Simula
"Kahit kailan Herlinda, ang ganda ganda mo talaga." sabi ko sa sarili ko sa salamin.
Habang sinuri ko ang aking buong mukha at katawan pero napangiwi na lang ako. Maganda na ba talaga ako neto? O namalik mata lang ako kanina na maganda ako?
Ika nga ni Pia Wurtzbach," I am, Confidently beautiful with a heart."
Hindi pa rin maiwasan ang katotohanan na, puso lang meron sakin.
Sabihin niyo nga sakin. Sinong maganda ang nakabrace, makapal ang mukha este yung kilay ko pala, good thing na matangos naman ilong ko, may maraming tigyawat at may blackheads pa, maitim pa, And lastly but not the list kulot at buhaghag yung buhok ko. Oh ngayon sabihin niyo sakin, maganda naman talaga ako, dba?
Pag di kayo sumagot ng OO papatayin ko talaga kayo! Kidding. Tanggap ko naman talaga na ganito hitsura ko kaya keri lang.
Lord, wala na bang pag-asang gumanda ako kahit slight lang?
Bumuntong hininga na lang ako ulit at tinantanan ko na ang pagsusuklay sa buhok ko kahit di naman talaga naapektuhan ng pagsuklay. Ewan ko nga, ilang shampoo pa gamitin ko hindi talaga naayos yung buhok ko kahit isang hibla lang man.
Isa pa tong mukha ko, Maliit nga pero puno naman ng tigyawat. Wala na ngang espasyo kung may tutubo pa. Langyang tigyawat to.
At may mas hihigit pa. Yung kulay ko! Kahit bato pa ang ikiskis ko dito walang epek. 'di nga pumupula eh, puputi na ba kaya.
Siguro nung nagpa-ulan ng puro panget ang panginoon sinalo lahat ni nanay, sobrang mabait kaya pinakyaw baka nga kasi nasayangan sa grasya, pero di naman talaga grasya, disgrasya pala. Oh heto ako nasakin lahat. Langya tong si nanay, okay lang naman na sinalo niya pero sana di niya pinasa sakin. Ayan tuloy ako lang ang panget sa kanila.
Tingin nga sakin lahat ng kapit-bahay namin na baka ampon lang daw ako pero tinanong ko naman si nanay na ampon ba ako pero hindi naman. Sa pepe niya daw talaga ako lumabas. Baka 'di si tatay ang totoo kong tatay pero impossible naman, tinanong ko naman si tatay na, baka di niya ako anak pero, sabi niya naman nanggaling talaga ako sa sperm niya.
Oh ano ba talagang reason behind sa kapangetan ko?
Ay wag na nga lang, puputi na lang siguro ang balahibo ng uwak pero yung tanong ko hindi pa rin nasasagot. Pashnea.
'Basta laging tandaan Herlinda na kahit di ka kagandahan, atleast yung puso mo maganda naman kaya keri na' sabi ko sa sarili ko.
"Herlinda?" tawag sakin ni nanay.
"Bakit, po nay?"
Ngumisi siya sakin at sinuklay ang buhok ko. Ang layo layo talaga ng hitsura ko kay nanay. Singkit ang mata at kulay brown pa, matangos ang ilong (salamat naman at namana ko), pinkish ang mukha at kahit isang tigyawat wala, at ang kintab ng buhok niya at straight pa at ang puti niya pa.
"Ba't ka na naman malungkot? Sabi ko naman sayo na nakakapangit yun."
Niloko talaga ako ni nanay, kahit nga masaya ako pangit pa rin ako, pa'no na kung malungkot ako? Edi mas lalong pumanget.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Hindi naman , nay may naisip lang ako." nginitian ko si nanay para mapanatag na ang loob niya.
"Ohsya, pakitawag na lang ang mga kuya at ang tatay mo dun sa music room ng tayo ay makakain na." tumango lang naman ako kay nanay at umakyat na ako papuntang music room.
Akala niyo na poorita ako nu, well hindi! Sadyang nanay at tatay lang ang tawag namin sa kanila dahil para maiba daw.
Binuksan ko ang pintuan at there i saw my 3 kuya's and also my tatay. Kahit saang anggulo 'di talaga ako nabibilang sa pamilyang to. Yung mga kuya ko ang gwagwapo at kasing tulad ni Adonis. Si tatay naman Leader ata ng mga Adonis.
YOU ARE READING
Her Wish
FantasyHerlinda Amurado Simpleng babae, mabait, masunurin, magan- matalino, at well di kagandahan. Kahit pa sa kanyang physical na kaanyuhan, di niya iyon inisip. Ang sa kanya lang ay yung may mabuti siyang kalusugan at may makakain araw-araw. Dahil sa ka...
