa loob ng bahay namin.

Haaay.. magkaroon ba naman ako ng bestfriend na ganon ang ugali. Palagi niya akong binebeybi. Kahit nga hindi kami magkasama ganun parin siya. Kundi panay ang text, tawag naman kahit wala kaming pinaguusapan.

Pumanik na ako sa kwarto ko. Ini-on ko ang laptop ko at syempre browse sa facebook. May mga notifications ako. Isang mahirap na pagsubok ito dahil hindi ko alam kung ano ang uunahin kong tingnan. Friend request? Message? O notifications? Korni. Inuna ko yung message syempre.

Bunso magkakaroon daw ng concert ang Shooting Star Band dito satin nextmonth. Nuod tayo?

Kailangan ko pa bang sabihin kung kanino galing yung message? Obvious naman diba? Galing kay Kuya Justin. Teka.. anong sabi niya? Concert ng Shooting Star Band? Ayyy! Gusto ko yun! Naalala ko tuloy si Kuya Vincent. Nakita ko siya ng personal nung kasama siya ni Kuya Den dati. Nakakainggit naman si Kuya Den.

Seener ka na pala ngayon. 😞

Muling message sakin ni Kuya Justin.

Ayy! Sorry Kuya. Ngayon lang kasi nagsink in sakin ang message mo. Saka kakauwe ko lang po.

Mabilis kong reply sa kanya.

Hinatid na ni Kuya Paul si Kuya Den diyan sa inyo. Sayang nga at hindi ka nakasama sa bahay. Gumawa pa naman ako ng oreo mango cake. Akala ko kasi makakasama ka dito.

Hala! Parang kinukunsensya pa ako neto ah. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ni Oah kanina. Saka mukhang seryoso si Oah. Tawagin ba naman ako sa buo kong pangalan! Saka wala naman masama kung magkasama kami ni Kuya Justin. Kapatid siya ni Kuya Paul na boyfriend ni Kuya. Boyfriend nga ba e malapit na ang tooooooot nila. (Masyadong obvious)
Haaay napakaseloso talaga ng bestfriend ko. Ayaw niya siguro akong magkaroon ng ibang bestfriend.

Magrereply pa sana ako nung nakita kong hindi na nakaonline si Kuya Justin. Itetext ko nalang siya mamaya. Unahin ko muna tong report namin. Baka magmukhang tanga nanaman ako sa unahan katulad nung nangyari nung nagreport ako sa social study. Buset na yun. Tanungin ba naman ako ng tungkol sa evolution of man eh ang report ko ay tungkol sa great wall of china. E di siraulo si Rizang bengol! Oo! Siya pa talaga yung nagtanong sakin kahit kagrupo ko siya. Abnormal!

Kinuha ko ang earphone ko mula sa maliit na drawer ko. Sinalpak ko iyon sa cellphone ko at inilagay ko sa magkabilang tenga ko.

Np: You and I by Chance.

Hindi nga napasok sa utak ko ang binabasa ko kasi napapasabay ako sa kanta. Di kasi nakakawa itong kanta na to. Paborito namin ito ni Oah. Oo. Ang tagal na. Simula pa nung bata pa kami. Natatandaan ko nga nung una kong napakinggan to nung nasa loob kami ng bus. Fieldtrip namin nun. Tig-isa kami ng earphone tapos paulit ulit lang yung kanya na to hanggang sa matapos ang fieldtrip namin.

"Mamaaaaaaaaaa!" Malakas na sigaw ko nung biglang may humawak sa balikat ko. Gulat talaga ako.

"Paano mo ako maririnig Chrien eh pagkalakas lakas ng earphone mo! Rinig ko oh!" Sabay alis ni Kuya Den sa nakasalpak na earphone sa tenga ko.

"Eh bakit ba Kuya nandito ka? Nag-aaral ako oh! Masipag ako!" Pagyayabang ko sa kanya.

"Naku tumigil ka! Aral aral! Ayusin mo itong kwarto mo" utos ni Kuya.

"Kuya sanay ako na ganito ang kwarto ko. Saka bakit? Dito ka matutulog sa kwarto ko?" Ngising tanong ko sa kanya. Namimiss ko na kasi si Kuya. Medyo busy nanaman kasi siya a trabaho niya tapos minsan kina Kuya Paul pa natutulog.

"Magiging masarap nanaman ang tulog ko neto.. Hi Chrien!" Biglang pasok ni Kuya Justin sa kwarto ko.

"Justin! Huwag ka basta basta pumasok!" Narinig kong sita ni Kuya Paul habang nasa pintuan.

"Okay lang yan Nei. Tara na dun tayo sa kabila. Aayusin ko pa yung lapag. Dun ka sa lapag ha" sabi ni Kuya Den.

"Anong sa lapag! Nasa Book V na tayo sa lapag mo parin ako papatulugin! Hindi na ako papayag niyan!" Narinig kong sagot ni Kuya Paul.

"Diba kachat mo lang ako kanina Kuya Justin? Bakit ang bilis niyo?" Takang tanong ko sa kanya habang nakaharap na sa laptop ko at binabrowse ang facebook ko.

"Habang nasa sasakyan kami chinachat kita. Teka tara sa sala nandun yung oreo mango cake mo. Alam ko naman gusto mo yun eh" sabay hila niya sa kamay ko at nagpunta n kami sa sala. Ini-on niya ang tv namin at sabay na kaming kumakain. Feel at home lang diba?

Matapos namin kumain ay bumalik na kaminsa kwarto ko. Inayos ko ang gamit ko.

"Kuya Justin dito ka na sa kama. Ako na muna diyan sa ibaba" sabay latag ko ng isang makapal na bedsheet sa ibaba.

"Tabi nalang tayo Chrien. Malamig diyan. Saka malaki naman itong kama. Kasya tayong dalawa" ngiting sabi niya.

Sabagay. Saka kama ko naman to eh.

Nahiga narin ako. Sa kaliwang bahagi si Kuya Justin. Aktong pipikit na ako nung biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello..." bungad ko.

"Bakit hindi ka nagrereply sa text ko?" Mabilis na tanong sakin ng kausap ko.

"Ayyy! Sorry Oah. Pinag-aaralan ko kasi yung report ko. Ang haba kasi. Sorry.." sagot ko.

"Okay sige. Sunduin kita bukas ng umaga. Hatid kita sa school mo. May pasok na bukas sabi sa balita. Matulog ka na maya maya. Huwag ka na magpuyat! Sige na goodnight!"

"Teka huwag mo na a-"

Takte! Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung biglang nag-hang up tone na ang linya ng cellphone.

"Mukhang bossy ang bestfriend mo ah" sabi ni Kuya Justin.

"Ganun lang talaga yun Kuya. Pero mabait yun" ngiting sagot ko.

"Mas mabait ako dun noh! Saka mas pogi pa ako dun eh!" Mayabang niyang sabi sakin.

Author: salamat po sa pagsisimulang magbasa nito.
Comments and votes po.
Salamat.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VWhere stories live. Discover now